Project D.E.A.R., isinagawa ng THS

Isinulat nina Sybel Fabillo at Zhan Danna


Nagsagawa ng proyektong Drop Everything And Read (D.E.A.R) sa Mataas na Paaralan ng Tibagan noong ika-24 ng Nobyembre 2022 na nilahukan ng mga guro, estudyante, at ng buong mga kawani ng paaralan. Isinagawa ito sa pamamagitan ng pagbasa sa kanilang mga librong dala-dala sa hudyat ng bell sa paaralan.

Ayon kay Bb. Yvonne Pimentel, punong librarian ng paaralan, na mainam kung kahit anong oras ay magbasa. Walang basehan ng oras ang pag-unawa sa mga libro, artikulo, o mga balita dahil kung gusto mo, ikaw ay may kalayaan na gawin ito. 

“For the students to be aware of what are the benefits of reading advantages to get, and in reading it, most of the time.” banggit pa niya bilang paliwanag sa kahalagahan ng programang isinagawa.

Bahagi rin ng programa ang pagsasagawa ng paligsahan sa pagkukuwento ng mga mag-aaral na pinarangalan noong ika-25 ng Nobyembre 2022 sa Audio Visual Room (AVR) ng paaralan at bilang pagsasara na rin ng programa.