THS, nag-abot tulong sa mga nasunugan
ni Reign Nicole Garcia
Nag-abot ng tulong ang Mataas na Paaralan ng Tibagan na pinangunahan ng mga piling opisyal ng Supreme Student Government (SSG) noong Mayo 4, 2023 sa mga nabiktima ng sumiklab na sunog kung saan ilan sa mga mag-aaral ng paaralan ay kabilang dito.
Tatlong mag-aaral ng THS ang apektado mula sa ika-pitong na baitang, isa mula sa ika-walong baitang at ika-siyam na baitang, at dalawa naman sa ika-sampung baitang. Natupok ang kanilang mga ari-arian na nagdulot ng malaking pinsala sa karamihan ng mga nakatira sa lugar na iyon.
Nang mabalitaan ng paaralan ang naganap na sunog sa 12th Avenue, East Rembo noong Abril 26, 2023 ay agad itong inanunsyo sa mga mag-aaral at mga guro at nagsimulang mangolekta ng mga donasyon sa tulong ng Treasurer at Auditor ng SSG na sina Jenica Adlawan at Reign Nicole Garcia.
Marami ang nag-abot ng donasyon tulad ng damit, canned goods at maging pera sa mga nabiktima kung saan ito ay tinipon at inihatid ng mga piling opisyal ng SSG kasama ang kanilang tagapayo na sina Gng. Janine T. Lobo at G. Emmanuel Mamaril at ilang mga kawani ng barangay.
“Malaking tulong, dahil nga kami ay nasunugan, ang tulong na ipinahatid ng THS ay nagbigay ngiti sa lahat ng tao na apektado ng sunog. Isa ako sa naging Masaya” pahayag ni G. Johnvae Roquero, THS Alumni na nabigyan ng tulong.