2022 - Unang Tremestre

Sa Mga Huling Kapanahunan: Ang Mensahe





Panimulang Pag-aaral sa Mga Hebreo

Hindi baga silang lahat ay mga espiritung tagapaglingkod, na mga sinugo upang magsipaglingkod sa kapakinabangan ng mangangagmana ng kaligtasan? Mga Hebreo 1:14 (ML304.1)

Ang masayang mensahe ng Mga Hebreo 1:14 ay para sa lahat. Ang buong kabanata ay napakagandang paghihikayat sa mga sinubukan at tinuksong kaluluwa. “Ngunit kaninong sa mga anghel sinabi niya kailan man, Lumuklok ka sa aking kanan, Hanggang sa ang iyong mga kaaway ay gawin kong tungtungan ng iyong mga paa? Hindi baga silang lahat ay mga espiritung tagapaglingkod, na mga sinugo upang magsipaglingkod sa kapakinabangan ng mangangagmana ng kaligtasan?” Itong mga mensahe ay bumababa na kasama ng linya sa ating panahon, sa kanila na mangangagmana ng kaligatasan. Ang mga anghel ay dumating sa ating mundo ngunit sila’y palagiang hindi nasisilayan. Sila minsan ay nagtatabing ng kanilang malaanghel na kaanyuan at nagpapakita bilang mga tao, sila’y nakikipagusap at nagpapaliwanag na mga tao…( ML 304.2)


Habang ang ilan ay nasa lambak ng desisyon, ang mga anghel ay nakikiisa sa mga tunay, buong pusong mga lingkod ni Kristo upang tulungan ang mga nangangailangang kaluluwang ito. {ML 304.3}


Kung sinakop ng mga anghel ang lugar ng tao sa pangangasiwa ng ebanghelyo ay wala sanang buong rehiyon na maiiwan sa kadiliman at sa anino ng kamatayan. Ang gawain ay magiging tulad ng kinakatawan ng isang anghel na lumilipad sa gitna ng langit, na ngangagpahayag ng walang hanggang mabuting balita sa mga nananahan sa lupa. Ngunit ang Diyos ay hindi gagawa ng walang pagsangkot ng tao. Pwedeng ang matinding pagnanais ng mga anghel para sa tao ay mailagay sa tinig upang marinig ng ahensya ng tao, anong pagsusumamo ang maririnig ng nag-aalab na mga salita sa pakikipagusap sa iba kung saan ang langit ang nakikipagusap sa kanila.(ML 304.4)



Ipinakita ng Diyos ang Kanyang pag-ibig sa mga tao sa pamamagitan ng paggawa sa kanila na kabahagi ng Kanyang sarili sa gawain ng kaligtasan. Ang lahat ng narating ng makalangit na inspirasyon ay pinagkakatiwalaan ng ebanghelyo. "Kami ay mga manggagawang kasama ng Diyos," tinawag upang kumatawan sa Kanya bilang mga embahador ng pag-ibig. Dapat tayong makipagtulungan sa gawain ng mga delegado ng langit. . . . {ML 304.5}