6. Si Hesus, Ang Tapat na Saserdote
Sabado ng Hapon
Kaisipang Panalangin
Itinatag ng Diyos ang Kanyang Sarili, at dinala Niya ang hindi nangagkasalang mundo at ang makalangit na sansinukob, ngunit sa isang kahila-hilakbot na halaga. Ang Kanyang nag-iisang bugtong na anak ay Kanyang isinuko bilang maging biktima ni Satanas. Ipinahayag ng Panginoong Hesu- Kristo ang buong ugali na kataliwas ng kay Satanas. Habang tinatanggal ng dakilang saserdote ang kanyang magandang damit at manungkulan sa Kanyang puting linong damit ng isang uring saserdote, Kaya’t inalis ni Kristo sa Kanyang sarili at kinuha ang anyo ng isang alipin at naghandog alay, Siya na saserdote, Siya na mismong biktima.{CTr 14.4}
Talatang Sauluhin:
"Sapagkat nararapat sa atin ang gayong dakilang saserdoteng banal, walang sala, walang dungis, nahihiwalay sa mga makasalanan, at ginawang lalong mataas pa kay sa langit;" (Hebrews 7:26, NKJV).
Itong linggong paaralang pang-sabado na leksyon ay magpapakita ng kagilagilalas na pakikipamagitan ng PagkaDiyos upang maging tulay sa puwang na sanhi ng kasalanan sa sangkatauhan. Ipinagkaloob ni Kristo ang Kanyang sarili upang maging kapalit sa ngalan natin at maging ating tagapamagitan sa langit na hukom. Anong nakakamanghang pag-asa para sa makasalanan na umasa. Tayo’y pinagkasundo sa pamamagitan ng dugo ni Kristo na S’yang dumanak sa Krus ng Kalbaryo.
Balangkas ng Pag-aaral
Linggo: Ang Saserdote sa Ngalan ng Sangkatauhan- Ang kanyang papel: Maawaing Tagapamagitan ( Mga Hebreo 5:1-10)
Mga Heb 4:15, 7:26-28; 13:20; 2:17; 1 Ped. 2:9
Lunes: Sang-ayon sa pagkakasunod ni Melchizedek- Ang kanyang lahi: Ang hanay ni Melchizedek (Heb 7:1-3)
Mga Heb. 1:3; 5:6; Gen. 14:13-20
Martes: Ang Epektibong Saserdote- Ang Kanyang karapatan: Magbago ng kautusan (Mga Heb. 7:11-16)
Heb. 9:14; 10:1-3, 10-14, 17, 18; John 1:29; Num. 3:10; 16:39, 40
Miyerkules: Ang Walang Hanggang Pagkasaserdote- Ang kanyang mga alintuntunin: Ang mas mainam na tipanan (Mga Heb 7:17-22)
Heb. 7:16, 21, 25; Heb. 3:7-11; 4:12, 6:13-15; 9:14; 10:1-4; 8:10-12; Gal. 3:29
Huwebes: Ang Walang Kasalanan na Saserdote- Ang Kanyang Ugali: Ang Perpektong Saserdote (Mga Heb.7:26)
Heb. 2:18; 4:15; Heb. 5:7, 8; 9:14; 12:1-4; Lev. 1:3, 10; Ps. 57:5, 11; 108:5; 1Pet. 2:21-23
Biyernes: Ang Karagdagang Pagaaral at Pagninilay
Linggo: Ang Saserdote sa Ngalan ng Sangkatauhan- Ang kanyang papel: Maawaing Tagapamagitan
(Heb. 5:1-10)
Heb. 4:15; 7:26-28; 13:20; 2:17; 1Pet. 2:9
“At nang siyay mapaging sakdal, ay Siya ang gumawa ng walang hanggang kaligtasan ng lahat ng nagsisitalima sa Kaniya” (Hebrews 5:9)
Ang may Akda ng Ating Walang Hanggang Kaligtasan
“Sapagka’t marapat sa kaniya na pinag-ukulan ng lahat ng mga bagay, at sa pamamagitan niya ng lahat ng mga bagay, sa pagdadala ng maraming anak sa kaluwalhatian na gawing sakdal siyang may gawa ng kaligtasan nila sa pamamagitan ng mga sakit”{Con 33.1}
At nang Siya’y mapaging sakdal, ay Siya ang gumawa ng walang hanggang kaligtasan ng lahat na mga nagsisitalima”
{Con 33.2}
Kaya’t nararapat sa Kaniya na sa mga bagay ay matulad sa kaniyang mga kapatid, upang maging isang dakilang saserdoteng maawain at tapat sa mga bagay na nauukol sa Diyos, upang magawang ipagkasundo para sa mga kasalanan ng mga tao. Palibahasa’y nagbata Siya sa pagkatukso, Siya’y makasasaklolo sa mga tinutukso.{Con 33.3}
Sapagka’t tayo’y walang isang dakilang saserdote na hindi maaring mahabag sa ating kahinaan, kundi isa na tinukso sa lahat ng mga paraan gaya rin naman natin gayon ma’y walang kasalanan
{Con 33.4}
Ang Simple at Kumpletong Sistema ng Teolohiya at Pilosopiya
Naglalaman ang Biblia ng isang simple at kumpletong sistema ng teolohiya at pilosopiya. Ito ay isang aklat na ginagawa tayong matalino sa kaligtasan. Ito’y nagsasabi sa atin kung papaano na maaabot ang mga tinatahanan ng walang hanggang kagalakan. Ito’y nagsasabi sa atin ng pagmamahal ng Panginoon na pinakita sa plano ng pagliligtas, nagbibigay ng karunungang mahahalaga para sa lahat, ang karunungan ni Kristo. Siya na S’yang Padala ng Diyos; Ang may akda ng ating kaligtasan. Ngunit maliban sa Salita ng Diyos, tayo ay wala mismong karunungan na mismong ang isang tao na tulad ng Panginoong Hesus ang sya lamang na bumisita sa ating mundo, ni kahit anong karunungan ng Kanyang Pagka-Diyos, na ipinahiwatig ng Kanyang naunang pamamarati kasama ng Ama. {LHU 130.5}
Ang Pagsasalang-alang ng mga sumusunod:
Namamagitan sa Diyos at sangkatauhan ang isa sa mga gawain ng mga saserdote.
Mauunuwaang lubos ng mga saserdote ang mga tao dahil sila'y makasalanang tulad nila.
Na makapagtitiis na may kaamuan sa mga di nakaaalam at nangamamali, yamang siya rin naman ay nalilibid ng kahinaan;
(Hebrews 5:2).
Si Hesus ay hindi makasalanan, ngunit Kanyang kinuha ang ating likas at pinasakdal sa pagsunod at paghihirap
(Hebrews 5:7-8). Sa paraang ito ay napatunayan Niya na Kanya mismong naunawaan tayo at minahal tayo.
At nang Siya’y mapaging sakdal dahil ng Kanyang pagsunod, Kanyang paghihirap, at ng Kanyang sakdal na buhay. Pinangalanlan na Siya’y maging tagapamagitan sa pagitan ng Diyos at tayo.
(Hebrews 5:9-10).
Lunes: Sang-ayon sa pagkakasunod ni Melchizedek- Ang kanyang lahi: Ang hanay ni Melchizedek (Heb 7:1-3)
Heb. 1:3; 5:6; Gen. 14:13-20
“pinangalanlan ng Diyos na dakilang saserdote ayon sa pagkasaserdote ni Melquizedek,’” (Hebrews 5:10)
Kumbinasyon ng Saserdote at Biktima
Saserdote at biktimang kumbinasyon. Kanyang pinasok ang Templo na bilang lugar ng pagaalay. Si Kristo ang ating Paskwa ay ini-alay para sa atin. Siya ang tupang pinaslang mula nang itatag ang sanglibutan. Siya ay isang tapat na dakilang saserdote pagkat tiniis ang pagpapakababa, kahihiyan, at pang-aalipusta, matapos na Siya’y ipako at ilibing. Siya'y binuhay mula sa libingan, nagtatagumpay laban sa kamatayan. Siya ay isang saserdote magpakailanman, ayon sa utos ni Melquizidek. {12MR 398.1}
Sino si Melquizidek?
Siya’y si Kristo na nagsalita sa pamamagitan ni Melquizidek, ang saserdote ng Kataas-taasang Diyos. Si Melquizidek ay hindi si Kristo, ngunit siya’y tinig ng Diyos sa sanglibutan, ang kinakatawanan ng Ama. At sa nakalipas na lahi si Kristo ay nangagsalita; Si Kristo na nanguna sa Kanyang bayan, at nagiging ilawan sa sanlibutan. Nang piliin ng Diyos si Abram bilang isang kakatawan sa Kanyang katotohanan, Kanyang kinuha palabas ng kanyang lupain, at malayo sa kanyang kaanak, at inihiwalay siya. Kaniyang ninais na hubugin ayon sa kanyang sariling halimbawa. Kanyang ninais na siya’y maturuan sang-ayon sa Kaniyang panukala…{1SM 409.3}
Hesus- Ang ating kataas-taasang saserdote mag pasawalang hanggan
Natapos ang gawain ni Kristo nang Siya’y namatay sa Krus, na tumataghoy sa malakas na tinig, “Naganap na”. Ang daan ay naihayag na bukas; ang tabing ay nahati sa gitna. Maari nang makausap ng makasalanan ang Diyos nang walang pag-aalay at walang paglilingkod ng isang saserdote. Si Kristo mismo ang Siyang saserdote magpakailanman ayon sa utos ni Melquizidek. Ang langit ang Kanyang tahanan. Siya’y naparito sa sanlibutan upang ipakita ang Ama. Ang Kaniyang gawa sa bukirin ng Kanyang pagpapakababa at tunggalian ay natapos na ngayon. Siya’y umakyat na sa mga langit, ay Siya’y walang hanggang uupo sa kanang kamay ng Diyos….. . {CTr 293.3}
Ang Pagsasalang-alang ng mga sumusunod:
Si Melquizidek ay nabanggit lamang ng dalawang beses sa Lumang Tipan. Ang Una, ay sa isang kwento sa Genesis 14:18-20. Ang Pangalawa ay nasa Mga Awit 110:4. Ginamit ni Pablo sa kahulihan upang ipakilala ang kwento ng isang haring-saserdote bilang isang uri ni Hesus.
Si Melquizidek ay “ katulad ng Anak ng Diyos” (Mga Heb.7:3). Si Hesus ay Hari at Saserdote. Siya ay walang hanggan, “walang pasimula ng mga araw ni katapusan ng buhay man”(Mga Heb.7:3). Si Hesus ay hindi isang lahi ni Melquizidek, ngunit ang pagkasaserdote ni Hesus ay katulad ng sa kanya.
Martes: Ang Epektibong Saserdote- Ang Kanyang karapatan: Magbago ng kautusan (Mga Heb. 7:11-16)
Heb. 9:14; 10:1-3, 10-14, 17, 18; John 1:29; Num. 3:10; 16:39, 40
“Na ginawa, hindi ayon sa kautusan ng utos na ukol sa laman, kundi ayon sa kapangyarihan ng isang buhay na walang katapusan"(Hebrews 7:16)
Ang Misyon ni Kristo sa Sanglibutan
Yaman ngang tayo’y mayroong isang lubhang dakilang saserdote na S’yang ating malalapitang may pagtitiwala; tayo ay may isang Tagapamagitan sa kalangitan.”Sapagka’t may isang Diyos at may isang Tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus, na ibinigay ang Kanyang sarili na pangtubos sa lahat; na pagpapatotoong mahahayag sa sariling kapanahunan.”1 Timoteo 2:5,6.{RH, May 7, 1889 par. 5}
Ang misyon ni Kristo dito sa lupa ay upang maituwid ang nagkamaling mga tao sa Diyos, upang pangunahan sila na hanapin ang kabanalan ng ugali, upang sila’y pangunahang manalangin sa Kanya, na dakila sa mga payo. Ipahayag ang inyong mga kasalanan sa Diyos, at hindi Niya bibiguin ang inyong tiwala. Bagaman tayong lahat makasalan ay sagana Siyang magpapatawad. “Kung ipapahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo’y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo’y lilinisin sa lahat ng kalikuan”
Si Kristo ang Nagiisang Tunay na Taga Pamagitan
Ang ating dakilang Kataas-taasang Saserdote ay tinapos ang paghahaing handog ng Kanyang sarili noong Siya’y nagdusa na walang pintuang-daan. Matapos ay isang sakdal na pagtubos ang naganap para sa mga kasalanan ng mga tao. Si Jesus ang ating Tagapagtanggol, ang ating Kataas-taasang Saserdote, ang ating Tagapamagitan. Ang ating kasalukuyang katatayuan samakatuwid ay katulad ng mga Israelita, nakayo sa looban sa labas, naghihintay at tumatanaw sa yaong mapalad na pag-asa, at pagpapakita ng kaluwalhatian ng ating dakilang Diyos at Tagapagligtas na si HesuKristo….Ang uri at tipong-uri ay nagtagpo sa kamatayan ni Kristo, ang Tupang pinaslang para sa kasalanan ng sanlibutan. Ang dakilang Kataas-taasang Saserdote ay gumanap ng tanging handog na magkakaroon ng anumang halaga. {7BC 913.3}
Sa kinaugaliang paglilingkod ng kataas-taasang saserdote, na ginawa ang pagtubos para sa Israel ay lumabas at binasbasan ang kapisanan. Katulad ni Kristo, sa pagtatapos ng Kanyang gawain bilang tagapamagitan, ay lalabas at “papakita na hiwalay sa kasalanan sa ikaliligtas”(Mga Hebreo 9:28) upang basbasan ang nagsisipaghintay Niyang mga tao ng may buhay na walang-hanggan.(ibid., p. 485) {LHU 330.5}
Siya’y “mauupo at magpupuno sa kanyang luklukan; at siya'y magiging saserdote sa kaniyang luklukan”. Hindi sa ngayon “sa luklukan ng Kanyang kaluwalhatian”. Ang kaharian ng kaluwalhatian ay hindi pa pinapasok. Hanggat ang Kanyang gawain bilang tagapamagitan ay hindi pa natapos, at sa Kaniya’y ibibigay ng Panginoong Diyos ang luklukan ni David na Kaniyang ama”, ang kahariang kung saan walang kawakasan”.(Luke 1:32,33) Bilang isang saserdote, Si Kristo ngayon ay umupong kasama ng Ama sa Kaniyang luklukan.(Rev3:21) Sa Kanyang luklukan na walang katapusan, Nag-iisang sarili ang umiiral, Siya na “dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kapanglawan; kundi isa na tinukso sa lahat ng mga paraan gaya rin naman natin gayon ma’y walang kasalanan”, upang Siya’y makasasaklolo sa mga tinukso” “Kung sino man ang nagkasala, mayroon tayong Tagapagtanggol kasama ng Ama”.[Isaiah 53:4; Hebrews 4:15; 2:18; 1 John 2:1] Ang Kanyang pamamagitan ay sa isang pagpako at bagbag na katawan, buhay na walang dungis. Ang sugatang mga kamay, pagbaon sa tadyan, mga paang pinaslang, ay nagmakaawa para sa nagkasalang tao, ang kanyang pagliligtas at tinubos ng sadyang walang-hanggang halaga.{GC88 416.3}
Ang Pagsasalang-alang ng mga sumusunod:
Ang mga saserdote ay hindi sakdal, kung kaya nga’t hindi nila kayang mapasakdal ang ibang tao. Kung magkagayon ang mga handog ay hindi maaring magpasakdal (Hebrews 10:1).
Kinakailangan ng mga tao ang sakdal na saserdote na syang magpsakdal sa kanila sa harap ng Ama. Ang kautusan ng kaserdotehan ay kailangan baguhin sapagka’t wala sa lahi ni Aaron ang naging sakdal.
Ang pagbabago ng kautusan ng pagkasaserdote: mula sa utos ni Aaron tungo sa utos ni Melquizidek.
Ang pagababgo ng kautusang handog: mula sa karamihang hayop hanggang kay Hesus mismong handog.
Miyerkules: Ang Walang Hanggang Pagkasaserdote- Ang kanyang mga alintuntunin: Ang mas mainam na tipanan (Mga Heb 7:17-22)
Heb. 7:16, 21, 25; Heb. 3:7-11; 4:12, 6:13-15; 9:14; 10:1-4; 8:10-12; Gal. 3:29
"Ay gayon din naman si Jesus ay naging tagapanagot sa lalong mabuting tipan." ( Mga Hebreo 7:22)
Sa ilalim ng bagong pakikipagtipan ang mga kondisyon kung saan ang walang-hanggang buhay ay makamit ay mga katulad sa ilalim ng naunang-sakdal na pagsunod. Sa ilalim ng lumang tipan maraming mga pagkakasala ng isang matapang,mapangahas na pag-uugali na kung walang kabayaran sa sala na tinukoy sa kautusan. Sa bago at lalong mabuting tipan ay ginanap ni Kristo ang kautusan para sa mga nagkasala sa kautusan, kung kanilang tatanggapin Siya sa pananampalataya bilang personal Tagapagligtas…
Kahabagan at pagpapatawad ang gantim-pala sa lahat ng lalapit kay Kristo, nagtitiwala sa Kanyang mga kakayahan na alisin ang ating mga kasalanan. Sa mas lalong mabuting tipan, tayo’y nahugasan sa mga pagkakasala sa dugo ni Kristo…..{TMK 299.4}
Ang bagong tipan na pinagbabatayan sa kahabagan
Ang mga pagpapala ng bagong tipanan ay bumabatay sa dalisay na kahabagan na patawarin ang mga hindi makatwiran at mga kasalanan. Ang Panginoon ay tumutukoy na “Aking gaganapin ito at ang mga ito sa lahat ng tumalima sa Akin, tatalikuran ang kasamaan at pipiliin ang mabuti.” Sapagka’t ako’y magiging mahabagin sa kanilang kalikuan, At ang kanilang mga kasalanan ay hindi ko na aalahanin pa.” Lahat ng magpapakumbaba sa kanilang mga puso, ipapahayag ang kanilang mga kasalanan, ay makakasumpong ng kahabagan at biyaya at pag-asa. Ang Diyos sa pagpapakita ng kahabagan sa mga nagkasala ay titigil sa pagiging makatarungan? Nilalapastangan ba Niya ang kautusan, at simula ngayon Sya’y lalagpas sa paglabag nito? Ang Diyos ay tapat. Hindi siya magbabago. Ang mga kondisyon ng kaligtasan ay kailanma’y pareho. Ang buhay, buhay na walang-hanggan, ay para sa lahat ng magsisitalima sa kautusan ng Diyos. {7BC 931.9}
Ang Luklukan ng Tipanan- Kinauupuan ng kahabagan
Ang naghaharing mga prinsipyo ng luklukan ng Diyos ay hustisya at kahabagan. Ito’y tinatawag na Luklukan ng Biyaya. Kung magkaroob ka ng kabanalang kaliwanagan ay magtungo sa Luklukan ng Biyaya. Sasagutin ka sa Kinauupuan ng Kahabagan. Isang kasunduan ang pinasok ng Ama at ng Anak para iligtas ang sanlibutan sa pamamagitan ni Kristo na Siyang magbibigay ng Kanyang sarili sa sinomang maniwala sa Kanya na hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang-hanggan. Walang kapangyarihan ng tao o kapangyarihan ng anghel ang makagagawa ng ganitong tipanan. Ang bahaghari sa taas ng Trono ay isang tanda na ang Diyos sa pamamagitan ni Kristo ay ibinibigkis ang sarili para maligtas ang lahat ng maniniwala sa Kanya. Ang tipanan ay tiyak tulad ng luklukan. Kung magkagayon bakit tayo’y hindi naniniwala, walang pagtitiwala? Ms 16, 1890, pp. 25, 26. ("Our Constant Need of Divine Enlightenment," 1890.) {1MR 109.5}
Pagsasa alang-alang ng mga sumusunod:
Ang lumang tipanan ay batay sa pagkasaserdote ni Aaron. Kung kaya nga’t, ang bagong tipanan ay mahalaga dahil ang kautusan ng pagkasaserdote ay nabago (Hebrews 8:7, 13).
Sa bagong tipanan, ang kahinaan ng saserdote ay napalitan ng “buhay na walang-hanggan” ng ating Tagagarantiya, si Hesus. Siya ang kataas-taasang Saserdote ayon sa utos ni Melquizidek.
Sapagpapatuloy, ang panunumpa rito sa bagong tipan ay isang garantisado. Ang panunumpa ng tao ay natatapos kapag Siya’y namatay, ngunit ang panunumpa ng Ama patungkol sa kaserdotehan ni Kristo ay walang-hanggan sapagka’t wala silang kamatayan (Hebrews 7:21) Ang Kanyang mga pangako ay tiyak.
Huwebes: Ang Walang Kasalanan na Saserdote- Ang Kanyang Ugali: Ang Perpektong Saserdote (Mga Heb.7:26)
Heb. 2:18; 4:15; Heb. 5:7, 8; 9:14; 12:1-4; Lev. 1:3, 10; Ps. 57:5, 11; 108:5; 1Pet. 2:21-23
Sapagka't nararapat sa atin ang gayong dakilang saserdoteng banal, walang sala, walang dungis, nahihiwalay sa mga makasalanan, at ginawang lalong mataas pa kay sa mga langit; (Mga Hebrews 7:26)
Bilang ating Tagapamagitan, Si Jesus ay may buong kakayanan para tapusin itong gawain ng pagliligtas; Ngunit, sa anonng isang halaga! Ang walang bahid ng karumihan na Anak ng Diyos ay hinatulan para sa kasalanan na Siya mismo ay wlang naging bahagi, upang iayon ang makasalanan, sa pamamagitan ng pagsisisi at pananampalatay, ay maaring lubos, sa katuwiran ni Kristo, kung saan wala siyang nakuhang pansarili. Ang kasalanan ng bawat isa na nangangabuhay sa sanlibutan ay iniatang kay Kristo, nagpapatotoo sa mga katotohanang na hindi nangangailangan na ang isa’y maging talunan sa tunggalian kay Satanas. Ang pangangailangan ay ibinigay na ang bawat isa ay mangaghawak sa kalakasan Niya na siyang magliligtas hanggang kasukdulan sa lahat ng lalapit sa Panginoon sa pamamagitan Niya.{7ABC 485.3}
Inako ni Kristo sa Kanyang sarili ang pagkakasala ng pagsuway ng tao, habang ibinibigay Niya sa lahat ng tatanggap sa Kanya sa pamamagitan ng pananampalataya, na sinong babalik sa kanilang katapatan sa Panginoon, sa Kanyang sarili na walang bahid na katuwiran. --The Review and Herald, May 23, 1899. {7ABC 485.4}
Ang pagsasa-alang alang ng mga sumusunod:
Banal: Literal na “Makadiyos” o “kinaluluguran ang Diyos”. Siyang sumusunod sa kalooban ng Diyos.
Hindi nakakapinsala: Hindi kasamaan o mapaghiganti. Palagi siyang gumagawa ng mabuti sa kapwa at hindi nagkakaroon ng masamang kaisipan.
Walang karumihan: Dalisay, walang kasalanan. Siya na tinukso sa lahat ng mga paraan, gayon ma’y walang kasalanan.
Hiwalay sa mga makasalanan: Siya’y inihiwalay sa mga nagkasala ng Siya’y umakyat. Ngayon Siya’y namamagitan sa kanilang ngalan.
Siya’y naging mataas kaysa sa mga langit: Siya ay itinaas sa lahat ng mga bagay, na katulad ng Diyos (Psalm 57:5; 108:5).
Biyernes: Pagninilaynilay
Ang ating dakilang Kataas-taasang Saserdote ay nagsusumamo sa harapan ng luklukan ng awa sa ngalan ng Kanyang mga tinubos na mga tao… Si Satanas ay nakatayo sa kanang bahagi upang akusahan tayo at ang ating tagapagtanggol ay nakatayo sa kanang kamay ng Diyos nagsusumamo para sa atin. Kailanma’y hindi nawalan ng kaso na ipinagkatiwala sa Kanya. Maari nating pagkatiwalaan ang ating tagapag-tanggol; Sapagkat Siyay nagsusumamo sa Kanyang mga ginawa sa ating ngalan. --The Review and Herald, Aug. 15, 1893. {7ABC 486.1}
Niluwalhati ni Kristo hindi ang Kanyang sarili sa pagiging Kataas-taasang Saserdote. Binigyan Siya ng Diyos ng Kanyang gawain sa kaserdotehan. Siya ay dapat na maging huwaran sa lahat ng pamilyang tao. Inangkop Niya ang sarili na maging, hindi lamang kinakatawanan ng lahi, kundi kanilang Tagapagtanggol, upang ang bawat kaluluwa ay mangagsabing, Ako’y may kaibigan sa hukom. Siya ang Kataas-taasang Saserdote na mahabagin sa ating mga kahinaan.--Manuscript 101, 1897. {7ABC 486.2}
Paninilaynilay na tanong
1. Ano ang ibig sabihin ng “makaharing pagkasaserdote” (1Ped 2:9) At kung papaano ito maiuugnay kay Kristo bilang Kataas-taasang Saserdote?
2. Paano natin mailalarawan ang “utos ni Melquizidek” at ano ang kahalagahan ng pagpapahayag patungkol sa Kanya kung papaano ang Diyos ay gumagawa sa sangkatauhan?
3. Paano tayo tutugon sa walang katulad na paghahandog ng Diyos na kung saan walang hayop ang inaalay na makakatumbas kahit sa mga kasalanan ng mga Israelita? Bakit kinakailangan Niya na ialay ang Kanyang pagiging Pagka-Diyos na Manlalalang?
4. Anong pangako sa iniaalok ni Hesus sa ngalan natin sa pagkamatay sa krus ng kalbaryo?
5. Sa itaas ng mga sipi, Ano ang iyong mararamdaman kapag ikaw ay inaakusahan at hindi mo kayang ipagtanggol ang iyong sarili sa hukom, sa tahanan, sa Iglesia o komunidad?
Mula sa Panunulat ng Inspirasyon
“Si Kristo ang dugtong sa pagitan ng Diyos at tao. Ipinangako Niya ang Sariling pamamagitan. Inilagay Niya ang buong kabutihan ng Kanyang katuwiran sa bahagi ng humihingi […] Habang tayo’y nangungusap sa Diyos sa pamamagitan ng kabutihan ng gawaing Manunubos, inilalagay ni Kristo na malapit tayo sa Kanyang tabi, pinalilibutan tayo ng Kanyang brasong tao, habang nasa Kanyang kabanalang braso, Kanyang hinahawakan ang luklukan ng walang hanggang […] Siya’y nangako na didinggin at sasagutin ang ating mga pagsusumamo”.
Testimonies for the Church, vol. 8, cp. 29, p. 178
https://online.fliphtml5.com/nnask/pqvu/#p=1