7. Si Hesus, Ang Sinepete ng Kaluluwa






Sabado ng Hapon


Palaisipang Panalangin

Naroon ang pananampalataya ng mga alagad ni Kristo na sumunod sa Kanya habang sa kanilang paningin, Siya’y umakyat.

Dito nakasentro ang kanilang mga pag-asa, “na pag-asa na may-roon tayo”, Sabi ni Pablo , “tulad ng sinepete ng kaluluwa, isang pag-asa na matibay at matatag at pumapasok sa loob ng tabing; na doo’y pumapasok dahil sa atin si Hesus, naging dakilang saserdote magpakailanman “. At hindi rin naman sa pamamagitan ng dugo ng mga kambing at ng mga bulong baka,kundi sa pamamagitan ng kaniyang sariling dugo, ay pumasok na minsan magpakailan man sa dakong banal, na kinamtam ang walang hanggang katubusan”. [Mga Hebreo 6:19, 20; 9:12.] {GC88 421.1}



Talatang Sauluhin

Na ating inaring tulad sa sinepete ng kaluluwa, isang pagasa na matibay at matatag at pumapasok sa nasa loob ng tabing; Na doo'y pumasok dahil sa atin si Jesus, na gaya ng pangunahin, na naging dakilang saserdote magpakailan man ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec. (Mga Hebreo 9:19,20)


Itong linggong paaralang pang-sabadong leksyon ay magpapakita ng pagtayo at pagbagsak ng bayan ng Diyos nang may kalakasan na humawak sa sinepete ng kaluluwa. Ang nakaraang pag-aaral ay nagpakita kung papaano si Hesus ay nagtuon sa Kanyang bahagi bilang Tagapamagitan para sa sangkatauhan, ngunit hindi naunuwaan ng tao itong katotohanan. Hindi sila handa na tanggapin sa kadahilanang ng kanilang mga sariling pangangatwiran. Ating babalik-tanawin ang mga nakalipas na karanasan at isakabuhay ang mga prinsipyo sa ating panahon- ang mga kauganayan ng pagtindig kay Kristo sa kasulukuyan panahon.


Balangkas na Pag aaral

Linggo: Ang Paglalasap sa kabutihan ng Salita- Paglalasap sa kabutihan (Mga Heb. 6:4-5)

Heb. 10:32; 1:3; Acts 26:17, 18; 2:38;7:36; Eph. 5:11; 1Thess. 5:4, 5; Rom. 5:15; 12:2; John 7:37-39; 5:28, 29, 24; Col. 2:12, 13; 1Cor. 12;13; Gal. 5:22-23; Neh. 9:12, 19, 20; Ps. 105:39; Exo. 16:15; Josh. 21:45; Num. 14:1-35


Lunes: Imposibleng Maibalik- Bumabagsak sa Kasalanan(Mga Heb. 6:6)

Heb. 6:4-6, 18; 11:6; Mat. 16:24; Rom. 6:6, 1-11; Gal. 2:20; 5:17, 24; 6:14


Martes: Walang Handog sa mga Kasalanang Natira- Walang pagtalikod (Mga Heb. 10:26-29)

Heb. 6:4-6; 1-14; 1:13; 5-12; 9:15-22; 1 John 1:9; Isa. 14:12-14; 2Thess. 2:3, 4


Miyerkules: Ang Mas Mabuting Mga Bagay- Paggawa para sa Pag-ibig (Mga Heb. 6:9-12)

Heb. 6:4-8; 13:2, 13-15, 16; 5:11; 12:1-4; Mat. 10:42; 25:31-46; Rom. 13:8-10; Rev. 14:12

Huwebes: Si Hesus, Ang Sinepete ng Kaluluwa- Sinepete ng Kaluluwa (Mga Heb. 6:13-20)

Heb. 2:9, 10; Exo. 32:11-14; Gen. 22:16-18; Rom. 9:4; 11:28, 29; Ps. 89:34-37; Gal 3:13-16; Lk. 1:31-33. 54, 55

Biyernes: Ang Karagdagang Pag-aaral at pagninilaynilay



Linggo: Ang Paglalasap sa kabutihan ng Salita- Paglalasap sa kabutihan (Mga Heb. 6:4-5)

Heb. 10:32; 1:3; Acts 26:17, 18; 2:38;7:36; Eph. 5:11; 1Thess. 5:4, 5; Rom. 5:15; 12:2; John 7:37-39; 5:28, 29, 24; Col. 2:12, 13; 1Cor. 12;13; Gal. 5:22-23; Neh. 9:12, 19, 20; Ps. 105:39; Exo. 16:15; Josh. 21:45; Num. 14:1-35

“[…] minsang naliwanagan at nakalasap ng kalooban ng kalangitan, at nakabahagi ng Espiritu Santo, at nakalasap ng mabuting salita ng Diyos, at ng mga kapangyarihan ng panahong darating” (Mga Hebreo 6:4-5)


Liwanag Para sa Mga Nagnanais

Ang Espiritu ng Diyos ay nagpapaliwanag lamang ng mga kaunawaan ng mga nais na mapaliwanagan. Ating nabasa na binuksan ng Diyos ang mga pandinig ni Lydia, kaya nga’t siyay nakadalo sa mensahe na sinalita ni Pablo. Upang ipahayag ang kabuuang payo ng Diyos at sa lahat ng mahalaga para kay Lydia na matanggap-ito’y ang naging bahagi ni Pablo na gampanin niya sa kanyang pagbabago; at pagkatapos ang Diyos ng lahat ng biyaya ay pinagsanay Niya ang kapangyarihan, pinangungunahan ang kaluluwa sa tuwid na daan. Ang Diyos at ang ahenysa ng tao ay nagtulungan, ang gawain ay buong lubos na tagumpay. (Letter 150, 1900). {6BC 1062.2}


Paglasap sa Tunay na Gawain at Buhay- Makalangit na Handog

Kaya ang mga nakibahagi sa biyaya ng Diyos ay maghahanda na mag alay ng kahit ano, upang ang iba na Sya’ng kinamatayan Niya ay mag bahagi ng makalangit na handog. Lahat ng kanilang kayang magawa upang mas maging lalong magandang tirahan ang mundo.

Itong ganitong Espiritu ay tiyak na bunga ng isang kaluluwang tunay na nabago. Sa madaling panahon na ang isang tao ay lalapit kay Kristo ay may kapanganakan sa puso niya na isang nais na ipakilala sa iba ang isang mahalagang kaibigan na natagpuan niya kay Hesus; ang pagliligtas at pagdadalisay ng katotohanan na hindi maisasara sa kanyang puso. Kung tayo ay dinamitan ng katwiran ni Kristo at napuno ng kagalakan ng pamamalagi ng Kanyang Espiritu, ay hindi natin magagawang matahimik. {SC 78.2}


Nakikibahagi sa Gawain ng Banal na Espiritu

Tayo ay nararapat na makibahagi ng kabanalang mula sa Diyos, yamang nakatanan sa kabulukang nasa sanglibutan dahil sa masamang pita. Dapat tayo’y araw-araw na nababago sa impluwensya ng Banal na Espiritu, sapagkat ito ang gawain ng Banal na Espiritu upang itaas ang panlasa, upang dalisayin ang puso, upang palaguin ng lubusan ang tao, sa pamamagitan ng pagpapamalas sa kaluluwa ng walang katulad na kagandahan ni Hesus. {YRP 77.3}



Nakikibahagi sa Katotohanan

Libo-libong mga tinig ang napuno ng kapangyarihan na magpatuloy magsalita ng kabigha-bighaning mga katotohanan ng salita ng Diyos. Ang nauutal na dila ay pawang kakalasan, ang mahiyain ay gagawing malakas na magdala ng may katapangang patotoo sa katotohanan. Nawa’y tulungan ng Panginoon ang Kanyang bayan na malinis ng templo ng kaluluwa sa lahat ng mga karumihan, at magpanatiling malapit na kaugnay sa Kanya upang sila ay maging kabahagi ng huling ulan, kapag ito’y ibinuhos na.

{RH, July 20, 1886 par. 10}



Ang Pagsasa-alang-alang ng mga sumusunod:

Na naging karanasan ng mga tagapakinig ni Pablo (at sa atin)?

Naliwanagan: Sila ay mga nabago at naging malaya sa kasalanan. Sila’y lumakad palayo sa kadiliman (Mga Taga Efeso 5:8).

Nalasap ang Makalangit na handog: Sila’y nakalasap ng handog ng biyaya ng Diyos (Mga Taga Efeso 2:8).

Nakikibahagi sa Banal na Espiritu: Sila’y nakatanggap ng Banal na Espiritu at pinangunahan Niya(Mga Taga Roma 8:5).

Nilasap ang mabuting salita ng Diyos: Kanilang nilasap ang salita ng diyos sa pamamagitan ng mga kasulatan at ng Salita (Juan 1:14).

Nilasap ang mga kapangyarihan nang Panahong darating: Kanilang nalasap kung ano inihanda sa darating ng Diyos: Ang muling pagkabuhay-namaguli (Kolosas 2:12), Ang pagkabago (Romans 12:2), Ang buhay na walang hanggan (John 5:24).




Lunes: Imposibleng Maibalik- Bumabagsak sa Kasalanan(Mga Heb. 6:6)

“Sapagka’t tungkol sa minsang naliwanagan[…] at saka nahiwalay, muli sa pagsisisi;yamang kanilang ipinapapakong muli sa ganang kanilang sarili ang Anak ng Diyos, at inilalagay na muli siya sa hayag na kahihiyan. (Mga Hebreo 6:4,6)


Kung Nahuhulog sa Patibong ni Satanas

“Mga kapatid, kung sinoman ay masumpungan sa anomang pagsuway, kayong mga sa espiritu, ay inyong papanumbalikin ang gayon sa espiritu ng kahinhinan; na iyong pagwariin ang inyong sarili, baka ikaw naman ay matukso.” Narito ang espesyal na gabay upang makitungo ng magiliw sa mga nasumpungan sa anuman pagsuway. Itong “nasumpungan” ay dapat magkaroon buong kahalagahan. Ito’y isang bagay na iba sa sinadyang kasalanan, na pangunahan ng walang kamalay-malay sa kasalanan, na hindi ibig magkasala, ngunit nagkakasala sa pamamagitan ng kagustuhang magmatyag at manalangin, at hindi nauunawaan ang panunukso ni Satanas kung kaya’t nahuhulog sa patibong niya. May isang pagkakaiba na dapat magawa sa kaso ng isang nagplano at sadyaing pumasok sa tukso, na nagmamarka ng masamang landas, sanay na kunukubli ang kasalanan, upang hindi siya mapansin. Ang pagtrato ay hindi maaring magkaparehas na kaso. Ang mas mabisang mga hakbang ang kinakailangan para masuri ang pinag-isipang kasalanan; ngunit ang mga apostol ay nagtuturo ng pakikitungo na dapat ibigay sa mga “nasumupangan” o nagulat, o nadaig ng tukso. “Kayong mga espirituwal” ay mayroon kang ebidensya ng pakikipagugnayan sa Diyos, “ inyong papanumbalikin ang gayon sa espiritu ng kahinhinan”,huwag paguhuin ang lahat ng pag-asa at lakas ng loob ng kaluluwa, bagkus ipanumbalik siya sa kaamuan, “na iyong pagwariin ang inyong sarili, baka ikaw naman ay matukso.” Tapat na mga pagsaway ay kinakailangan at maingat na payo at pagsusumamo sa Diyos, upang ipakita ang kanyang panganib at kasalanan. {RH, June 28, 1887 par. 10}

Pag-usapan ang Kapangyarihan ng Diyos na Kaloob

Tayo ay mayroon maliit na kasipan sa kalakasan na dapat sa atin kung tayo lamang ay uugnay sa Pinagmumulan ng lahat ng kalakasan. Tayo’y bumabagsak sa pagkakasala ng paulit-ulit, at iniisip na ganito nga talaga. Kumakapit tayo sa ating mga kahinaan na para bang isang bagay na maipagmamalaki. Sinasabi ni Kristo sa atin na gawing parang isang bato ang ating mukha kung tayo’y magtatagumpay. Dinala Niya ang ating mga kasalanan sa Kanyang sariling katawan sa puno: at sa pamamagitan ng kapangyarihan na ibinigy Niya sa atin, tayo ay makakaiwas sa mundo, sa laman at sa kasamaan. Kaya nga’t huwag nating pag-usapan ang ating mga kahinaan at walang kakayahan, bagkus kay Kristo at sa Kanyang kalakasan. Kapag ating pinagusapa ang kalakasan ni Satanas, ang kaaway ay lalong mainam na nagpapatibay ng kapagyarihan sa atin. Kapag ating pinaguusapan ang kapangyarihan ng Makapangyarihan, napapaatras ang kaaway. Habang tayo ay lumalapit sa Diyos, tayo’y nilalapit sa Kanya. {AG 262.2}


Pagsasa-alang-alang ng sumusunod

Ang mga tagapangunang Hudyo na nagpako kay Hesus dahil Kanyang nalagay sa panganib ang kanilang kapangyarihan.

Kung ating tinanggap si Hesus bilang ating Tagapagligtas ngunit tinanggihan Siya bilang tanging paraan ng kaligtasan, ating “pinapako Siya muli” at “at inilalagay na muli siya sa hayag na kahihiyan”. Tayo ay humihimok na maging tanghal sa ating paaraan.

Ang paguugali ay kasalungat sa itinuturo ni Hesus. Kanyang hinihikayat tayo na mapako; ito’y upang mamatay ang ating sarili at pasanin ang Kanyang mga pagdudusa sa Kanya.(Mateo 16:24; Hebreo 13:13).


Ang Pentekostal na pagbubuhos ay Makalangit na pangungusap na ang pagtatalaga sa tungkulin ng Manunubos ay natapos na. Ayon sa Kanyang pangako na ipinadala Niya ang Banal na Espiritu mula sa langit patungo sa Kanyang mga tagasunod bilang tanda na mayroon Siya, bilang saserdote at hari, natangap ang lahat ng kapangyarihan sa langit at lupa, at Siya ang Pinahiran para sa Kanyang bayan.{AA 38.3}


Martes: Wala nang Hain para sa mga kasalanan nanatitira- Walang babalikan (Mga Heb. 10:26-29)

Sapagka’t kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan (Mga Hebreo 10:26)


Si Kristo ang ating Tagaagtanggol

Inilalapit tayo ni Kristo sa Kanyang sarili sa pamamagitan ng ahensya ng Banal na Espiritu; at sa pamamgitan ng pananamapalataya sa Kanyang dugo tayo ay nahugasan sa pagkakasala,”sapagka’t sa dugo ni Hesu Kristo na Kanyang Anak, nahugasan tayo sa lahat ng pagkakasala”.”Kung ipapahayag natin ang ating mga kasalanan, Siya ay tapat at matuwid na patawarin tayo sa ating pagkakasala, matapos na tayo’y patawarin, matapos na tayo’y maging mga anak ng Diyos, tapos tayo ay mawawalan ng pag-asa? Huwag!; sapagka’t sinulat ni Juan “Mumunti kong mga anak, ang mga bagay na ito ay isinusulat ko sa inyo upang kayo’y huwag mangagkasala. At kung ang sinoman ay magkasala, ay may Tagapamagitan tayo sa Ama, si HesusKristo ang matuwid”. Si Jesus ay nasa langit na luklukan nagsusumamo sa Ama sa ngalan natin. Kanyang inihaharap ang ating mga dalangin, isinasama Niya sa kanila ang mahalagang kamanyang ng Kanyang mga ginawa, upang ang ating mga dalangin ay maging kaaya-aya sa Ama. Kanyang nilalagyan ng bango ang ating mga dalangin, at pinapakinggan tayo ng Ama dahil hinihingi natin ang mga kailangan natin, at maging ganun din tayo sa iba, tayo ay nagiging kasarapan sa buhay tungo sa buhay.{RH, March 1, 1892 par. 8}


Si Hesus ay naparito upang magdusa sa ngalan natin, upang maibahagi Niya sa atin ang Kanyang katuwiran. Mayroon ngunit iisang daan upang makatakas para sa atin, at iyon ay matatagpuan lamang sa pagiging kabahagi ng Kabanalang likas.{RH, March 1, 1892 par. 9}


Tumakbo kay Kristo sa Sandaling Makagawa ng Kasalanan

Marami ang hindi nanalangin. Nakakaramdam sila ng paghatol ng kasalanan, at iniisip nila na hindi sila maaring makalapit sa Diyos hanggat mayroon silang magawa para makuha ang loob Niya o hanggat makalimutan ng Diyos ang pakukulang nila. Kanilang sinasabi” Hindi ko maaring hawakan ang banal na mga kamay ng Panginoon na walang galit o pagdududa, at kaya nga ay hindi ako maaring makalapit. Samakatuwid, sila’y nanatiling malayo kay Kristo at patuloy na nakakagawa ng kasalanan sa lahat ng panahon, kung wala Siya ay walang magagawa kundi kasamaan. {3SM 196.2}

Sa lalong madaling panahoon na makagawa ka ng kasalanan, ay tumakbo ka sa luklukan ng biyaya, at sabihin mo lahat ito kay Hesus. Ikaw ay dapat na mapuno ng kapighatian dahil ng kasalanan, dahil sa pamamagitan ng iyong kasalanan ay nanghina ang iyong esprituwalidad, pinighati ang mga anghel sa langit, sinugatan at binugbog ang pusong mapagmahal na Manunubos. Kapag humingi ka kay Hesus ng may pagsisisi sa iyong kaluluwa sa Kanyang pagpapatawad, maniwala na pinatawad ka Niya. Huwag ka magduda sa Kanyang banal na kahabangan o tanggihan ang aliw ng Kanyang dakilang pagmamahal. Bible Echo, Feb. 1, 1892. (Discourse at Melbourne, Australia, Dec. 19, 1891.) {3SM 196.3}


Pagsasa-alang-alang ng mg sumusunod:

Hindi sinasabi ni Pablo tungkol sa mga kasalanan na ang mga nagawa na hindi sinasadya o dahil sa kahinaan o sa isang tiyak na tukso (1 Juan 2:1), ngunit sa bagay na mas malubha.

Sinasabi ni Pablo tungkol sa “kasalanang tungo sa kamatayan” (1 Juan 5:16) na siyang binigyan kahulugan ng mga sumusunod (Mga Hebreo 10:29).

1. Pagtapak sa Anak ng Diyos.

Ang pagtanggihan si Hesus bilang Panginoon, ay inilalagay mo ang sarili bilang panginoon sa Kanyang lugar.

2. Ibinibilang mo ang dugo ng tipan bilang isang karaniwang bagay. Tinatanggihan ang sakripisyo ni Hesus.

3. Paghamak sa Espiritu ng biyaya.

Pagkakasala laban sa Banal na Espiritu (Mar. 3:29).


Miyerkules: Ang Mas Mabuting Mga Bagay- Paggawa para sa Pag-ibig (Mga Heb. 6:9-12)

Sapagka’t ang Diyos ay hindi liko upang limutin ang inyong gawa at ang pagibig na inyong ipinakita sa kaniyang pangalan, sa inyong paglilingkod sa mga banal, at hanggang ngayo’y nagsisipaglingkod kayo. (Mga Hebreo 6:10)


Ang bawat salita na iyong sinalita, bawat gawa na iyong nagawa, ay may impluwensya sa mabuti o masama sa mga nakakasalamuha mo; at Oh! gaano kahalaga ito na mayroon tinitirhan si Kristo sa iyong puso sa pamamagitan ng panampalataya, na ang iyong mga salita ay mga salita ng buhay, at ang iyong mga gawa, ay gawang ng pag-ibig. Ang mga salita at mga gawa ng Kristyano ay itinalaga upang gumawa ng bahagi sa malaking bahagi na ang Diyos ang Siyang nag-isip para sa kaligtasan ng nagkasalang tao. Pinangunahan ng Paginoon ang mundo sa Kanyang mga taga sunod, at Kaniyang sinabi “ sa kanilang mga bunga ay makikila mo sila”. Kung tayo ay gagawa mula sa mataas na paninindigan na nakalulugod sa Ama sa Kalangitan, tayo ay magkakaroong pakiki-isa sa espiritu ng langit; ating maipapamalas sa sanglibutan ang pamamahal ni Hess sa ating mga buhay at mga pag-uugali. {RH, June 12, 1888 par. 7}


Panatilihin ang Isang Paglakad na Malapit kasama si Kristo.

Linangin ang isang pagmamahal sa pag gawa ng mabuti; hanapin na maging sagana sa mga pag gawa ng mabuti. Sa maraming mga bagay y marami kang magagawa. Mayroon ka sariling responsibilidad sa harap ng Diyos. May tungkulin kang gagawin, na kung saan ay wala kang dahilan. Panatilihing ang isang paglakad na malapit kasama ang Diyos; manalanging walang patid. Ikaw ay magkakaroon ng malapit na pag gawa kung ililigtas mo ang iyong sarili. Hanapin na magkaroon ka ng isang kakaibahang impluwensya sa iyong pamilya. Manindigan nang marangal para sa Diyos.

Hayaan na ang iyong mga halimbawa ay nagpapakita na ang iyong yaman ay nasa langit, na iyong ipinamuhunan lahat sa isang mas mainam na tahanan at mas mainam na buhay, na ito’y walang-hanggan. Sanayin ang kaisipan na pahalagahan ang mga makalangit na bagay, upang iangat, upang ibigin ang Diyos at upang ipakita ang isang kusang pagsunod sa kalooban Nya” {2T 242.1}

Panghawakan ang mga Bagay na Pangwalang-hanggan.

Ito ay hindi kalooban ng Diyos na ang Kanyang mga ministro ay maghanap ng karangyaan. Patungkol ito sa sinulat ni Pablo kay Timoteo:” Sapagka’t ang pag-ibig sa salapi ay ugat ng lahat ng uri ng kasamaan; na sa pagnanasa ng iba ay nangasinsay sa pananampalataya, at tinuhog ang kanilang sarili ng maraming mga kalumbayan. Datapuwa’t ikaw, Oh tao, ng Diyos, tumakas ka sa mga bagay n ito, at sumunod ka sa katuwiran, sa kabanalan, sa pananampalataya, sa pagibig, sa pagtitiis, sa kaamuan”.[1Timoteo 6:10, 11.] At bilang sa pamamagitan ng halimbawa, at sa pamamagitan ng tuntunin, na sugo para kay Kristo ay upang “italaga sila na mga mayaman sa sanglibutang ito, na hindi sila magsipag-mataas sa pagiisip, at huwag umasa sa mga kayamanang di nanatili, kundi sa Diyos, na Siyang nagbibigay sa ating sagana ng lahat ng mga bagay upang ating ikagak; na sila’y magsigawa ng mabuti, na sila’y magsiyaman sa mabuting gawa, na sila’y maging handa sa pamimigay, maibigin sa pamamahagi;na mangagtipon sa kanilang sarili ng isang mabuting kinasasaligan para sa panahong darating, upang sila’y makapanangan sa buhay na tunay na buhay” [1 Timoteo 6:17-19.]--"The Acts of the Apostles," pages 365-367. {GW 340.2}


Pagsasa-alang-alang ng sumusunod

Matapos ang isang ganoong mabigat na mensahe, sinabi ni Pablo sa kanyang tagapakinig na siya’y tiyak na wala sa kanila ang magkakasala laban sa Banal na Espiritu bagkus patuloy na nakahawak kay Hesus bilang kanilang Tagapagligtas (Mga Hebreo 6:9).

Kanyang pinatunayan ito sa pamamagitan ng paggunita sa lahat ng gawain ng pag-ibig na kanilang natapos para kay Kristo. Ito ay hindi iisang beses na mga pag gawa, kundi isang pamumuhay. Kinikilala, sinasang-ayunan at pinupuri ng Diyos ang ganitong uri ng paggawa (Apoc. 2:2-3, 19).


Huwebes: Si Hesus, Ang Sinepete o Angkla ng Kaluluwa- (Mga Heb. 6:13-20)

Na ating inaring tulad sa sinepete ng kaluluwa, isang pag-asa na matibay at matatag at pumapasok sa nasa loob ng tabing;”(Mga Hebreo 6:19)


Ang katotohanan ng Diyos ang syang sinepete o angkla. Humihiwalay ka sa sinepete. Ang iyong walang hanggang interes ay inialay sa pita ng laman, ang pita ng mga mata at ang pagmamataas sa buhay. Ikaw ay nasa puntong napakikipaghiwalay sa bigkis na syang magliligtas sa iyo sa lubos na pagkasira. Sa paghahanap para iligtas ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagtatago ng mga maling gawa, ay ang pagkawala nito. Kung ikaw ngayon ay magpakumbaba sa iyong sarili sa harap ng Diyos, ipahayag ang iyong mga mali, at bumalik sa Kanya ng buong puso na may luyunin, ay maaari pang maging isang masayang pamilya. Kung hindi mo ito gagawin, at pipiliin ang iyong landas, ang iyong kasiyahan ay nasa dulo”. {2T 303.3}


Pagsasa-alang-alang ng sumusunod

Tinapos ni Pablo ang pagsusumamo sa pagbibigkas ng ating katiyakang kaligtasan. Ito ay parang katulad ng matatag na sinepete na nakapirmi sa “dalawang bagay na di mababago, na diya’y di maaring ang Diyos ay magbulaan”(Mga Hebreo 6:18): Ang Kaniyang pangako ng isang Tagapagligtas, at ang sumpa na sinusuportahan ng pangako (Genesis 22:16-17; Mga Awit 89:35-36).

Ang lahat ay nakatuon kay Hesus. Matapos na umakyat si Hesus, Siya’y pumasok “sa likod ng tabing” at umupo sa kanang kamay ng Diyos bilang ating pasimula (Romans 8:34; Hebreo 6:20).

Siya ang walang kaduda-duda na ating “sinepete o angkla ng kaluluwa” at ang tiyak ng mga pangako na darating.


Biyernes: Ang Karagdagang Pag-aaral at pagninilaynilay

Maari nating maipamalas ang libong mga pagpansin sa maliit na magiliw na mga salita, at kaaya-ayang hitsura, na muling maglalarawan sa atin. Ang hindi nag-iisip na Kristiyano ay nagpapakita ng kanilang pagpapabaya sa iba na hindi sila ka-isa kay Kristo. Ito ay imposibleng makipag-kaisa kay Kristo at gayon ay walang habag sa iba at malimutin sa kanilang mga karapatan. {AH 428.3}

Tayong lahat dapat ay mga saksi kay Hesus. Ang Kapangyarihang sosyal, na dinalisay sa pamamagitan ng biyaya ni Kristo, ay dapat pagbutihin sa pagkamit ng mga kaluluwa sa Tagapagligtas. Hayaan na makita ng sanlibutan na hindi tayo makasarili sa ating mga interes, ngunit ninanais natin sa iba na magbahagi ng ating mga pagpapala at mga karapatan. Hayaan na makita na ang ating rehiyon ay hindi tayo ginawang matigas ang puso o mapaghanap. Hayaang magministeryo ang lahat ng nagsasabing natagpuan nila si Kristo na tulad ng Kaniyang ginawa para sa kapakakanan ng mga tao. Hindi natin maaring ibigay sa sanglibutan ang maling palagay na ang Kristiyano ay mga mapanglaw, mga hindi masayahing tao. {AH 428.4}

Paninilaynilay na tanong

1. Anong mga katunayan na ang ating buhay ay nagpapamalas na tayo’y nakiki-isa kay Kristo?

2. Paano ang Mga Hebre 6:4,5 ay nagtuturo at maka epekto sa ating mga karanasan sa buhay at liwanagan habang tayo ay nakaugnay sa sangkatauhan?

3. Kung imposible sa atin na maibalik sa ating sarili ang nawalang larawan na mayroon tayo mula sa paglalang, at anong pang mga hindi ikaaari kung hindi nanguna si Kristo sa isang plano para sa ating kaligtasan?

4. Matapos na malaman ang katotohanan, ay ma-aari pa bang makagawa ng insulto sa Espiritu ng biyaya kapag hindi tayo lubusang magbago?

Batay sa itaas na talata, ay maari bang makasaksi at magbabala sa iba habang hindi tayo nakikiisa kay Kristo?


Mula sa Panunulat ng Inspirasyon

Ang dakilang kalaban ng Diyos at ang kaaway ng tao, ay nagmamasid upang hanapin ang pagkakataon na kunin tayo habang hindi tayo nagbabantay. Sinabi ni Hesus sa atin, ang kapahamakan sa atin at nagbigay sa atin ng babala laban sa tusong kalaban. Kanyang inulit na isama sa atin ang gawain ng laging pagmamatyag at pananalangin, na baka pumasok sa tukso. Manampalataya kay Hesus, magtiwala kay Hesus sa buhay, patuloy na manampalataya at umasa nang walang pag-aalinlangan kay Hesus upang ingatanat iligtas tayo.

Ang Isang magiting para iligtas ay nakahawak sa iyo, at habang ikaw ay nagpapasakop na pangunahan ka Niya, matuto sa Kanya, magtiwala sa Kanya, ay hindi ka hahayaang mahulog. At kapag tumulong na panatilihin ka, Siya ang isang siguradong tanggulan.

{ -Manuscript 1, Jan. 5, 1894, "The Holy Spirit Agrees With the Word." {UL 19.5}


SSL-Q1-07-Si Hesus-Ang Sinepete ng Kaluluwa.pdf