Mga Sangkap
•¼ kilong macaroni
•1 tasang kulitis o talinum, hatiin sa 2-3 bawat dahon
•½ kilong kamoteng kahoy (hiwain ng malilit)
• ½ kilong kamote (hiwaing pakuwadrado)
• 2 litrong tubig
•1 pirasong sibuyas (gayatin ng pino)
• ½ tasang patis
•6 pirasong bawang (gayatin ng pino)
•¾ tasang gatas na evaporada Paraan
Paraan
1.Igisa ang bawang at sibuyas sa kawali.
2.Idagdag ang tubig at hintaying kumulo.
3.Ilagay ang macaroni at patis.
4.Pagkalipas ng ilang minuto, ilagay ang kamote, kamoteng kahoy at gatas na evaporada.
5.Hayaang kumulo hanggang maluto ang mga lamang ugat.
6.Ilagay ang kulitis o talinum.
7.Pakuluin ng isa pang minuto.