Mga Sankap
•7 tasang dahon ng talinum
•4 tasang butil ng munggo
•4 tasang upo (tanggalin ang buto at hiwain ng pakwadrado)
•2 tasang chicken breast fillet (ginayat)
•2 kutsarang bawang (hiwain ng maliliit)
•¼ tasang sibuyas (hiwain ng maliliit)
•½ tasang kamatis (hiwain ng maliliit)
•¼ kutsaritang pamintang durog
•7 tasang tubig para sa munggo
•4 tasang tubig
•¼ tasang mantika
•¼ tasang patis
Paraan
1.Pakuluan ang munggo ng 20 minuto at isantabi.
2.Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.
3.Isunod ang manok at lutuin ng 3 minuto.
4.Timplahan ng patis at paminta.
5.Ihalo ang tubig at pakuluin ito.
6.Ilagay ang munggo at upo. Pakuluan sa loob ng 3 minuto.
7.Ihalo ang talinum at ihain.