Pagbubukas ng Malate Catholic School sa Taong-Panuruan 2023-2024

Bukas na muli ang Malate Catholic School para sa full face-to-face classes para sa taong panuruang 2023-2024. Noong Agosto 7, 2023, ipinagdiwang ito sa pamamagitan ng Welcome Program na inihanda ng SCB, at ang opisyal na paglulunsad ng Buwan ng Wika at Kasaysayan na may temang: "Filipino at Kasaysayan: Kasangkapan sa Katarungang Panlipunan, Daan sa Sama-Samang Paglalakbay." 

Written by: Lorrieza Jhoilyn Punzalan

Layout by: Francheska Shieniah Rayne Mercado



August 10, 2023 | 7:00 P.M.

Ang paaralan ng Malate Catholic School ay opisyal nang binuksan ang bagong Taong-Panuruan ng 2023-2024 noong ika 7 ng Agosto, 2023. Iba't-ibang mga aktibidad ang nakaplano para sa unang araw ng pasukan, tulad ng Welcome Party na inihanda para sa mga mag aaral mula sa ika-3 baitang hanggang ika-12 na baitang sa Cardinal Sin Gymnasium. Nagkaroon rin ng paglunsad at pag anunsyo ng mga aktibidad para sa Buwan ng Wika 2023. Kasabay nito ay ang Orientation ng ECE hanggang baitang 2 na ginanap sa Audio Visual Little Theater.

Welcome Program (Baitang 3-12)

Nagkaroon ng Welcome Program ng ika-pito (7 AM) ng umaga. Ang mga mag-aaral ay sinamahan ng mga usher at usherettes patungo sa nakatalagang lugar ng kanilang baitang. Nagsimula ang pagtitipon sa Papuri Sa Umaga at Seremonya ng Bandila. Kasunod nito ay nagkaroon ng Physical Fitness Dance na pinamunuan ng Student Coordinating Board (SCB).  


Nagsimula ang programa sa pamumuno nina Mr. Avelino Dela Cruz at Jewel Recto bilang mga Guro ng Palatuntunan. Nagbigay naman ng Pambungad na Mensahe si Bb. Marilou Lunar, ang Punong-guro ng Malate Catholic School. Nilahad niya ang kanyang kagalakan na ang paaralan ay muling nagbubukas para sa Full Face-to-Face Classes. 


Sinundan naman ito ng pagkanta ni Leila Soriano, isang mag aaral na galing sa ika-siyam na baitang. Nagkaroon ng introduksyon ang bawat baitang mula baitang 3 hanggang baitang 12 sa pamamagitan ng palakpakan at paghiyaw ng mga mag aaral na kabilang sa nasabing baitang. Nagpakita rin ang Dance Troupe sa kanilang talento sa pagsasayaw. 


Sinundan naman ito ng pagkanta ni Leila Soriano, isang mag aaral na galing sa ika-siyam na baitang. Nagkaroon ng introduksyon ang bawat baitang mula baitang 3 hanggang baitang 12 sa pamamagitan ng palakpakan at paghiyaw ng mga mag aaral na kabilang sa nasabing baitang. Nagpakita rin ang Dance Troupe sa kanilang talento sa pagsasayaw. 

Orientation ng ECE hanggang Baitang 2

Nagsimula ang Orientation ng mga mag aaral mula ECE hanggang baitang 2 sa isang Papuri sa Umaga. Nagkaroon din ng orientation ang ika-12 na baitang ng alas diyes (10 AM) ng umaga. Sa orientation na ito, nagbigay ang mga guro ng paalala sa mga gagawin sa araw at ang talakayan ng iskedyul ng mga dasal. Sina Gng. Michelle Santiago, ang guidance counselor; Nurse Rusell De Leon, ang nars ng paaralan; at si Gng. Shiela Balute, ang librarian ay nagbigay ng maikling services orientation. Para naman sa ika-12 na baitang, dumalo din sina Ginoong Frankmar Cabeltis, at Ginoong Marko Suasola upang magbigay ng dagdag kaalaman sa mga estudyante ng mataas na paaralan.


Pagkatapos ng mga programa sa umaga ay bumalik na ang lahat ng mga mag aaral sa kani-kanilang mga silid-aralan kasama ang mga nakatakdang advisers sa bawat pangkat at nagkaroon ng Homeroom Orientation. Dito na nagpatuloy ang homeroom orientation ng bawat klase. Nagpamigay rin ang Student Coordinating Board (SCB) ng sticky notes sa bawat mag-aaral upang maisulat ang kanilang nararamdaman para sa unang araw ng klase at idinikit sa nakatakdang bulletin board.