Ang Tula't Kaniyang Hiwaga

Written by: Rafael James T. Huenda

Sa dugtong ng mga letra, mga salita’y nagkapitkapit 

Hiwagang bumububuklat sa bawat sambit 

Sumasalamin sa mga dunong na kay rikit

Sining sa sanlibong henerasyon ay bitbit  


Mga tugmang walang katapusan

Mapaglarong mga taludturan 

Talinghagang may taglay na katingkaran

Sadyang iniukit sa papel na walang laman


Tila isang tungtungan ang mga tula 

Nang matanaw ang tanglaw ng pag-asa 

Tila isang laya sa mga ibong nakahawla 

Mga bagwis ay bali, kamangamgan ay ‘di makalaya  


Mga tala ma’y umandap, at mga dahon ay tumuklap

Patuloy na maipipinta ng mga sulat ang ating hiraya 

Binibigkis ang karungan ng ating mga tula 

Karungan na ang pugad ay ating pusong gipalpal mg hiwaga