BAKIT GANO'N?

Written by: Austin Wayne Abrenica

Bakit gano'n?

Bakit kailangan natin magkagan'to? 

Bakit kailangan mangyare ang mga ito? 

Bakit kailangan mong lumayo? 

At higit sa lahat, bakit kailangan mong iwan ako? 

Bakit gano'n? 

Naging masaya naman tayo sa isa't isa.

Naging masaya at bumuo ng mga alaala. 

Alaala na mahirap mabura Pero sa isang iglap, ay bigla nalang mawawala. 

Bakit gano'n? 

Bakit mo ko sinasaktan ng gan'to? Yan ang mga tanong na umiikot sa isipan ko. 

Yan din ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, umiyak ako. 

Dahil naiisip ko nalang na, nagkulang ba ako? 

Bakit gano'n? 

Nagawa naman nating maging masaya noon 

Pero bakit ba talaga tayo nagkakagan'to ngayon? 

Ako'y nahihiripan sumang ayon, bakit gano'n? 

Bakit mo ko sinasaktan ng gan'to? 

Yan ang mga tanong na umiikot sa isipan ko. 

Yan din ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, umiyak ako. 

Dahil naiisip ko nalang na, nagkulang ba ako?

Bakit gano'n? 

Nagawa naman nating maging masaya noon 

Pero bakit ba talaga tayo nagkakaganto ngayon? 

Ako'y nahihiripan sumang ayon.