OFW

Written by: Scarlita

Nagpapakahirap mag trabaho para sa pamilya

Nagtitiis ng gutom upang may maipadala

Araw araw ay natutulog sila nang mag-isa

Sa mga panahong iyon, sila ay nagdurusa.


Tuwing sila ay uuwi, ang tingin pa sa kanila ay masama.

Iniisip ng iba na nang iwan sila para magpakasaya

Ngunit wala tayong alam sa paghihirap na dinanas nila,

Kaya galangin natin ang bawat isa sa kanila.


Saludo sa mga magulang na kinaya ang lahat para sa pamilya

Kayo ay aming hinahangaan at tinitingala

Salamat sa inyong pagsasakripisyo

Saludo sainyo, mga OFW!