“Nahuhulog” ni MCS Alumnus, Jed Baruelo, Pasok sa Top 50 ng Spotify PH 

“Just be true to yourself, diba yung motto ng MCS ay True to my Faith?” (Maging totoo ka lang sa sarili mo, diba yung motto ng MCS ay True to my Faith?) sabi ni Jed Baruelo. Si Jed Baruelo, isang Filipino singer na isa ring Malate Catholic School (MCS) alumnus ay nagbigay ng ilang oras para sa isang panayam tungkol sa kanya at sa kanyang kantang “Nahuhulog”, na may limang milyon streams sa Spotify.

Written by: Ruanne Tan

Layout by: Bernadette Ojo


Agosto 13, 2023 | 4:30 NG HAPON

Si Jed Baruelo ay isang alumnus ng Malate Catholic School (MCS). Naglabas siya ng isang kanta na pinamagatang "Nahuhulog" noong Mayo 2022. Ang kantang ito ay patuloy na sumisikat, at sa kalaunan ay umabot ng isang milyong monthly listeners ang kaniyang Spotify account. Ngayon, nasa limang milyong streams na ang "Nahuhulog" sa Spotify. Napanood siya sa isang live performance sa Bamu Intramuros noong Sabado, Agosto 12, 2023, sa ganap na 8:30 ng gabi.


Nagtapos si Jed Baruelo sa Malate Catholic School (MCS) noong taong 2021 at kasalukuyang kumukuha ng Bachelor's in Mathematics. Noong nag-aaral pa ito sa MCS, sumali siya sa isang patimpalak na tinatawag na Music Laban noong Buwan ng Wika at naging isang bassist at vocalist. Ayon sa kanya, mahirap ngunit masaya ang kanyang naging oras bilang isang mag-aaral sa MCS.  Sinabi niya, “You get to explore so many things about yourself, and doon sa environment mo mismo, maraming kang makikilala na may ganitong palang talentadong tao, may ganitong pala tatalino na tao.” 


(Makakapag-siyasat ka ng napakaraming bagay tungkol sa iyong sarili, at doon sa kapaligiran mo mismo, maraming kang makikilala na may ganitong palang talentadong tao, may ganitong pala tatalino na tao.)

Ayon sa panayam, inilahad niya kung paano niya ginawa ang "Nahuhulog”. Ayon kay Jed, ang kanyang proseso ng paggawa ng musika ay nagsisimula sa himig, sumunod naman dito ay ang lyrics. Sinabi niya na una niyang naisip ang himig tuwing naghuhugas siya ng mga plato, at doon nagsimula ang ideya na gawin ang kanta na nagpasikat sa kanya. Dahil dito, ay patuloy na niyang isinulat ang lyrics at pagkatapos, ay bumuo ng kanta. Bagamat sinabi niyang hindi niya akalain na magiging sikat ito dahil napakapersonal ng kantang ito sa kanya, napagtanto niya na may kaugnayan ang mga tao sa mga damdaming inilarawan sa kanta. Sinabi niya na kapag gumagawa ng  Ibinahagi rin niya na ang paborito niyang bahagi ng kanta ay ang ikalawang verse dahil ito ay tungkol sa pag-ibig na hindi ganoon komplikado.


Naibahagi niya rin na ang kaniyang ama ang naging inspirasyon niya sa paggawa ng musika. Isang musikero ang ama ni Jed Baruelo, at habang siya ay lumalaki, napapanood niya ito at nagsilbing inspirasyon para sa kanya. Natutunan niya sa kanyang ama kung paano tumugtog ng instrumento at magsulat ng mga kanta. Naging inspirasyon din niya ang iba pang mga artista tulad ng The Beatles at Queen.

Nag iwan ito ng payo para sa mga Malateans na gusto ring  gumawa ng musika, “Just be true to yourself” sabi nito (Maging totoo ka lang sa sarili mo).


Pahayag niya, “Kasi, kung ano yung energy [na] naramdaman mo, wag ka matakot na ilabas ‘yon sa iyong musika. ‘Yan yung pinaka state na doon ka nagiging totoo sa sarili mo.”


Nasabi ni Jed Baruelo na may paparating na music video na ang kaniyang kantang “Nahuhulog”. Maaaring makontak si Jed Baruelo sa pamamagitan ng kanyang social media platforms sa Facebook, Instagram, Twitter, at Gmail.