Gunita

Written by: Hiraya

Simoy ng hangin galimgim ang dating sa akin

Kasabay ng iyong pag alpas sa pagmamahalan natin.

Pilit na kalimutan ang iyong mga mata

Na noon ay nagbibigay ng ligaya.


Tila ka’y lapit ngunit boses ay naiipit.

Minahal kita nang higit, ngunit buhay ko ang naging kapalit.

Tanging panalangin sa mga bituin

Ay maramdaman mo rin ang hinagpis na ipinaramdam mo sa akin.