Learning Objectives
Natutukoy ang pandiwa
Nauunawaan ang gamit ng pandiwa.
Natutukoy ang tatlong aspekto ng pandiwa.
Success Criteria
Natutukoy ang pandiwa
Nauunawaan ang gamit ng pandiwa.
Natutukoy ang tatlong aspekto ng pandiwa.
Discussion
Ang salitang kilos ay bahagi ng pananalitang nagsasaad ng kilos o galaw. Ito ay ginagamit sa pagsasalaysay ng mga pangyayaring natapos na, kasalukuyang ginagawa, katatapos lamang at gagawin pa.Tinatawag din itong pandiwa.
Ang mga salitang kilos ay magagamit mo rin sa pagsasalaysay ng sariling karanasan.
Halimbawa.
inayos- Inayos ko ang laruan ni Mila.
naligo- Maaga kaming naligo sa sapa ni Kiko.
kumain- Kumain ako ng gulay upang maging malusog.
Tatlong Aspekto ng Pandiwa
Aspektong Naganap o Perpektibo o Pangnagdaan - ito ay salitang kilos na naganap na.
Halimbawa : naglaba
naglaro
uminum
naglakad
Aspektong Nagaganap o Imperpektibo o Pangkasalukuyan. - ito ay salitang kilos na ginagawa na.
Halimbawa : naglalaro
umiinum
naglalakad
naglalaba
Aspektong Magaganap o Kontemplatibo o Panghinaharap - ito ay salitang kilos na gagawin pa lang.Mayroo itong manlaping mag.
Halimbawa : maglalaba
maglalaro
maglalakad
maglalaba
Cross Curricular Link
English - Verb and Tenses of Verb
Real Life Application
Evaluation