Learning Objectives
Sa pagtatapos ng araling ito ang mga bata ay inaasahang :
Makilala ang pang- uri.
Nagagamit ang pang- uri sa pangungusap.
Nakakapagbigay ng halimbawa ng pang-uri.
Success Criteria
Sa pagtatapos ng araling ito ang mga bata ay inaasahang :
Makilala ang pang- uri.
Nagagamit ang pang- uri sa pangungusap.
Nakakapagbigay ng halimbawa ng pang-uri.
Discussion
Pang- uri - ito ay tumutukoy sa paglalarawan ng bagay, tao, hayop, lugar o pangyayari .
Dalawang Uri ng Pang- uri
Pang - uring Panlarawan
ito ay naglalarawan sa katangian ng pangngalan gaya ng hugis, amoy,kulay,ugali,katangian at iba pa.
Mga Halimbawa
maganda maayos malaki maliit masarap mabait matangkad mabango
Ang bata ay masipag .
Si nanay ay masarap magluto.
Napakaliwanag ng ilaw sa parke.
Pang - uring pamilang
Ito ay nagsasabi ng bialang o dami ng pangngalan.
Halimbawa : apat tatlo isa marami kaunti kalahati
Cross Curricular Link
English - Descriptive and Limiting Adjectives.
Real Life Application
Mahalaga ang pang-uri dahil ito ang dahilan kung paano natin malalaman ang halaga ng isang bagay o tao sa atin, malalaman natin kung ano ang ating pananaw sa isang bagay at nakakapagkumpara tayo kung sino ang mas lamang sakanila at saka mahalga ito dahil ito ang ginagamit natin sa paglalarawan .
Evaluation