Learning Objectives
Natutukoy ang dalawang bahagi ng pangungusap.
Naibibigay ang kahulugan ng simuno at oanaguri.
Nakakapagbigay ng halimbawa ng simuno at panaguri.
Nakakabuo ng pangungusap na may simuno at panaguri.
Success Criteria
Natutukoy ang dalawang bahagi ng pangungusap.
Naibibigay ang kahulugan ng simuno at oanaguri.
Nakakapagbigay ng halimbawa ng simuno at panaguri.
Nakakabuo ng pangungusap na may simuno at panaguri.
Discussion
Ang pangungusap ay salita o lipon ng mga salitang may buong diwa. Ito ay may dalawang bahagi – ang simuno o paksa at ang panaguri.
Tandaan ang pangungusap ay nagsisimula sa malaking titik at nagtatapos naman ito sa wastong bantas.
Bahagi ng Pangungusap
Simuno o Paksa - bahaging pinag–uusapan sa pangungusap nakikilala ang mga ito sa pamamagitan ng panandang si/sina at ang/ang mga
Halimbawa: ANG MANSANAS ay kulay pula.
Nakasuot ng pulang bestida SI ANNA.
Payak na Simuno - ang tawag sa salitang pangangalan o pinaguusapan
Buong Simuno - ito ay binubuo ng pananndang Si, sina Ang ang mga kasama ng pangngalan.
Halimbawa:
Ang mga bata ay naglalaro.
Payak na simuno : bata
Buong simuno : Ang mga bata
Panaguri - bahaging nagsasabi tungkol sa simuno o paksa ng pangungusap
Halimbawa: Ang mansanas AY KULAY PULA.
NAKASUOT NG PULANG BESTIDA si Anna.
Payak na Panaguri : ito ay tumutukoy sa pandiwa o salitang kilos lamang.
Buong Panaguri : pandiwa at buong parirala
Halimbawa
Ang mga bata ay kumakain sa parke.
Payak na Panaguri : kumakain
Buong Panaguri : kumakain sa parke.
Evaluation