Learning Objectives
Sa pagtatapos ng aralin ang mga bata ay inaasahang :
Nauunawaan ang kailanan ng panghalip panao
Natutukoy ang kailnan ng mga panghalip panao
Nagagamit sa pagbuo ng pangungusap ang panghalip panao ayon sa kailanan nito
Success Criteria
Sa pagtatapos ng aralin ang mga bata ay inaasahang :
Nauunawaan ang kailanan ng panghalip panao
Natutukoy ang kailnan ng mga panghalip panao
Nagagamit sa pagbuo ng pangungusap ang panghalip panao ayon sa kailanan nito
Discussion
Ang panghalip ay salitang ginagamit na panghalili sa pangngalan. '
Ang mga panghalip na panao ay nasa tatlong panauhan: 1) unang panauhan, 2) ikalawang panauhan, at 3) ikatlong panauhan.
Ang unang panauhan ay tumutukoy sa taong nagsasalita.
Ako ay nagtungo sa Plaridel noong Sabado. Kasama ko ang aking kapatid na babae. Kami ay sumakay sa bus. Dumating kami sa aming bayan nang magiika-10 ng umaga.
Ang ikalawang panauhan ay tumutukoy sa taong kinakausap.
Ikaw ay inaanyayahan ko sa aking kaarawan. Isama mo ang iyong mga kapatid. Inaasahan ko kayo bukas ng hapon. Ang iyong mga pinsan ay darating din.
Ang ikatlong panauhan ay tumutukoy sa taong pinag-uusapan.
Si Mang Pastor ay maraming kamag-anak na dumadalaw sa kaniya. Sila ay palaging pumupunta sa kaniyang tahanan. Nagdadala sila ng iba’t ibang bungangkahoy.
Ang Kailanan ng mga Panghalip Panao
Unang Panauhan
Isahan : ako kata, kita , akin , ko
Maramihan : tayo, kami, atin, natin, amin, namin
Ikalawang Panauhan
Isahan : ikaw, ka, iyo, mo
Maramihan : kayo, inyo, ninyo
Ikatlong Panauhan
Isahan : siya , kaniya
Maramihan : sila, kanila, nila
Cross Curricular Link
English : Pronouns
Real Life Application
Evaluation