Learning Objectives
Ang mga mag-aaral ay kailangan na alam ang:
A. Ang tatlong kaantasan ng pang-uri.
B. Nagagamit sa pangungusap ang tatlong kaantasan nito.
C. Naipapakita ang kahalagahan ng tatlong antas ng pang-uri sa paggawa ng pangkatang gawain.
D. Nabibigyang pakahulugan ang malalalim na salita sa tekstong binasa.
Success Criteria
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay nalalaman
A. Ang tatlong kaantasan ng pang-uri.
B.Nagagamit sa pangungusap ang tatlong kaantasan nito.
C.Naipapakita ang kahalagahan ng tatlong antas ng pang-uri sa paggawa ng pangkatang gawain.
D.Nabibigyang pakahulugan ang malalalim na salita sa tekstong binasa.
Discussion
lantay
pahambing
pasukdol
Ang Lantay ay tumutukoy sa kaantasan ng pang - uri na hindi naghahambing.
Mga Halimbawa:
Maganda ang bahay - bakasyunan nila sa Tagaytay, City.
Ang kanyang suot na damit ay maganda.
Ang kanyang mga kaibigan ay masasayahin.
Ang Pahambing ay ang ikalawang kaantasan ng pang - uri. Ang kaantasang ito ay naghahambing ng dalawa o higit pang pangngalan.
Mga Halimbawa:
Si Ana ay mas matangkad kaysa kay Nina.
Mas malaki ang bilang ng mga babae sa aming klase kaysa sa bilang ng mga kalalakihan.
Mas maraming prutas ang mabibili mo sa halagang isang libong piso sa Divisoria kaysa sa supermarket.
Ang Pasukdol ay kaantasan ng pang - uri na nagpapahayag ng pangingibabaw.
Mga Halimbawa:
Si Eloisa ang pinakamasipag sa gawaing - bahay sa mga magkakapatid.
Si Gng. Tollosa ang pinakambuting guro ng mababang paaralan ng Angono, Rizal.
Si Scottie Thompson ang pinakamaliksi sa lahat ng manlalaro ng koponan ng Ginebra.
Cross Curricular Link
English - Degrees of Comparison of adjective
Real Life Application
Sa pamamagitan ng pag-unawa ng mga mag-aaral sa mga kaantasan ng pang-uri, mas magiging malinaw at masigla ang kanilang paggamit ng pang-uri sa pang-araw-araw na komunikasyon. Ang mga halimbawa nito ay nagbibigay-daan sa mga mag-aaral upang maunawaan ang bawat antas at gamitin ito nang tama.
Evaluation