Aralin 3 : Sanhi at Bunga
Learning Objectives
a. natutukoy ang sanhi at bunga;
b. nakikilala ang sanhi at bunga sa mga pangyayari; at
c. nakagagawa ng mga gawaing nagpapakita ng
sanhi at bunga.
Success Criteria
a. natutukoy ang sanhi at bunga;
b. nakikilala ang sanhi at bunga sa mga pangyayari; at
c. nakagagawa ng mga gawaing nagpapakita ng
sanhi at bunga.
Discussion
Ang sanhi ay ang pagbibigay dahilan o paliwanag sa mga pangyayari.
Ang bunga ay ang epekto o kinalabasan ng pangyayari.
Halimbawa:
Sanhi: Mukhang uulan nang malakas.
Bunga: Nagdala ng payong si Faye.
Sanhi: Nag-aral nang mabuti ng kaniyang aralin si Fave.
Bunga: Nakakuha siya ng medalya.
Hudyat ng Sanhi at Bunga
Ang hudyat ay mga salita o pariralang ginagamit upang ipakita ang relasyon ng sanhi at bunga sa isang pangungusap. Ang paggamit ng hudyat ay nagpapadali sa pag-unawa ng relasyon ng sanhi at bunga sa isang pangungusap.
Mga Salitang Hudyat na Nagpapahayag ng Sanhi
Bunsod ng
Dahil
Dahil dito
Dahil sa
Dahilan sa
Kasunod ng
Ngunit
Palibhasa
Sa dahilan ng
Sa kadahilanang
Sa likod ng
Sanhi ng
Sapagkat
Mga Salitang Hudyat na Nagpapahayag ng Bunga
Bilang resulta
Kaya
Kaya naman
Kaya’t
Kung gayon
Kung kaya
Nang sa gayon
Sa gayon
Sa huli
Sa kalaunan
Sa wakas
Samakatuwid
Cross Curricular Link
English : Cause And Effect
Real Life Application
Evaluation