Ruru Madrid talks about a love worth pursuing in second single ‘Maghihintay’
Starting the year with a blast, Kapuso Action Drama Prince Ruru Madrid just dropped his second single under GMA Music entitled ‘Maghihintay.’
The song, composed by Mark Atienza, narrates the “waiting game” or how a man is willing to wait for the right time to get to the heart of the woman she loves.
Ruru shared how he finds the song very romantic and relatable, “Hindi siya hugot na masakit, makakapag-bigay siya ng hope. Masarap pakinggan, feel-good. Para siya sa mga taong hoping doon sa taong gusto nila makasama habambuhay.”
The singer-actor released his first-ever single under the label entitled ‘Nawawala.’
Currently, Ruru is gearing up for his TV comeback via the News and Public Affairs program ‘Lolong,’ where he will be working alongside Kapuso actresses Sanya Lopez and Kim Domingo.
‘Maghihintay’ is now available for streaming on Spotify, Apple Music, YouTube Music, and other digital stores worldwide. (30)
----
Ruru Madrid, may kanta sa paghihintay ng tamang panahon sa pag-ibig
Maganda ang simula ng bagong taon ng Kapuso Action Drama Prince na si Ruru Madrid at may bago itong ni-release ng single sa ilalim ng GMA Music na pinamagatang ‘Maghihintay.’
Sa komposisyon ni Mark Atienza, ang ‘Maghihintay’ ay awit ng isang lalaking handang hamakin ang lahat kahit na maghintay ng matagal para sa tamang panahon na maksama ang babaeng minamahal.
Ibinahagi ni Ruru na nakaka-kilig at relatable ang kantang ito, “Hindi siya hugot na masakit, makakapag-bigay siya ng hope. Masarap pakinggan, feel-good. Para siya sa mga taong hoping doon sa taong gusto nila makasama habambuhay.”
Noong nakaraang taon, nakapaglabas na rin siya ng kaniyang debut single sa GMA Music na may title na ‘Nawawala.’
Sa ngayon, naghahanda na rin si Ruru sa kaniyang pagbabalik sa TV sa programa ng News and Public Affairs na ‘Lolong’ kung saan makakasama niya ang mga Kapuso actresses na sina Sanya Lopez at Kim Domingo.
Ang ‘Maghihintay’ ay puwede na mapakinggan at available na sa Spotify, Apple Music, YouTube Music, at iba pang digital stores worldwide. (30)