LAYUNIN
Pakikinig at Pagsasalita
Naibibigay ang paksa ng napakinggang kuwento
Naibabahagi ang isang pangyayaring nasaksihan o naobserbahan
Nagagamit nang wasto ang mga panghalip na panao sa pagtalakay tungkol sa sarili, sa mga tao, hayop, lugar, bagay, at pangyayari sa paligid
Pagbasa
Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilyar sa pamamagitan ng tono o damdamin
Nasasagot ang mga tanong sa binasang tekstong pang-impormasyon
Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian sa pagtatala ng mahahalagang impormasyon tungkol sa isang paksa – diksiyonaryo
Pagsulat
Nakasusulat ng talatang nagsasalaysay
Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan
Naipagmamalaki ang sariling wika sa pamamagitan ng paggamit nito
Pamantayan sa Pagkatuto:
Pakikinig at Pagsasalita
Naibibigay ang paksa ng napakinggang kuwento
Naibabahagi ang isang pangyayaring nasaksihan o naobserbahan
Nagagamit nang wasto ang mga panghalip na panao sa pagtalakay tungkol sa sarili, sa mga tao, hayop, lugar, bagay, at pangyayari sa paligid
Pagbasa
Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilyar sa pamamagitan ng tono o damdamin
Nasasagot ang mga tanong sa binasang tekstong pang-impormasyon
Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian sa pagtatala ng mahahalagang impormasyon tungkol sa isang paksa – diksiyonaryo
Pagsulat
Nakasusulat ng talatang nagsasalaysay
Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan
Naipagmamalaki ang sariling wika sa pamamagitan ng paggamit nito
PAGTATALAKAY/ DISCUSSION:
Basahin
Ano ang Mabuting Asal?
Ang paggalang o pagpapamalas ng mabuting asal ay tungkol sa kung paano mo ginagalang ang iyong kapwa at sarili.
Anong damdamin ang iyong mararamdaman kapag...
– may isang taong kausap mo at bigla itong lumisan na walang pasabi?
– itinulak ka sa daan upang mauna siya sa iyo?
– hindi man lang nagsasabi ng pasasalamat sa ibinigay mong bagay, kilos, o gawain?
Bahagi ng mabuting asal ay pagtukoy o pagkilala at pagpapakita ng damdamin sa ibang tao. Ito ay katangiang kaibig-ibig at may paggalang sa kapwa.
Noon, natutuhan natin ang salawikaing, “Golden Rule” na dapat mong gawin sa iyong kapwa ang nais mo rin na gawin sa iyo.”Hindi ba’t isang pag-
uugali ito na dapat nating panatilihin? Kapag may respeto ka sa ibang tao, aasahan mo rin ba na bibigyan ka ng kaukulang respeto? Kung kaya’t saan ka man naroroon, tiyak makagaganyak ka ng iba na maipamalas ang mabuting asal.
Naipamamalas ang mabuting asal sa tahanan, paaralan, pamayanan, at kung saan ka man nakikipag-interaksiyon. Nagagamit mo ang iba’t ibang magagalang na salita sa lahat ng sitwasyon. Dapat tandaan ang pag-uugali ay salamin ng iyong pagkatao, kung saan ka nagmula at kung paano ka pinalaki
ng iyong mga magulang o tagapag-alaga. Sinasabing isa kang matagumpay na tao kapag may mabuti kang asal at ugali.
Magtanong at Sagutin
1. Kanino dapat nagpapakita ng paggalang?
__________________________________________________________
2. Paano maging magalang sa kapwa?
__________________________________________________________
3. Bakit nakagaganyak ang taong may mabuting asal?
__________________________________________________________
Pagbibigay ng Kahulugan sa Salitang Pamilyar at Di-pamilyar sa Pamamagitan ng Tono o Damdamin
Suriin ang tono o damdamin ng pagkakagamit ng kahulugan ng salita sa pangungusap o sitwasyon. Ipaliwanag ito.
1. Natutuwa ang matatanda sa pagpapamalas ng mabuting asal ng ilang batang kanilang nakilala sa parke.
2. Inis na lumisan ang batang sumigaw sa mga manonood.
3. Nakagaganyak ang batang malumanay magkuwento.
4. Nasiyahan siya sa pag-unawa ng kahulugan at mensahe ng salawikain.
5. Nakaismid ang batang walang respeto sa pinuno ng barangay.
Pagsagot sa mga Tanong sa Binasang Tekstong Pang-impormasyon
Isulat sa iyong kuwaderno ang sagot sa mga tanong.
1. Paano mo naipakikita ang paggalang sa iyong kapwa?
2. Ano ang iyong mararamdaman sa sumusunod na mga sitwasyon:
a. kinakausap mo ang isang tao at lumisan ito sa iyong harapan?
b. sumingit at itinulak ka sa pila?
3. Bakit dapat panatilihin ang salawikaing, “Golden Rule”?
4. Paano ka makagaganyak ng ibang tao upang magpamalas ng kabutihang asal?
5. Bakit salamin ng pagkatao ang iyong ugali?
6. Paano makatutulong ang mabuting asal at ugali upang magtagumpay?
Pagtukoy ng Pangunahing Ideya ng Binasa
WIKA
Paggamit ng Panghalip na Panao
A. Ikahon ang panghalip na panao sa bawat pangungusap.
1. Nakita nila ang kamalian ng kapwa.
2. Ang ilan sa kanila ay nagtiis ng pagod.
3. Bakit kayo nagpapakita ng mabuting asal?
4. Natatakot kami na mabigo.
5. Kami ay hanga sa taong may mabuting asal.
6. Masama pala ang ginagawa sa inyo.
7. Kung ganoon, tuturuan ko kayo kung ano ang dapat ninyong gawin.
8. Ano ang dapat naming gawin?
9. Pag-usapan natin ang mabuting interaksiyon sa kapwa.
10. Oo nga, siya nga!
Ang panghalip ay salitang panghalili sa pangalan.
Ang panghalip na panao ay panghalili o pampalit sa ngalan ng tao.
Halimbawa:
Bilib ako sa kulay ko.
Iwasan mo ang inggit.
Kailanan/ Panauhan Isahan___
una ako, ko, akin
ikalawa ikaw, mo, iyo, ko
ikatlo siya, niya, kanya
Dalawahan Maramihan
kata, kita atin, amin, kami, tayo
inyo, kayo, ninyo
nila, sila, kanila
B. Salungguhitan ang panghalip sa bawat pangungusap. Isulat sa bilog ang panauhan at sa kahon ang kailanan.
1. Tulungan natin ang mga nangangailangan.
2. Ngayon na kita tuturuan ng dapat gawin.
3. Ako ang maghahanap ng paraan.
4. Kayo ang dapat sumunod sa mga payo.
5. Sa kanya makikinig ang lahat.
May panauhan ang panghalip na panao.
1. Unang panauhan – Ito ay ginagamit na panghalili o pampalit sa taong nagsasalita sa pangungusap.
Halimbawa: Ating ipagmalaki ang ating bansa.
2. Ikalawang panauhan – Ito ay ginagamit na panghalili o pampalit sa taong kinakausap ng nagsasalita sa pangungusap.
Halimbawa: Ikaw ay dapat maging matapang.
3. Ikatlong panauhan – Ito ay ginagamit na panghalili o pampalit sa taong pinaguusapan sa pangungusap.
Halimbawa: Sila ang dapat nating tularan. May kailanan din ang panghalip na panao.
1. Isahan – Ito ay tumutukoy sa isa lamang.
Halimbawa: Aking ipagtatanggol ang aking bayan.
2. Dalawahan – Ito ay tumutukoy sa dalawa.
Halimbawa: Kata ay matuwa sa mga bayaning mapagmahal sa ating bansa.
3. Maramihan – Ito ay tumutukoy sa tatlo o mahigit pa.
Halimbawa: Aming gagawin ang lahat upang maging makabayan.
CROSS - CURRICULAR LINK:
VALUES: Paggalang
REAL LIFE APPLICATION:
Laging ugaliin ang maging magalang sa lahat ng pagkakataon maging sa tahanan, paaralan o maging saan man o kanino man.
PAGTATAYA:
Ang mga bata ay magsasagot ng gawain pagkatapos ng pagtatalakay.