Nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari sa napakinggang teksto
Nagagamit ang magagalang na salita sa pagtanggi
Nagagamit ang pang-uri sa paglalarawan ng mga hayop na exotic, lugar, at makabagong kagamitan
Nakasusulat ng liham na nagbibigay ng mungkahi
SUCCESS CRITERIA
Nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari sa napakinggang teksto
Nagagamit ang magagalang na salita sa pagtanggi
Nagagamit ang pang-uri sa paglalarawan ng mga hayop na exotic, lugar, at makabagong kagamitan
Nakasusulat ng liham na nagbibigay ng mungkahi
DISCUSSION
A. BASAHIN
Natatangi Talaga!
Tanyag ang ating bansang Pilipinas sa mga natatanging lugar na dinarayo ng lokal at dayuhang turista. Ilan dito ay ang Boracay Beach sa pulo ng Panay, Kanlurang Visayas; Talon ng Pagsanjan sa Laguna; Hagdan-hagdang Palayan ng Banaue sa Bulubundukin ng Ifugao; at pulo ng Palawan sa Luzon. Kilala at popular na destinasyon ng mga dayuhan ang puting buhangin ng baybayin sa Boracay. Marami ang nagsasabi na walang katapat ang kagandahan ng lugar na ito. Dahil dito, milyon-milyong mga turista ang naglalakbay sa Pilipinas taon-taon upang bisitahin ang pulo ng Boracay. Bukambibig ito bilang sa isa sa mga pinakamagandang tanawin sa Pilipinas.
Isa pang lugar na bantog na tanawin sa ating bansa ay matatagpuan sa lalawigan ng Laguna, ang Talon ng Pansanjan. Batay sa mga alamat, galing daw ang talon sa magkapatid na sina Balubad at Magdapio. Ayon sa kuwento, namatay si Balubad sa uhaw at si Magdapio naman ay lumisan sa galit sa mga diwata at tinapon niya ang kanyang baston. Dahan-dahang lumubog ito sa tubig at naging talon ng Pansanjan. Hindi lang ito maganda sa paningin, punong-puno rin ang lalawigang ito ng mga bahay na kakaiba at laging masayahin ang mga tao rito.
Sa Ifugao naman masisilayan ang Banaue Rice Terraces o Hagdan-hagdang Palayan na tinaguriang “Eighth Wonder of the World” dahil manuwal ang pagkakabuo nito ng mga Ifugao. Sa ngayon, isang suliranin nito ang kawalan ng ulan at ang madalas na pag-agas ng lupa na nakasisira sa kagandahan at hiwaga ng Rice Terraces.
Ang isa pang natatanging tanawin ay ang isla ng Palawan. Mahalaga ang probinsiyang ito para sa Pilipinas dahil pinaka-eco-friendly ang lugar. Batid nating lahat na ang global warming ay kasalukuyang malaking suliranin hindi lamang sa Pilipinas, pati na sa buong mundo. Ayon sa estadistika, 50% ang lawak ng kalupaang may mga punongkahoy sa Palawan. Marami rin itong mga wildlife sanctuaries gaya ng Calauit Game Preserve and Wildlife
Sanctuary, El Nido Marine Reserve Park, at ang Puerto Princesa Subterranean River National Park.
Ngayon ay marami na kayong kabatiran sa mga mahahalaga at natatanging lugar sa Pilipinas. Tiyak na magaganyak at mahihikayat kang maglakbay rito.
Mga Exotic na Hayop sa Pilipinas
Sa bawat bansa, may mga natatanging bagay na ipinagmamalaki, pinananatili, at pinahahalagahan. Isa na rito ang ating mga natatangi at exotic na mga
hayop na tarsier, Mindoro forest mouse, at pilandok.
Tarsier
Ang tarsier ay nakikita lamang sa Bohol, Leyte, Samar, at Mindanao. May naiibang pisikal na anyo ito dahil sa maliit nitong katawan at malalaking mga mata. Katangi-tangi ito dahil isa ito sa pinakamaliit na uri ng “primates.” May haba itong mula ulo hanggang katawan na sampu hanggang labinlimang sentimetro, samantalang ang buntot ay dalawampung sentimetro. Ang pangkaraniwang bigat ng tarsier ay 4.5 na onsa. Sobrang malambot na kulay
tsokolate ang balahibo nito maliban sa kanyang mga kamay at paa. Kategorya ito ng mga hayop na warm-blooded at carnivorous. Mga insekto at butiki lamang ang kinakain nito.
Mindoro Forest Mouse
Sa Mindoro naman matatagpuan ang Mindoro forest mouse na isa sa mga specie ng hayop na nagngangatngat tulad ng daga. Nabubuhay ito sa tropikal na lugar na malagihay o mamasa-masa. Isa itong napakalaking daga na may malalaking paa, mahabang buntot, at pahabang nguso. Mabalahibo at matingkad na tsokolate ang kulay nito. Isa pa sa exotic na hayop sa Pilipinas ang pilandok na isa sa pinakamaliit na hoofed na hayop. Wala pang isa piye ang sukat nito kapag nakatayo. May pagkakahawig ito sa baboy dahil sa anyo ng paa nito at sa kamelyo dahil sa estruktura ng kanyang bungo at ngipin.
Pilandok
Matatagpuan lamang ang pilandok sa Balabac, Palawan at sa maliliit na mga karatig na isla ng Ramos, Bangkalanat, at Bugsuk.
Tuwing gabi nangangalap ng pagkain at gumagala ang pilandok. Nagtatago naman sa makakapal na sukalan sa araw. Prutas, damo, at iba pang halaman
ang pagkain nito.
Sagutin:
1. Bakit exotic ang tawag sa ilang hayop natin?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
2. Bakit kaya sa Mindoro lamang matatagpuan ang forest mouse?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
Hindi ba’t talagang natatangi ang hayop na tarsier, Mindoro forest mouse, at pilandok?
Pagbibigay ng Kahulugan sa Salitang Pamilyar at Di-pamilyar sa Pamamagitan ng Kasalungat.
Bilugan ang bilang kung ang pares ng salita ay magkasalungat. Kung hindi, isulat ang tamang kasalungat sa tapat ng salitang kapareha nito.
1. tanyag – kilala
2. lumisan – dumating
3. oo – hindi
4. masayahin – matuwain
5. suliranin – problema
6. marami – kaunti
7. naiiba – magkatulad
8. malalaki – maliliit
9. malagihay – basa
10. matingkad – mapusyaw
Pagbibigay ng Paksa ng mga Talata May iba pang magagandang tanawin sa Pilipinas na hindi gaanong nasusulat o nailalahad. Alamin at bigyan ng angkop na paksa ang bawat talata.
1. Isang paboritong lugar ng mga backpackers ang Sagada na maliit na bayan sa lalawigang bulubundukin sa Luzon. Matiwasay, may nakamamanghang tanawin, at kaayaayang klima ito kaya nakabibighaning manirahan dito.
2. Sa Negros Oriental matatagpuan ang lungsod ng Canlaon na kung saan dinarayo ang Bundok Kanlaon. May 2,465 metro ang taas mula sa antas ng dagat.
3. Mahalaga sa sambayanang Pilipino ang pangangalaga ng ating magagandang tanawin. Ikaw, ako, at lahat ng mga Pilipino ay may tungkulin na pangalagaan ang mga ipinagmamalaki nating mga lugar sa bansa. Tulad ng pagreresiklo, arawaraw na paglilinis sa sariling bakuran, at pagsunod sa batas na kaugnay nito. Naisagawa mo na ba ang ilan sa mga gawaing ito?
4. Naglunsad ng iba’t ibang programa ang ating pamahalaan sa pagtaguyod at pagpapalakas ng turismo sa bansa. Ilan sa mga gawain dito ay mga ipinalalabas na patalastas sa radyo at telebisyon, pamimigay ng mga brochure sa iba’t ibang travel agency, at pagsasanay sa mga giya o tourist guide nang maayos at sistematikong paglalarawan ng scenic spot sa mga turista.
WIKA/ GRAMATIKA
Paggamit ng Pang-uri sa Paglalarawan ng Magagandang Tanawin at Exotic na Hayop sa Pamayanan
A. Suriin ang mga pangungusap.
1. Mababa ang lokasyon ng lugar.
2. Higit na mainit ang panahon ngayon kaysa dati.
3. Pinakamabuti para sa kalikasan ang walang basura at polusyon.
• Ilan ang inilalarawan ng salitang may salungguhit sa unang pangungusap?
___________________________________________________________
Sa ikalawang pangungusap? __________________________________
Sa ikatlong pangungusap? ____________________________________
• Ano-ano ang salitang pinaghahambing sa ikalawang pangungusap? __
Sa ikatlo? ___________________________________________________
• Ano ang idinagdag sa mga salitang may salungguhit upang matukoy kung ilan ang pinaghahambing? _______________
B. Bilugan ang pang-uri sa pangungusap at isulat sa patlang ang L kung ito ay nasa kaantasang lantay, PH kung pahambing, at PS naman kung pasukdol.
______ 1. Ang mainit na panahon ngayon ay dulot ng global
warming.
______ 2. Produkto ito ng greenhouse gases na kombinasyon
ng mga mapanganib na kemikal.
______ 3. Higit na mataas ang antas ng temperatura nitong
huling limang taon kaysa noon.
______ 4. Naitala ang pinakamalawak na epekto nito sa
bahagi ng Antarctica.
______ 5. Nagawa nitong matunaw ang makakapal na yelong
ilang libong taon nang naroon.
______ 6. Kung kikilos tayo ngayon, maiiwasan natin ang higit
na malalang epekto nito.
______ 7. Iisa ang ating daigdig kaya’t gawin natin itong ligtas
para sa lahat.
______ 8. Mas malinis ang hangin at mga katubigan natin
noon.
______ 9. Napakainit ng panahon ngayon kaysa noon.
______ 10. Ubod ng ganda ang kalikasan noon kaysa ngayon.
B. PAGSASANAY
C. Bilugan ang kaantasan ng pang-uring angkop sa
bawat bilang.
1. Ang bansang Australia ay isa sa (malinis, higit na malinis, pinakamalinis) na bansa sa buong mundo.
2. (Maingat, Mas maingat, Pinakamaingat) ang mga Australyano sa kanilang paligid.
3. Ang ating bansa ay sinasabing (marumi, mas marumi, pinakamarumi) dahil pabaya tayo sa ating paligid.
4. (Marami, Mas marami, Pinakamarami) tayong itinatambak na basura araw-araw.
5. Kung magagawa natin ang precycling ay magiging (kaunti, higit na kaunti, napakakaunti) ang basura sa tambakan bukas kaysa ngayon.
6. (Malaki, Mas malaki, Pinakamalaki) ang porsiyento ng itinatapon nating papel sa lahat ng basurang nakokolekta araw-araw.
7. Ang mga mamamayan ng Palawan, Subic, at Marikina ay masasabing (disiplinado, mas disiplinado, pinakadisiplinado) sa lahat ng mga mamamayan sa bansa.
8. Nagawa nilang gawing (ligtas, higit na ligtas, napakaligtas) ang kanilang lugar sa sakit na dulot ng polusyon.
PAGSULAT
Pagsulat at Mga Bahagi ng Liham
Mga tulong sa pagsulat ng liham na nagmumungkahi.
1. Tirahan ng kompanya (Dapat tama at tiyak ito.)
2. Basahin at iwasto ang baybay ng mga salita at gramatika.
3. Dapat magalang ang pagbibigay ng mungkahi.
4. Panatilihing pormal ang pormat ng liham.
5. Basahing muli ang borador upang walang makaligtaang punto o detalye ng liham.
6. Manatiling magalang hanggang sa kabuuan nito.
7. Itala nang maayos ang mga mungkahi.
CO- CURRICULAR LINK
ENGLISH : Comparative Degree of Adjectives / Parts of the Letter
REAL LIFE APPLICATION
Ang mga mag-aaral ay susulat ng 10 pangungusap gamit ang mga Kaantasan ng Pang-uri sa kanilang kwaderno at magsusulat ng liham na makikita ang iba't ibang bahagi nito.
PAGTATAYA / EVALUATION
Ang mga bata ay may sasagutan na gawain pagkatapos ng pagtatalakay.