LAYUNIN
Pakikinig at Pagsasalita
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang sawikain
Nabibigkas nang may wastong tono, diin, antala, at damdamin ang napakinggang tula
Nagagamit ang iba’t ibang uri ng panghalip sa usapan at paglalahad ng sariling karanasan – panghalip panao at panghalip paari
Pagbasa
Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilyar ayon sa gamit nito sa iba’t ibang sitwasyon
Nasasagot ang mga tanong sa binasang anekdota
Nagagamit ang isinalarawang balangkas upang maipakita ang nakalap na impormasyon
Nakasusulat ng balangkas sa anyong pangungusap o paksa sa binasang teksto
Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian sa pagtatala ng mahahalagang impormasyon tungkol sa isang paksa – ensiklopedya
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO

PAGTATALAKAY/ DISCUSSION
B. Basahin:
WIKA:
Pagtukoy sa Panghalip na Paari
A. Ikahon ang panghalip na paari sa bawat pangungusap.
1. Nakita nila ang isang aklat ng mga bayani.
2. Ang ilan sa kanila ay nagkubli sa pintuan.
3. Bakit natin ito pag-aaralan?
4. Natatakot kami sa kanyang mga kasama.
5. Kami ang pinag-uusapan nila.
6. Masama pala ang ginagawa sa inyo.
7. Kung ganoon tuturuan ko kayo kung ano ang dapat ninyong gawin.
8. Ano ang dapat naming gawin?
9. Matatakot sila sa inyo.
10. Salamat sa payo mo sa akin.
Panghalip na Paari
Ang panghalip na paari ay ipinapalit sa pangalan ng tao na nagsasaad ng pagmamay-ari.
Narito ang mga pamalit sa pangngalan ng isang:
Nagsasalita: ko, akin
Kinakausap: iyo, mo
Pinag-uusapan: niya, kanya
Pamalit sa pangngalan ng maraming:
Nagsasalita: amin, namin, atin, natin
Kinakausap: inyo, ninyo
Pinag-uusapan: kanila, nila
Isahan: akin, ko, iyo, mo, kanya, niya Maramihan: amin, namin, atin, natin, inyo, ninyo, kanila, nila
CROSS - CURRICULAR LINK:
EDUKASYONG PAG-UUGALI:
REAL-LIFE APPLICATION:
PAGTATAYA/ EVALUATION