Naiuugnay ang sariling karanasan sa napakinggang teksto
Naibabahagi ang isang pangyayaring nasaksihan
Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto sa tulong ng mga pangungusap
Naisasalaysay ang mga pangyayaring naobserbahan sa paligid
Nagagamit ang pang-uri sa paglalarawan ng pamayanang kinabibilangan; kilalang tao sa pamayanan; at magagandang tanawin sa pamayanan
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Naiuugnay ang sariling karanasan sa napakinggang teksto
Naibabahagi ang isang pangyayaring nasaksihan
Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto sa tulong ng mga pangungusap
Naisasalaysay ang mga pangyayaring naobserbahan sa paligid
Nagagamit ang pang-uri sa paglalarawan ng pamayanang kinabibilangan; kilalang tao sa pamayanan; at magagandang tanawin sa pamayanan
PAGTATALAKAY/ DISCUSSION
A. Suriin ang ilang pangyayari na iyong namamasid sa paligid hinggil sa mga turista ng bansa. Ibahagi mo ang ilang paksa sa:
1. suliranin sa transportasyon
2. kakulangan ng tour guide na makatutulong sa destinasyong pupuntahan
Basahin
Proyekto sa Turismo
Ito ang talaarawan ko sa isang maayos na paggawa ng proyekto sa Araling Panlipunan.
Enero 23, 2017
Lunes Maaga akong umuwi mula sa paaralan upang gawin ang proyekto sa Araling Panlipunan tungkol sa mga turistang dumarating sa Pilipinas. Dapat magamit dito ang natutuhan ko sa asignaturang Filipino na mga hakbang sa pagbuo ng isang ulat na pang-impormasyon. Una akong naggalugad sa computer ng mga napapanahong datos nito. Binasa kong pahapyaw at maingat kong sinuri ang kaugnay na sanggunian
Enero 24, 2017
Martes
Oras ng tanghalian sa paaralan, sumaglit ako sa silid-aklatan upang humanap ng karagdagang sanggunian sa aking proyekto. Mga buwanang magasin at ilang artikulo ang nakalap ko na sa palagay ko’y makabuluhang ilakip sa aking paksa. Nanghingi ako ng pahintulot sa librarian na maipaphotocopy ang sipi nito at pinayagan naman ako.
Enero 25, 2017
Miyerkules
Kalahating araw lamang ang pasok namin dahil sa buwanang pulong ng mga guro sa aming distrito. Tuwang-tuwa ako dahil maisasaayos at mabubuod ko na ang aking proyekto. Nagsaliksik pa ako sa Internet. Ginawa kong panimula ang pagdating ng mga turista sa Pilipinas mula Hulyo 2016
hanggang Abril 2017. Narito ang graph na naglalarawan dito.
Enero 27, 2017
Biyernes Matagumpay ang ulat na inilahad ko sa klase at nabigyan ako ng mataas na marka sa aking proyekto.
Pagbibigay ng Mahahalagang Pangyayari sa Nabasang Talaarawan
Suriin ang sumusunod na mga pahayag kung mahalagang pangyayari ito sa talaarawan. Isulat sa patlang ang letrang T kung tama at M kung mali.
______ 1. Talaarawan ang proyekto ng mag-aaral.
______ 2. Tungkol sa turismo ang paksa ng kanyang proyekto
sa Araling Panlipunan.
______ 3. Ginamit niya ang natutuhan niya sa Filipino sa
pagbuo ng ulat.
______ 4. Mula sa mga magasin at artikulo ang ginamit
niyang sanggunian sa proyekto.
______ 5. Sa silid-aklatan ng pamayanan nangalap ang mag-
aaral.
______ 6. Nagpa-photocopy ito ng sipi ng kanyang ulat.
______ 7. Naisaayos at naibuod niya ang kanyang ulat noong
ika-25 ng Enero.
______ 8. Ginawang panimula ng mag-aaral ang datos ng
graph hinggil sa pagdating ng mga turista.
______ 9. Nasiyahan ang mga panauhin sa kanyang ulat.
______ 10. Mataas ang nakuha niyang marka sa kanyang
proyekto.
WIKA/ GRAMATIKA
Pagsusuri at Paggamit ng Pang-uri
A. Bilugan ang mga pang-uri sa loob ng pangungusap at lagyan ng guhit ang salitang inilalarawan nito.
1. Masasabing mapalad ang Pilipinas dahil sa mga likas na
yaman nito.
2. Sa lupa man o sa tubig ay makikita ang napakagandang
lugar nito.
3. Ang ating bansa ay tinatahanan ng mga pinakamalaking
isda sa daigdig.
4. Dito rin matatagpuan ang pinakamaliit na isda sa buong
mundo.
5. Dinarayo tayo mula sa bansang Europe upang makita
ang ating yaman.
6. Hinahangaan nila ang ating mapuputing buhangin sa
Boracay.
7. Ang Palawan ay patuloy na dinarayo dahil sa naiibang ilog
na nasa ilalim ng lupa.
8. Nakikilala na rin ang iba pang lugar dahil sa kakaibang
mga atraksiyon dito.
9. Sa Boracay ay maaari mo nang maranasan ang maglakad
sa ilalim ng dagat at makita ang makukulay na isda na
naninirahan sa bahura.
10. Ang Dagat Sulu ay dapat nating pangalagaan upang
patuloy na mabuhay ang mayaman nating karagatan.
A. Suriin ang kayarian ng sumusunod na mga pang-uri at isulat ito sa kinabibilangang hanay sa ibaba.
CO - CURRICULAR LINK
ENGLISH : ADJECTIVE
REAL LIFE APPLICATION
Ang mga mag- aaral ay magbibigay ng 10 halimbawa ng Pang -uri.
PAGTATAYA
Ang mga bata ay magsasagot ng gawain pagkatapos ng pagtatalakay.