LAYUNIN
Pakikinig at Pagsasalita
Nakasusunod sa hakbang ng isang gawain
Nakapagbibigay ng panuto na may tatlo hanggang limang hakbang
Nailalarawan ang tauhan batay sa kilos at pagsasalita
Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa panahunan na pagsasalaysay tungkol sa mahahalagang pangyayari
Pagbasa
Nagagamit ang mga bagong salitang natutuhan sa usapan
Nailalarawan ang mga tauhan at tagpuan ng teksto
Nasasagot ang mga tanong na bakit at paano
Naitatala ang mga impormasyon mula sa binasang teksto
Nakasusulat ng balangkas ng binasang teksto sa anyong pangungusap o paksa
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Pakikinig at Pagsasalita
Nakasusunod sa hakbang ng isang gawain
Nakapagbibigay ng panuto na may tatlo hanggang limang hakbang
Nailalarawan ang tauhan batay sa kilos at pagsasalita
Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa panahunan na pagsasalaysay tungkol sa mahahalagang pangyayari
Pagbasa
Nagagamit ang mga bagong salitang natutuhan sa usapan
Nailalarawan ang mga tauhan at tagpuan ng teksto
Nasasagot ang mga tanong na bakit at paano
Naitatala ang mga impormasyon mula sa binasang teksto
Nakasusulat ng balangkas ng binasang teksto sa anyong pangungusap o paksa
PAGTATALAKAY/ DISCUSSION
A. Pagkilala sa Kahulugan ng Salita sa Pagkakagamit sa Pangungusap
Alamin ang kahulugan ng mga salitang ito sa babasahing teksto. Makatutulong ito upang mas maunawaan ang babasahing sanaysay.
Basahin
Ang Pamilyang Pilipino
Binubuo ang pamilyang Pilipino ng ama, ina, at mga anak. Pinakapinuno ng isang pamilya ang ama. Sinusunod at nagbubuo siya ng desisyon para sa
buong pamilya. Tungkulin din niyang mabigyan ng wastong nutrisyon, ligtas na tirahan, at pag-aralin ang kanyang mga anak. Kung kaya’t siya ay masipag at matiyagang nagtatrabaho upang kumita ng salapi. Pinamamahalaan naman ng isang ina ang tirahan at ang pag-aalaga ng kanyang mga anak.
Siya ang naatasang gumawa ng badyet ng pamilya sa iba’t ibang pangangailangan at pinagkakasya niya ito. May mga responsibilidad din ang kanilang sa iba’t ibang pangangailangan at pinagkakasya niya ito. May mga responsibilidad din ang kanilang mga anak. Inaasahang maging maayos sila sa kanilang pag-aaral at tumulong sa anumang nakakayanan nilang mga gawaing-bahay.
Kasama rin sa pag-aalala ng pamilya ang lolo at lola, ang mga kapatid ng ama at ina, lalo na ang mga nakababata sa kanila. Kadalasa’y kasapi sa isang bahay ang lolo at lola, ang ama at ina at ang mga anak. Kung minsa’y kapisan din ang wala pang asawang kapatid ng ama o ina. Kapag ganitong kompleto ang pamilya’y tatlong salinlahi ang naninirahan sa iisang bahay. Nagtutulungan at nagkakabuklod sila sa mga gawain at sa paghahanapbuhay.
Ginugunita ng pamilya ang bawat kaarawan, anibersaryo, at iba pang mga selebrasyon. Sa mga okasyong ito ay may mga salusalo, pagtitipon, at kasiyahan. Nagbibigayan sila ng munting regalo sa isa’t isa tuwing may kaarawan, Pasko, Araw ng mga Puso, Araw ng Ina o Ama, at anibersaryo. Nagbabalitaan ang pamilya at ikinukuwento ang kani-kanilang buhay sa isa’t isa. Gayun din ang ilang anekdota ng katagumpayan o anumang suliraning nakaharap nila at ng iba pang kamag-anak. Sa ganitong paraan, batid ng lahat ang mga nangyayari sa iba pang pinsan o pamangkin at ibang kaanak. Ang ganitong pagbabalitaan ay mabuti upang magkatulungan kapag may nangangailangan ng tulong sa pamilya. Napakahalaga ng pagtutulungan sa samahan ng magkakamag-anak. Sa pananaw na ito, hindi maaaring umangat o magtagumpay nang nag-iisa ang
isang tao. Kailangan niya ang tulong ng kanyang pamilya. Sa kabilang dako, ang taong may pag-aaruga at pananagutan sa kanyang pamilya ay nabibiyayaan. Malimit itong nangyayari lalo na sa mga pamilya ng dukha. Nagtutulong-tulong ang mga nakababatang anak, ang ama at ina upang maitaguyod ang pag-aaral ng nakatatandang anak. Kapag nakatapos na ito, tungkulin naman niyang pag-aralin ang kanyang mga kapatid. Kung mag-aasawa man siya ay inaasahan na tutulong din ang mapapangasawa niya sa abot ng kanilang makakaya. May positibo at negatibong katangian ang ganitong kaugalian at tradisyon sa Pilipinas. Kung minsan may ibang kamag-anak na nagsasamantala at doon nagkakaroon ng suliranin. Sapagkat lagi silang may matatakbuhan at mahihingan ng tulong. Kung kaya’t nagiging palaasa ang kasaping ito ng
pamilya at hindi natututong maging responsable sa kanilang buhay. Pangalawa’y nahihirapan ang isang Pilipino na makaabot sa kanyang mga itinakdang layunin sa buhay. Kalaunan, dala-dala niya ang problema ng kanyang buong pamilya.
Pagsagot sa Tanong
Pagbibigay ng Kahulugan sa Salitang Pamilyar at Di-pamilyar sa Pamamagitan ng Kasalungat
Isulat ang kasalungat ng mga salita sa patlang.
1. masipag ___________________________________
2. maayos ___________________________________
3. magkabuklod _____________________________
4. kasiyahan _________________________________
5. katagumpayan ___________________________
6. mabuti ___________________________________
7. malimit ___________________________________
8. positibo __________________________________
9. palaasa ___________________________________
10. mahusay _________________________________
Paggamit ng Panghalip na Patulad
A. Punan ang patlang ng ganito, ganyan, o ganoon.
1. Nakita mo ba ang bag na ito na yari sa ratan na ginawa ng mga bata sa pampublikong paaralan? _____________ gawin iyon.
2. Ang damit na suot niya ay maganda. _____________ ang nakita ko sa kanilang paaralan.
3. _____________ pala ang tamang paggawa ng tsinelas. Marunong ka na pala.
4. Ang malaking dekorasyong iyon ay yari sa kawayan. _____________ ang tamang paraan ng paggawa nito.
5. _____________ upuan ang gusto kong bilhin. Maliit pero matibay naman.
Ang panghalip na patulad ay ginagamit sa pagkokompara at pagtukoy ng bagay, gawain, at kaisipan.
Halimbawa:
Ganito – Ito ay ginagamit kung ang pinag-uusapan ay malapit sa nagsasalita.
Ganyan – Ito ay ginagamit kung ang tinutukoy ay malapit sa kausap.
Ganoon – Ito ay ginagamit kung malayo sa mga nag-uusap ang tinutukoy.
Paggamit ng Panghalip na Pamatlig
A. Bilugan ang panghalip na pamatlig at ikahon ang pangngalang kinakatawan nito.
1. Ang mga bata ay gagawa ng proyekto sa silid-aklatan.
Doon sila pupunta ngayon.
2. Gupitin ang dulo ng papel. Ganyan ang paggawa ng
tarheta ng kandidato.
3. Ang botohan ay mapayapa. Ito ay ipinagmamalaki niya.
4. Ang papel at lapis ay nasa mesa. Iyon ang gagamitin sa
halalan.
5 Ang kandidato ay lumabas ng silid. Hayun siya sa may tabi
ng opisina ng punong-guro.
6. Dala-dala ni Aling Lenie ang mga paninda niya na
dadalhin sa botohan. Diyan niya ibinaba ang mga iyon.
7. Ang pinto ng aming bahay na pagdarausan ng kampanya
ay nasira. Heto nga at ginagawa ng karpintero.
8. Ang paligsahan ay lalahukan ng mga bata. Ito ay tiyak na
magiging masaya.
9. Mabigat ang mga pagkaing inihanda sa kampanya na
binuhat ni Andy. Hayan siya at mukhang pagod.
10. Basahin nang maayos ang mga balota. Ganyan ang
wastong gawain sa halalan.
CROSS - CURRICULAR LINK
ENGLISH: Kinds of Pronoun
REAL LIFE APPLICATION
Ang mga bata ay susulat sa kwaderno nila sa Filipino ng limang pangungusap gamit ang Panghalip na Patulad at Pamatlig.
PAGTATAYA / EVALUATION
Ang mga bata ay may gawain na sasagutan pagkatapos ng pagtatalakay.