LAYUNIN
Pakikinig at Pagsasalita
Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa tekstong napakinggan sa pamamagitan ng pangungusap
Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto sa tulong ng mga pangungusap
Nakapagbibigay ng panutong may tatlo hanggang limang hakbang
Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa panahunan sa pagsasalaysay ng mahahalagang pangyayari tungkol sa tradisyon at iba’t ibang okasyon at sitwasyon
Pagbasa
Naibibigay ang kahulugan ng pamilyar at di-pamilyar na mga salita sa pamamagitan ng pormal na depinisyon
Naibibigay ang kahulugan ng mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba ang diin
Nabibigyang-kahulugan ang tambalang salita
Nasasabi ang sanhi at bunga ng mga pangyayari.
Wika
Naipakikita ang pag-unawa sa panonood sa pamamagitan ng kilos o galaw
Natutukoy ang mga tinig ng pandiwa.
Nagagamit nang wasto ang mga tinig ng pandiwa sa pangungusap.
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Pakikinig at Pagsasalita
Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa tekstong napakinggan sa pamamagitan ng pangungusap
Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto sa tulong ng mga pangungusap
Nakapagbibigay ng panutong may tatlo hanggang limang hakbang
Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa panahunan sa pagsasalaysay ng mahahalagang pangyayari tungkol sa tradisyon at iba’t ibang okasyon at sitwasyon
Pagbasa
Naibibigay ang kahulugan ng pamilyar at di-pamilyar na mga salita sa pamamagitan ng pormal na depinisyon
Naibibigay ang kahulugan ng mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba ang diin
Nabibigyang-kahulugan ang tambalang salita
Nasasabi ang sanhi at bunga ng mga pangyayari.
Wika
Naipakikita ang pag-unawa sa panonood sa pamamagitan ng kilos o galaw
Natutukoy ang mga tinig ng pandiwa.
Nagagamit nang wasto ang mga tinig ng pandiwa sa pangungusap.
PAGTATALAKAY / DISCUSSION
PAGBASA
Makabagong Bayani
Isa si Efren Peñaflorida sa makabagong bayani ng ating bansa. Isa rin siya sa Pilipinong ginawaran bilang isa sa Top Ten CNN Heroes. Mula sa ilang daang kalahok sa iba’t ibang bansa ang pinagpilian sa kategoryang ito. Sinuri ang kani-kanilang mga gawain bago pagbotohan at mapili bilang isa sa mga natatanging bayani ng CNN.
Ipinanganak si Efren Geronimo Peñaflorida Jr. noong ika-5 ng Marso, 1981. Ikalawang anak siya nina Efren Peñaflorida Sr., isang drayber ng traysikel at Lucila Geronimo na isa namang maybahay. May maliit silang pansitang negosyo noon sa Lungsod ng Cavite na tumutugon sa pang-araw-araw na pangangailangan ng pamilya. Naninirahan sila sa isang iskuwater malapit sa tambakan ng basura.
Nagtapos si Efren ng Computer Technology noong taong 2000 sa San Sebastian College-Recoletos. Muli siyang nag-aral at kumuha ng kursong edukasyon at nagtapos bilang cum laude sa Cavite State University.
Itinatag niya at pinamunuan ang Dynamic Teen Company, na naghandog sa mga kabataang Pilipino ng alternatibong pag-aaral sa mga palaboy sa kalye. Nais niyang mapalapit ang mga ito sa paaralan at hindi sa kinaugalian nilang lugar tulad ng sementeryo at mga tambakan ng basura. Ito ang tinawag ni Efren na “Kariton Klasrum” na agaw pansin, na iginagala niya sa mga lansangan. Dito natutong sumulat at bumasa ang maraming kabataan sa Cavite tuwing araw ng Sabado hanggang takip-silim. Nais niyang mabigyan ng pag-asa ang mga batang lansangan. Sa loob lamang ng isang dekada ay umabot na
sa 10,000 ang kanilang miyembro at nakapagturo sa humigit-kumulang 1 500 mga kabataan.
Ilan sa kanyang katangian ay ang pagiging mapagkumbaba, makatao, at makabayan. Mapagkawanggawa at walang pagiimbot para makapaglingkod sa kapwa ang natatangi pa niyang katangian. Kapit-bisig niya ang iba pang nagboluntaryo sa proyektong ito.
Itinampok at pinarangalan si Peñaflorida bilang Bayani ng Taon ng CNN noong Marso 2009. Bunga ito ng kahanga-hanga niyang nagawa sa pagtulong sa kanyang kapwa.
Hindi ba’t isa siyang makabagong bayani?
C. Gawing balintiyak ang tahasang pangungusap sa kuwaderno.
D. Gawing tahasan ang balintiyak na pangungusap sa kuwaderno.
1. Ang Dynamic Teen Company ay itinatag upang
matulungan ang mga street children.
2. Naglalayon itong magbigay ng inspirasyon sa mga tao.
3. Tayo ay dapat makipagtulungan sa mga ganitong
samahan.
4. Sila ay dapat gumawa ng marami pang gawain.
D.
1. Ipinamahagi nila ang impormasyon para sa pagtulong sa
mga kabataan.
2. Ang mga batang lansangan ay dapat matulungan.
3. Sa mga ganitong samahan dapat tayo nakikipag-
ugnayan.
4. Pagbuklurin natin ang ating ideya at magtulungan.
B. Salungguhitan ang pandiwang may wastong panlaping makadiwa na angkop sa pangungusap.
1. Milyon-milyong piso ang (magkagastos, ginagastos, magagastos) ng pamahalaan taon-taon dahil sa dami ng hinahakot na basura sa bawat bayan.
2. Nagiging suliranin din kung saan (matatapon, itatapon, magpapatapon) ang tone-toneladang basura sapagkat napupuno na ang mga tambakan.
3. Kung magagawa lamang ng bawat isa ang (magdisiplina, dumisiplina, disiplinahin) ang sarili ay mabibigyang-solusyon din natin ito.
4. (Ibawas, Bumawas, Magbawas) tayo ng basurang itatapon sa tulong ng pagreresiklo.
5. (Magpahiwalay, Ihiwalay, Maghiwalay) ang mga nabubulok na basura sa mga di-nabubulok.
6. Maaari pang (bumenta, magbenta, ibenta) ang mga di-nabubulok na basura tulad ng plastik at bote.
7. Ang mga nabubulok na basura ay maaaring (gumawa, igawa, gawin) na compost o pataba.
8. Maaaring (gumawa, igawa, makagawa) ng compost kahit sa paso lamang.
9. Mababawasan na ang basura at (magkatulong, matutulungan, itutulong) pa natin na iligtas ang kalikasan.
10. Walang imposible kapag (magtutulungan, tumulong, itutulong) ang bawat mamamayan.
CO - CURRICULAR LINK
ENGLISH ; Active and Passive Voice
REAL LIFE APPLICATION
Ang mga bata ay susulat ng tig-limang halimbawa ng Tahasan at Balintiyak na pangungusap sa kanilang kuwaderno.
PAGTATAYA
Ang mga bata ay may gawain na sasagutan pagkatapos ng pagtatalakay.