LAYUNIN
Naiuugnay ang sariling mga karanasan sa napakinggang teksto
Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa tekstong napakinggan (kronolohikal na pagsusunod-sunod)
Nakabubuo ng mga tanong matapos mapakinggan ang isang sanaysay
Nagagamit ang pang-abay sa paglalarawan ng kilos
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Naiuugnay ang sariling mga karanasan sa napakinggang teksto
Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa tekstong napakinggan (kronolohikal na pagsusunod-sunod)
Nakabubuo ng mga tanong matapos mapakinggan ang isang sanaysay
Nagagamit ang pang-abay sa paglalarawan ng kilos
PAGTATALAKAY / DISCUSSION
A. Anong mga karanasan ang iyong maiuugnay sa napakinggan? Kompletuhin ang mga pangungusap sa ibaba.
1. Inaalagaan ng aming mag-anak ang kalikasan sa
________________.
2. Nililinis namin ang __________________________________________.
3. Maayos ang aming pagtapon ng basura upang maging ligtas sa ___.
4. Nagtitipid kami sa paggamit ng _______________________________.
B. Pakinggan ang sanaysay. Ayusin sa tamang pagkakasunod-sunod ang mga pangyayari dito.
___________ 1. Mahalagang gawain ang pagtatanim ng mga punongkahoy.
___________ 2. Pahalagahan at magtipid ng tubig.
___________ 3. Ang polusyon ay pangunahing suliraning ating kinahaharap.
___________ 4. Manindigan sa pagtutol sa tahasang pagwasak ng kagubatan.
___________ 5. Magresiklo ng mga biniling produkto.
C- Paggamit ng Pang-abay
A. Punan ng pang-abay ang mga patlang upang mabuo ang
diwa ng mga pangungusap.
1. Ang pagpapabaya natin sa kalikasan ay nagdudulot ng problema sa ______________.
2. Ang ating ______________ na pagkilos ang tanging makasasagip sa atin.
3. ______________ na lumilipas ang panahon kaya dapat tayong magmadali.
4. Ginusto natin ang ______________ na umunlad kaya nalimutan natin na pangalagaan ang daigdig.
5. ______________ nauubos na ang ating mga likas na yaman.
6. Maaaring wala nang gamitin ang susunod na henerasyon ______________________________.
7. Kailangan ay ______________ kumilos ang mga tao habang may panahon pa.
8. Kumilos tayo ngayon, hindi ______________.
9. Hikayatin ang iba upang ______________ malunasan ang ating suliranin.
10. ______________ na ipagpatuloy natin ang nasimulan nilang pagsagip sa kalikasan para sa mga mamamayan ng daigdig.
Pang-abay
Ito ang tawag sa mga salitang naglalarawan sa pandiwa o salitang kilos, pang-uri, at kapwa pang-abay.
CO-CURRICULAR LINK
ENGLISH : Adverbs / Uri ng Pang- abay
REAL LIFE APPLICATION
Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng 10 pangungusap gamit ang uri ng pang-abay.
PAGTATAYA / EVALUATION
Ang mga mag-aaral ay may gawain na sasagutan pagkatapos ng pagtatalakay.