LAYUNIN / OBJECTIVES
Pakikinig at Pagsasalita
Naibibigay ang paksa ng napakinggang kuwento/usapan
Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa tekstong napakinggan
Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto sa pamamagitan ng pagsasadula
Nagagamit ang magagalang na salita sa pagsasabi ng hinaing o reklamo
Nagagamit ang iba’t ibang uri ng panghalip sa usapan at paglalahad ng sariling karanasan
Pagbasa
Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilyar na mga salita sa pamamagitan ng kasingkahulugan
Nasasagot ang mga tanong sa binasang talaarawan
Naibibigay ang mahahalagang pangyayari sa nabasang talaarawan/ talambuhay
Nabibigyang-kahulugan ang bar graph, pie graph talahanayan, at iba pa
KASANAYAN SA PAGKATUTO
Pakikinig at Pagsasalita
Naibibigay ang paksa ng napakinggang kuwento/usapan
Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa tekstong napakinggan
Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto sa pamamagitan ng pagsasadula
Nagagamit ang magagalang na salita sa pagsasabi ng hinaing o reklamo
Nagagamit ang iba’t ibang uri ng panghalip sa usapan at paglalahad ng sariling karanasan
Pagbasa
Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilyar na mga salita sa pamamagitan ng kasingkahulugan
Nasasagot ang mga tanong sa binasang talaarawan
Naibibigay ang mahahalagang pangyayari sa nabasang talaarawan/ talambuhay
Nabibigyang-kahulugan ang bar graph, pie graph talahanayan, at iba pa
PAGTATALAKAY / DISCUSSION
A. Pagtukoy ng Kahulugan ng Salita sa Tulong ng Larawan at Pangungusap
Pag-aralan at alamin ang kahulugan nito. Ang mga salitang ito ay mababasa sa tekstong talaarawan.
Pag-usapan sa pangkat ang bawat salita. Magtanungan tungkol dito.
1. Paano ang kilos sa isang panayam?
2. Ano ang sawikain?
Basahin
Ang Talaarawan Ko
Sabado, Hulyo 22, 2017
Maaga akong gumising at tumulong ako kay ate at inay sa paghahanda ng almusal. Matapos akong magligpit ng aming kinainan at linisin ito, agad kong binuksan ang aking kuwaderno. Una kong ginawa ang paghahanda para sa ulat ng aming pangkat. Mayamaya dumating na sina Monina, Letty, at Arietta na aking kapangkat. Naghati-hati kami sa paggalugad ng iba’t ibang sanggunian para sa aming proyekto tungkol sa sawikain. May magsasaliksik
gamit ang iba’t ibang aklat at journal, maggagalugad sa Internet, at bubuo ng sitwasyon sa bawat sawikain. Pinag-usapan din namin ang susunding balangkas sa ilalahad na gawain.
Makalipas ang ilang oras, inilahad ng bawat kasapi ang nabuong bahagi sa ulat. Magtatanghali na kaya nagpaalam na ang aking mga kapangkat. Nagdesisyon kaming tatapusin ito bukas ng hapon.
Linggo, Hulyo 23, 2017
Mga ika-3 ng hapon dumating ang mga kapangkat ko. Sabay-sabay ay nagtutulungan kami sa pagsuri at tinalakay ang inayos na ginalugad na datos at
impormasyon. Nagkasundo kami na iuulat namin ang proyekto sa pamaraang panayam sa tulong ng slide presentation. Nagmungkahi pa si Monina na
saliwan ito ng tugtuging Filipino upang maging kawili-wili ang paglalahad.
B. Pagbibigay ng Kahulugan sa mga Salitang Pamilyar at Di-pamilyar sa Pamamagitan ng Kasingkahulugan
Lagyan ng tsek ( ) ang patlang ng mga salitang magkasingkahulugan. Kung hindi, itala ang tamang kasingkahulugan.
__________ 1. almusal – agahan
__________ 2. pangkat – isahan
__________ 3. kuwaderno – notbuk
__________ 4. kapangkat – kagrupo
__________ 5. sitwasyon – trabaho
__________ 6. tatapusin – iiwanan
__________ 7. talaarawan – diyalogo
__________ 8. panayam – sermon
__________ 9. kasapi – kasama
__________ 10. klasrum – silid-aralan
C. Paggamit ng Panghalip na Pamatlig
A. Bilugan ang panghalip na pamatlig at ikahon ang pangngalang kinakatawan nito.
1. Ang mga bata ay gagawa ng proyekto sa silid-aklatan.
Doon sila pupunta ngayon.
2. Gupitin ang dulo ng papel. Ganyan ang paggawa ng
tarheta ng kandidato.
3. Ang botohan ay mapayapa. Ito ay ipinagmamalaki niya.
4. Ang papel at lapis ay nasa mesa. Iyon ang gagamitin sa
halalan.
5 Ang kandidato ay lumabas ng silid. Hayun siya sa may
tabi ng opisina ng punong-guro.
6. Dala-dala ni Aling Lenie ang mga paninda niya na
dadalhin sa botohan. Diyan niya ibinaba ang mga iyon.
7. Ang pinto ng aming bahay na pagdarausan ng kampanya
ay nasira. Heto nga at ginagawa ng karpintero.
8. Ang paligsahan ay lalahukan ng mga bata. Ito ay tiyak na
magiging masaya.
9. Mabigat ang mga pagkaing inihanda sa kampanya na
binuhat ni Andy. Hayan siya at mukhang pagod.
10. Basahin nang maayos ang mga balota. Ganyan ang
wastong gawain sa halalan.
Ang panghalip na pamatlig ay salitang panghalili o pamalit sa pangngalan na ginagamit sa pangungusap.
Halimbawa:
Heto na ang sagot sa lahat ng problema.
Ganyan ang katangian ng may malasakit sa bayan.
Narito ang ilan pang halimbawa ng panghalip na pamatlig:
– ito, nito, ganito, dito, heto
– iyan, niyan, ganyan, diyan, hayan
– iyon, niyon, ganoon, doon, hayun
CROSS CURRICULAR LINK
English : Demonstrative Pronoun
REAL LIFE APPLICATION
Ang mga bata ay susulat ng 5 pangungusap sa kanilang kwardernong Filipino gamit ang Panghalip Pamatlig.
PAGTATAYA
B. Isulat sa patlang ang angkop na panghalip na pamatlig. Pumili sa loob ng panaklong.
1. Kay tamis ng handog na tagumpay sa halalan. Sasali uli ako _____________. (rito, ito, hayun)
2. Nakita mo ba ang aking kapatid na kandidato? _____________ at nagpapahinga pala. (Hayun, Dito, Niyan)
3. Pagmasdan mo ang mga gamit sa halalan. _____________ ay listahan ng mga botante. (Iyon, Iyan, Ito)
4. Matamis ang ginawang buko salad na dadalhin sa kampanya. Ate, sana gawan mo ko ng ____________. (ganoon, ganito, ganyan)
5. Huwag na kayong lumipat. _____________ na kayo mamalagi at bumoto. (Dito, Ito, Nito)
6. Nene, _____________ bang tarhetang dala mo ay para sa proyekto? (iyan, iyon, ito)
7. Naku! Nawala ang mga bolpen na gagamitin sa botohan. _____________ pala at nasa ilalim ng mesa. (Heto, Hayan, Hayun)
8. Hindi ka pala marunong mangampanya. _____________ ang paraan ng pangangampanya. (Ganito, Ganyan, Ganoon)
9. Ang mga bata ay namamasyal sa parke na pagdarausan ng kampanya. _____________ sila sa hardin. (Hayun, Hayan, Dito)
10. Mukhang maayos ang iyong listahan ng mga kandidato. Pahingi naman _____________. (nito, niyon, niyan)