Do you ever look at someone and wonder—what is going on inside their head?’ (colors ng emotions alt
Lunes na naman, panibagong araw na naman sa skwela—dahilan ng umaapaw na emosyon sa Headquarters ng utak ng isang Felician, isang mag-aaral mula sa Judge Feliciano Belmonte Sr. High School. Ngunit teka, dahil iba ang taong panuruang ito kumpara sa mga nagdaan. Di gaya ng noon na K-12, may bagong aarangkadang kurikulum—ang Matatag Curriculum. At dahil may new curriculum, new emotions are in the air!
“This is Joy, coming from you live in Felician's mind! And we are expecting a new curriculum today in Judge Feliciano Belmonte Sr. High School! Felician’s in! Get up on your feet and MAKE SOME NOISE!”
Meet Joy, isa sa mga pinakaunang emosyon ni Felician. Umaapaw sa tuwa at hindi na makapaghintay na maranasan ang pag-aaral sa bagong kurikulum! Hindi mapawi ang kaniyang ngiti sa mga pangakong sambit ng Matatag Curriculum. Binawasan ang mga asignatura na nagbigay-daan upang makatuon sa saligan ng pagkatuto sa pagbasa, siyensya at matematika. Sabik si Joy dahil para sa kaniya, ito ang kailangan ng ating bansang lugmok sa akademiko at laging kolelat sa pandaigdigang ranggo. Para sa kaniya, ang panibagong kurikulum na ito ang pag-asa ng mga kabataan na pundasyon ng bayan.
“That’s Anger, he cares very deeply about the past curriculum.”
“That’s how you’re gonna play it, old man?!”
Meet Anger, pulang-pula sa galit! Sa mata ng marami, ang Matatag Curriculum ay tila isang estruktura ng progreso—matayog, maayos, at puno ng pangako. Ngunit sa puso ni Anger na nasisilayan ang mga estudyanteng araw-araw hinaharap ang bagong sistema, ito’y isang dingding ng pagkabigo. Ang galit nila ay hindi simpleng bugso ng damdamin; ito’y alingawngaw ng pagkadismaya sa isang sistemang tila baga'y hindi isinasaalang-alang ang kanilang kakayahan at pangangailangan. Sa bawat gabing nagkukubli sila sa ilalim ng ilaw ng lampara, binubuno ang mga leksyon na tila pilit na pinipiga mula sa kanilang oras at lakas, tumitindi ang tanong: “May magbabago pa ba sa bulok na sistema?!”
“Who made the console orange?”
“AAAAHHH!”
“Hello! Oh my gosh, I’m Anxiety. Where can I put my stuff?”
Meet Anxiety, a new emotion unlocked! Sa kabila ng kaniyang matingkad na balat na kulay kahel, balisa naman ang isip sa pangambang hatid ng panibagong kurikulum. Sa ilalim ng Matatag Curriculum, ang bawat pahina ng module ay mayroong napakaraming posibilidad na taglay—malalim, malawak, at minsan, nakakalunod. Walang tigil ang pagkabalisa ni Anxiety, hatid ng tanong na bumabagabag sa kaniyang diwa: Kaya ba ni Felician na makasabay sa bagong kurikulum?! Ang dating komportableng ritmo ay naputol, pinalitan ng bagong sistema na nangangakong mas maikli ngunit mas matalim sa hamon. Sa huli, ang matatag ay hindi lamang tungkol sa kaalaman, kundi sa lakas ng loob na harapin ang sariling takot sa pagbabago.