Miyembro ng JFBSHS Scout Group sumailalim sa Emergency Service Training Course (ESTC) sa Makiling National Scout Reservation upang mapalakas ang kanilang kaalaman sa first-aid at pagresponde sa sakuna, habang nakikisalamuha sa ibang scouts.
Sarah Tariman | Ang Matuwid
Sumabak ang ilang miyembro iskawt sa Judge Feliciano Belmonte Sr. High School (JFBSHS) sa Emergency Service Training Course (ESTC) na isinagawa noong ika-13 hanggang ika-15 ng Septyembre at ipagpatuloy naman noong ika-26 hanggang ika-27 Septyembre 2024 sa Makiling National Scout Reservation.
Isinagawa ang naturang training upang mapaigting ang kanilang kaalaman sa first-aid at mahubog ang kanilang kasanayan sa pagliligtas at pagresponde sa mga sakuna.
Lumahok sa ESTC ang 11 miyembro ng scout na sina Maria Arizala, Venturer scout, 12-Del Pilar, Jerald Linga, Venturer scout, 11-Hernandez, Chris Pilande ; Venturer scout, 11-Amorsolo, Christian Dacanay ; Venturer scout, 10-Topaz, Vince Albay ; Venturer scout, 12-Amber, Franklie Abaja ;Venturer scout, 9-Abundance.
Kabilang din sumabak sa training sina John Angelo Altubar ; Venturer scout, 10-Aquamarine, Rain Hillis ; Outdoorsman, 9-Respect, Sainry Purisma ; Outdoorsman scout, 9-Modest, Cairo Castro ; Outdoorsman scout, 8-Rose, Jowee Colina ; Outdoorsman, 9-Tolerance.
Ayon naman sa kay Rain Hillis isang Felician scout sa JFBSHS, naging mahirap at pagod sa pag eensayo ang kanilang naranasan ngunit, masaya pa rin ang naging karasanan nila sa nasabing training.
“Mahirap talaga yung ESTC. Hindi biro yung pagod at training, pero masaya kasi nakapag halubilo kami sa ibang scouts na galing ibang paaralan.”aniya.
Upang makasali sa Emergency Service Training (ESTC) nararapat lamang na nasa rangong Outdoorsman, Venturer at Eagle Scout ang mga scout na nagnanaiis na makasali sa Emergency Service Training (ESTC). Kinakailangan din ang pagsangayon ng mga magulang ng mga scouts na sasali sa Emergency Service Training (ESTC).