Flores, Ang, Erro humakot ng parangal sa Joy of Public Service and Academic Achievement Awards 2024!
Flores, Ang, Erro humakot ng parangal sa Joy of Public Service and Academic Achievement Awards 2024!
Nagkamit ng karangalan ang mga dating mag-aaral ng Judge Feliciano Belmonte Sr. High School (JFBSHS) sa isinagawang Joy of Public Service and Academic Achievement Awards na ginanap sa Risen Garden, Quezon City (QC) Hall noong ika-17 ng Agosto taong kasalukuyan.
Bumida si Euryle Vivien Ang mula sa Accountancy Business and Management (ABM) matapos masungkit ang Top 1 Overall - Joy of Academic Excellence Award.
Nakasungkit din ng parangal si Akisha Mikhel Flores, mula sa Humanity and Social Science (HUMSS) matapos niyang sungkiting ang Top 2 Overall - Joy of Academic Excellence Award and Joy of Public Service Awardee.
Hindi rin nagpahuli si Jonela Erro, mula sa Accountancy Business and Management (ABM) nang masungkit niya ang Top 3 Overall - Joy of Academic Excellence Awardee.
Pinangunahan naman ito nina ma'am Carleen Sedilla, School Division Superintendent at iba pang opisyales ng QC kabilang si Mayor Joy Belmonte.
Pinasinayaan ang naturang kaganapan sa maikling programa at talumpati ng mga opisyales ng QC.
Kabilang sa pagtitipon ang lahat ng paaralan ng QC sa naganap na parangal mula Baitang 6 hanggang Baitang 12.
Binigyang parangal ang mga ito dahil sa kanilang kasipagan at buong pusong pagseserbisyo.
"To be honest, I didn't expect naman to have the Joy of Public Service Award since for me ang purpose ko as a leader is to inspire and to serve but I'm very thankful and happy since nagkaroon ng recognition para sa mga serbisyo at sakripisyo ng mga lider estudyante na katulad ko,” ani ni Akisha Mikhel Flores, dating presidente ng Supreme Student Learners Government (SSLG).
Dagdag pa niya, "Isang karangalan para sa akin ang makatanggap ng ganitong pagkilala dahil 'di lang naman ito para sa akin kundi para sa mga kapwa ko Felicians na naniwala at sumuporta sa aking termino, and also sa mga guro na nagtiwala sa kakayahan ko bilang lider.”