Dalawang seksyon sa isang klasrum ang ipinatupad ng JFBSHS upang tugunan ang kakulangan sa pasilidad, layuning matugunan ang edukasyon ng mas maraming mag-aaral sa kabila ng hamon sa espasyo.
Althea Llasos | Ang Matuwid
Inimplementa ng Judge Feliciano Belmonte Sr. High School (JFBSHS) ang alituntuning dalawang seksyon sa isang klasrum upang tugunan ang kakulangan ng pasilidad sa naturang paaralan.
Pinagtuunan pansin ng JFBSHS ang kakulangan nito sa mga pasilidad kaya naman napagkasunduan pagsamahin ang dalawang seksyon sa isang klassrum para masigurong lahat ng mag-aaral ay mabibigay-tugon sa libreng edukasyon.
Ibinahagi naman ni Bb. Jemelyn Devota sa isang interbyu, guro sa JFBSHS, ang tungkol sa pagsasama ng dalawang seksyon sa isang klasrum sa kadahilanang ng kakulangan sa pasilidad na mahirap na pamahalaan kung maraming mag-aaral.
"Kukulangin ng classroom kaya need na silang dalawang magsama, hindi naman pwede isang section maraming estudyante dahil mahihirapan ang mga guro," ani Bb. Devota.
Dagdag pa nito, maayos naman ang sistemang ito para sa mga guro, bagaman mahihirapan lamang kung walang kaagapay na ibang guro sa isang pasilidad.
"Sa part ng guro, ayos naman ang implementasyon. Medyo mahirap [lang] sa part ng teacher kapag walang kasama."
Sa kabilang bahagi, nagbigay naman ng kaniyang karanasan si Liz Bolaños na nakararanas ng sistemang ito bilang estudyante.
"Masaya and medyo hassle. Masaya dahil makakapag-interact at magkakaroon ng bagong friends from other section, then hassle naman kapag may hindi pagkakaunawaan kasi lahat nadadamay."
Sa kabilang banda, sinisiguro nitong implementasyon na matutugunan ng paaralan ang kakulangan sa pasilidad at kagamitan kaalinsabay din ng pagsubok na kahaharapin ng nga guro at mag-aaral.