Mga lider-estudyante mula sa iba't ibang paaralan, kabilang na ang kinatawan ng Judge Feliciano Belmonte Sr. High School, nagsama-sama sa Multiply-Ed Local Learning Exchange upang talakayin ang mga makabagong reporma sa edukasyon, kabilang ang pagtutok sa SOGIE at ang layuning magbigay ng kalidad at inclusibong edukasyon sa bawat mag-aaral. Sanggunian: G-watch
Dindo Sargento | Ang Matuwid
Dumalo sa pagpupulong ang naging kinatawan ng Judge Feliciano Belmonte Sr. High School (JFBSHS) na miyembro ng Supreme Secondary Learners Government (SSLG) sa Multiply-Ed Local Learning Exchange na ginanap sa Ibis Styles Manila Araneta, Quezon City noong ika-31 ng Agosto hanggang ikaunang araw ng Setyembre, 2024.
Nakiisa si John Paul Nataño na miyembro SSLG, kasama ang mga iba pang lider-estudyante, advocates, educators na galing sa iba't ibang paaralan sa naturang pagtitipon.
Tinalakay rito ang isa sa naging usapin tungkol sa pagbibigay pananaw at inspirasyon sa sexual orientation, gender identity, and expression o (SOGIE).
Hangarin ng nasabing Multiply-Ed na kinabibilangan ng mga lider-estudyante ang 8 reform agenda na kung saan isinusulong ang pagkakaroon ng kalidad at malayang edukasyon para sa mag-aaral.
Kabilang sa nilalaman ng 8 reform agenda
Ang mga sumusunod: Increase the education budget and ensure accountability in its spending and utilization to address learning gaps, Expand psychosocial support and social welfare programs, and Improve the efficiency of the procurement process of infrastructure and educational materials, especially in geographically- isolated and disadvantaged areas (gida).
Kasunod nito, Strengthen the information systems in education governance and support the urgent passage of the freedom of information (foi) bill, Ensure an inclusive learning environment for students, Ensure spaces for transparent, participatory, and accountable education governance, effective, equitable, and learner-centric education, and build a resilient and crisis-responsive education system.
Ipinunto rin sa nasabing pagpupulong ng mga lider-estudyante sa isinagawang seminar ang layunin nitong ipinalaganap pa ang naturang agenda sa iba't ibang paaralan sa bansa.
Ayon naman kay Nataño, binibigyang pondo ng organisasyong Multiply-Ed ang paaralan kasapi rito at upang magamit ng paaralan, hindi man ganoon kalakihan ngunit mapapakinabangan.
"Ang multiply-ed ay nagbibigay ng pondo upang magamit ng paaralan. Hindi man kalakihan ngunit nakatutulong. Last year during the term former Pres. Akisha, nabigyan ang school ng 5k mula sa multiply ed."
Samantala, naging matagumpay naman ang naging talakayan ng mga lider-estudyante sa nasabing Workshop na magiging matibay na pundasyon sa pagsulong ng Kalidad na Edukasyon