Nagsagawa ng National Learning Camp (NLC) ang Judge Feliciano Belmonte Senior High School (JFBSHS) sa loob ng tatlong linggo, nagsimula ito mula ika-2 hanggang ika-20 ng Setyembre, 202
May tatlong learning camps na nakapaloob sa NLC na naayon sa iba't ibang antas ng mga mag-aaral ngunit dalawa lamang sa uri na ito ang ipinatupad ng paaralan — ang Consolidation at Intervation Camp.
Sa ilalim ng Consolidation Camp, dito pinapalalim ang kaalaman ng mga estudyante at magbigay ng dagdag na suporta upang mapabuti ang kanilang pangkalahatang pagganap sa akademiko.
Habang ang Intervation Camp ay may adhikain na tulungan ang mga estudyanteng nangangailangan ng karagdagang tulong sa iba't ibang asignatura, lalo na ang Mathematics, English at Science.
Mayroong 599 na estudyante ang lumahok sa Consolidation Camp habang 196 naman ang boluntaryong lumahok sa Intervention Camp.
Gayundin, ang mga guro ay boluntaryong nakilahok upang turuan ang mga estyudante at magbigay ng mga aktibidad na naglalayong palalimin ang kanilang pag-unawa, magbigay ng motibasyon sa pagpasok at higit pang palawigin ang kanilang kaalaman.
Ayon kay Ginoong Julius Pellero, isang guro mula sa asignaturang English, “Every different classes, 40 mins ’yung turo na may 3 sessions sila. Nando’n na ’yung volunteer teacher para maturo ang mga concepts na kailangan nila malaman.”
Dagdag pa niya, “After no’n, syempre may interactive activities, ito na ’yung mga out of the box. This activity is to encourage students na umattend ng kanilang klase at makilahok sa games, collaboration at higit pa.”
Sa pagsisimula ng taon, layunin ng JFBSHS na mapunan ang nawalang kaalaman ng mga estudyante dahil sa pandemya tungo sa makabuluhan at maayos na pag-unlad ng edukasyon maging sa susunod pang mga taon.