Princes Israel | Ang Matuwid
Sa kasalukuyan dumarami ang mga menor de edad na nagiging biktima ng teenage pregnancy o ang maagang pagbubuntis ng mga menor de edad sa Pilipinas.
Ayon sa datos na inilabas ng Commission on Population o PopCom, pumapangalawa ang Pilipinas sa mga bansa sa timog-silangang asya na may mataas na kaso ng adolescent birth rate simula ng taong noong 2020.
Tumaas ang bilang ng biktima ng teenage pregnancy mula taong 2020, pagkatapos ng unang taon ng pandemya na pumalo sa 35% ang teenage pregnancy rate mula taong 2020 hanggang taong kasalukuyan pagkatapos nitong bumaba ng taong 2016.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), 500 kabataang babae edad 15 - 19 taon ang nabubuntis kada araw. Sa mga ito 13.3 porsyento ang nagbubuntis sa edad na 19‚ 5.9% sa edad na 18, 5.6% sa edad na 17, at 1.7% sa edad na, habang 1.4% ang nasa edad na 15.
Karamihan sa mga sanhi nito ay ang kakulangan sa gabay ng magulang‚ kawalan ng kaalaman sa sekswalidad‚ peer pressure o impluwensya ng kaibigan‚ kahirapan at kawalan ng oportunidad sa edukasyon at trabaho‚ maging ang pagsasakripisyo ng dignidad sa impluwensya ng media ang mga sanhi ng teenage pregnancy o maagang pagbubuntis.
Umaabot sa mahigit 200,000 ang nanganganak na babaeng kabataan bawat taon, karamihan dito ay mga mag-aaral na nagdulot sa mga ito ng paghinto sa pag-aaral dahil sa bagong responsibilidad.
Delikado ang maagang pagbubuntis dahil magdudulot ito ng ibat ibang sakit at komplikasyon sa kalusugan ng ina at sanggol, habang nagbubuntis ang mga kababaihan, ay may mataas na panganib na magkaroon ng iba't ibang sakit gaya ng anemia.
Anemia o ang kakulangan sa pulang dugo o pagbaba ng hemoglobin sa dugo ito ay makukuha dahil sa iron deficiency o kakulangan sa iron habang nagbubuntis.
Dahil sa sakit na anemia, ito ay nagpapataas ng panganib ng premature birth‚ low birth weight‚ at postpartum hemorrhage o labis na pagdurugo pagkatapos ng panganganak.
Pagbubuntis ay mangyayari sa lahat ng mga kababaihan sa kahit anong edad na nagsimula ng magkaroon ng regla o buwanang dalaw, kaya’t pag-ingatan ang katawang pinakamamahal.
Rihanna Kirsten Perez | Ang Matuwid
Matagumpay na isinagawa ang Bakuna Eskwela sa Judge Feliciano Belmonte Sr. High School (JFBSHS) noong Oktubre 16, 2024, bilang bahagi ng School-Based Immunization (SBI) program na inilunsad ng Department of Health (DOH) at Department of Education (DepEd).
Layunin ng programang ito na mabigyan ng proteksyon ang mga kabataan laban sa mga vaccine-preventable diseases tulad ng measles, rubella, diphtheria, at human papillomavirus (HPV).
Pinangunahan ng mga guro ng Music, Arts, Physical Education, and Health (MAPEH) ang distribusyon ng mga consent form at pagbibigay-kaalaman sa mga magulang tungkol sa kahalagahan ng pagbabakuna.
Ayon sa datos ng paaralan, 207 o 14.79% ng 1,399 mag-aaral sa ikapitong baitang ang nagpabakuna nang may gabay ng kanilang mga magulang.
Ginawang waiting area ang covered court ng paaralan para sa mga magulang at estudyante, habang ang tatlong silid-aralan ay inilaan para sa iba't ibang yugto ng proseso ng pagbabakuna.
Ginamit ang unang silid-aralan para sa screening at pagkuha ng vital signs, ang ikalawang silid-aralan para sa aktwal na pagbabakuna, at ang ikatlong silid-aralan para sa recovery ng mga mag-aaral pagkatapos nilang mabakunahan.
Pinaalalahanan ang mga magulang na patuloy na bantayan ang kanilang mga anak matapos mabakunahan para sa mga posibleng side effects.
Patuloy na ipatutupad ang programang ito sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa ngayong Oktubre 2024 bilang hakbang sa pagpapanatili ng kalusugan ng mga kabataang Pilipino.
Nag-aapoy na Pugad
Chrizalyn Almaiz | Ang Matuwid
"Ang lupa ay nag-aapoy, at ang apoy ay nagmumula sa ating mga kamay."
Isang araw, nagising si Maya sa isang kakaibang init. Hindi lamang mainit ang araw, kundi mainit din ang hangin, na parang isang nagngangalit na dragon na humihinga ng apoy. Ang kanyang mga halaman ay nalalanta, na parang mga patay na bituin na naghihintay ng muling pagsilang. Ang tubig sa ilog ay mababaw na, na parang isang naghihingalong dalaga na naghihintay ng kanyang huling hininga. Nagtaka si Maya, "Bakit ba ganito kainit ang ating mundo?"
Unti-unting nagiging mataas ang temperatura ng daigdig. Dahil sa pagtaas ng mga gas na pang-greenhouse tulad ng Carbon Dioxide (CO2) sa atmospera, ang init ng araw ay naiipit at hindi nakakalabas, na parang isang malaking salamin na sumasalamin sa init ng araw at nagpapainit sa ating planeta. Ang CO2 ay isang gas na likas na naroroon sa atmospera, ngunit ang mga tao ay naglalabas ng sobrang dami nito sa pamamagitan ng pagsusunog ng mga gatong na fossil tulad ng langis, karbon, at natural gas, na parang mga halimaw na sumisipsip ng enerhiya ng mundo.
Maraming mga negatibong epekto ang dulot ng pag-init ng mundo sa ating planeta. Natutunaw ang mga yelo sa polar regions, na tila mga luha ng mundo na nagbabadya ng pagkawasak. Ang lebel ng dagat ay tumataas, na parang isang higanteng kamay na nagbabanta sa mga baybaying lugar. Nagiging mas matindi ang mga panahon, na parang mga galit na diyos na nagpapakita ng kanilang kapangyarihan. Ang mga bagyo ay mas malakas, ang tagtuyot ay mas matagal, at ang pagbaha ay mas malawak, na parang mga sugat sa katawan ng mundo. Nasusunog ang mga kagubatan, na parang mga nagngangalit na apoy na sumisira sa mga berdeng baga ng mundo. Ang mga ekosistema ay nagbabago, na parang mga piraso ng isang malaking palaisipan na nagkakalat at nawawala ang koneksyon.
Si Maya ay nagpunta sa isang dalub-agham upang humingi ng payo. Sinabi ng siyentista, ‘’Hindi lamang problema ng kalikasan ang pag-iinit ng mundo, kundi problema rin ng tao. Ayon sa American Association for the Advancement of Science (AAS) "Based on well-established evidence, about 97% of climate scientists have concluded that human-caused climate change is happening” na ang ating mga gawain ay nagdudulot ng pagtaas ng mga greenhouse gas. Sanhi din ng pag-init ng mundo ay ang paggamit ng mga sasakyan, pagsusunog ng basura, at pagpuputol ng mga puno ay naglalabas ng CO2 sa atmospera, na parang mga nakakalason na usok na naglalason sa ating planeta.
Ayon kay Dr Kevin Collins, Senior Lecturer Environment and Systems, “There is a very real danger that the new research is misinterpreted to show that there is no global warming or that a steady state increase in temperature means we have lots of time to act”. May mga paraan upang mabawasan ang ating epekto sa pag-init ng mundo. Maaari tayong gumamit ng mga pinagkukunan ng enerhiya na nababagong, tulad ng solar at wind power, na parang mga bagong bituin na nagbibigay ng liwanag at enerhiya sa mundo. Maaari rin tayong magtanim ng mga puno, na parang mga berdeng kamay na sumisipsip ng CO2 at nagbibigay ng sariwang hangin. Maaari rin tayong mag-recycle, na parang pagbabalik ng mga bagay sa kanilang orihinal na anyo at pag-iwas sa pagkasira ng ating planeta. Maaari rin nating bawasan ang ating pagkonsumo ng enerhiya, na parang pag-iingat sa ating mga kayamanan at pag-iwas sa pagkasira ng ating mundo.
Bilang mga mag-aaral ng Judge Feliciano Belmonte Sr. High School (JFBSHS), mayroon tayong mahalagang papel na gagampanan sa pagsugpo sa pag-init ng mundo. Maaari nating simulan sa ating mga sarili, sa ating mga tahanan, at sa ating paaralan. Maaari tayong magsimula sa simpleng pag-recycle ng basura, paggamit ng mga kagamitang matipid sa enerhiya, at pagtatanim ng mga puno, na parang mga maliliit na hakbang na magdudulot ng malaking pagbabago. Maaari rin tayong maglunsad ng mga kampanya sa paaralan upang itaguyod ang kamalayan tungkol sa pag-init ng mundo at hikayatin ang iba pang mga mag-aaral na kumilos, na parang mga apoy na nagbibigay ng liwanag at nag-uudyok sa iba na kumilos. Sa pamamagitan ng ating mga pagkilos, makatulong tayong mabawasan ang ating carbon footprint at mapanatili ang kalusugan ng ating planeta, na parang mga tagapag-ingat ng mundo na nagsisikap na mapanatili ang kagandahan at kalusugan nito.
Sa katapusan, hindi lamang isang responsibilidad ng mga siyentista ang pagsugpo sa pag-init ng mundo, kundi isang pananagutan ng bawat isa sa atin. Tayo ay may kapangyarihan na gumawa ng pagbabago, at ang ating mga pagkilos ay magkakaroon ng malaking epekto sa ating planeta. Magsimula tayo ngayon, bago pa mahuli ang lahat.
Kent Eugene Paras | Ang Matuwid
"Hindi MasiSIERRA Kalasag na taglay ng MADRE Ko"
Pilipinas, ang bansa nating mayaman sa kagubatan at sagana sa mga likas na yaman. Kaliwa't kanang mga luntiang bandila ang iwinawagayway ng mga puno sa kagubatan na siyang nag poprotekta sa mga yamang itinatago ng ating bansa.
Saan ka man magtungo sa ating mga probinsya at bayan, tambad at tiyak na masisilayan ang mga bundok na bidang-bida sa gandang inilalatag nito. Isa na sa bida riyan ang ating Sierra Madre, Na siyang pinakamalaking bulubundukin sa ating bansa. Ang mga bundok o bulubundukin ay hindi lamang mahalaga sa ating kalikasan, maging sa mga kalamidad na ating nararanasan taon-taon sila'y ating tiyak na maaasahan!
Sierra Madre, isang hanay ng mga bundok na ating matatagpuan mula sa hilagang bahagi ng ating bansa sa rehiyon ng Cagayan, gigilid sa gitnang bahagi ng Luzon, at magtatapos sa rehiyon at mga probinsya ng CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon).
Ito ay may sukat na umaabot sa 540 kilometro.
Bukod sa mga katangiang nakapaloob dito hindi lang diyan bumibida ang Sierra Madre! Maging sa kalamidad na hinahagupit ang ating bansa ay kalasag nya lang ang tumatapat!
Ayon sa pag-aaral ng PAGASA ( Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration) ay malinaw na inilahad na ang Sierra Madre ay may mahalagang papel sa pagbabawas ng mga bagyo sa ating bansa. Ang bulubundukin ang nagsisilbing kalasag laban sa mga mapanirang hagupit na dala ng mga bagyo.
Binabawasan nito ang mga pinsala na maaaring idulot ng nasabing kalamidad. Ang mga bagyo na dumaraan sa hanay ng Sierra Madre ay nakararanas ng paghina ng lakas ng hangin at pagbagsak ng ulang dala-dala nito. Ito ang nagiging dahilan ng mas mababang tsansa ng panganib na maaaring idulot sa ating mga syudad at komunidad.
Pinoprotektahan din nito ang milyun-milyong Pilipino, laban sa banta ng mapanghamong kalamidad.
Pinangangalagaan nito ang mga mamamayang naninirahan sa malaking bahagi ng Luzon bahagi na ang mga urbanisadong lalawigan at siyudad kasama ang Metro Manila. Ang papel ng bulubunduking ito ay pinipigilan ang malawakang delubyo na maaari nitong idulot at maraming buhay at ari-arian ang ating masasagip at maisasalba.
Ayon parin sa pag-aaral, bukod sa mga proteksyong hatid ng Sierra Madre patungkol sa pagsagip sa atin sa mga kalamidad, ay hindi pa rin natatapos ang kanyang pagiging bida! Maging sa mga bagay na sumasaklaw ay malaking bahagi ng pangangalaga sa biodiversity o samu't-saring bagay na nabubuhay sa ating kapaligiran at sa malaking bahagi ng kalikasan ay walang humpay pa rin ang kanyang pagtulong at pagmamalasakit sa sambayanan.
Nagsisilbi itong hanging-hingahan sa malaking bahagi ng Luzon. Sinasaklaw nito at binbahaginan ng sariwa at malinis na hangin mula sa maliliit hanggang sa malalaking kagubatan sa iba't ibang panig Luzon. Pinananatili rin nito ang maayos na klima ng bawat rehiyon sa bansa.
Pangangalaga sa mga inuming tubig, patubig at mga plantahan. Binibigyan nito ng maraming suplay ng malinis na freshwater at inuming tubig ang malawak na bahagi ng komunidad at lalawigan hanggang sa mga lupang sakahan at kagamitang pang-agrikultura.
Tunay ngang nakabibilib ang tampok na katangiang hatid ng Sierra Madre sa ating buhay at sa daloy ng ating mundo. Sa kabila ng malaking ambag nito sa ating kalikasan ay humaharap din ito sa mga suliranin gaya ng Deforestation o pagkakalbo sa hibla ng mga puno sa kagubatan at ilegal na pagpuputol ng mga puno. Ang mga aktibidad na ito ay nananamantala sa abilidad ng Sierra Madre na patuloy nyang gampanan ang mahalagang papel nito sa ating kalikasan.
Ating pangalagaan ang Sierra Madre na biyaya at handog ng ating Inang bayan. Ituring natin itong isang mahiwagang yaman na dapat nating pangalagaan at pakaingatan. Huwag nating SIERRAin ang ating Inang MADREng sa ati'y kailanman hindi umalipin. Hindi lamang Luzon ang ang may tabak at kalasag, maging ang buong Pilipinas ay maalagaan ang ating maaasahang dilag!
Sophia Pengson | Ang Matuwid
Sa dilim ng gabi, ang hangin ay umiiyak,
Parang isang halimaw, naghahanap ng biktima. Ulan ay bumubuhos, parang luha ng langit, Sa bawat kidlat, isang sigaw ng kalikasan.
Buwan na naman ng tag-ulan, eto ang pinakamahirap na buwang aking ayaw nararanasan. Sa aming munting tahanan kaya bang labanan ang sakunang ito na kahit isa lang ang palapag ng aming bahay, butas pa ang mga bubong, at masisikip ang mga daanan. Ako si Christine, isang estudyanteng masigla at lalo na kung pagalingan sa hatawan. Sa ganitong mga sitwasyon, kay hirap labanan ang ganitong mga problema, dahil wala naman akong kakayahang mapipigilan ang paghagupit at lakas ng bagyong aking kinakaharap. Kidlat doon, kulog dito, sobrang ingay at sobrang laking problema, hanging kay sariwa ngunit siyang nakakatakot kung humagupit.
Sa tuwing may bagyo, nagiging mahirap ang dinadanas ko sa pag-aaral, dahil sa kawalan ng kuryente at internet lalo na kung may ipapasang mga gawaing aking pinoproblema. Tuwing may pasok sa kaganapang ito, tiyak na kay hirap maglakad pauwi dahil sa malakas na hanging aking sinasalubong dagdag pa ng bahang aking tatahakin papauwi sa aking tahanan. Sa kabila ng mga pagsubok na ito, kailangan kong manatiling matatag upang malampasan ang mga hamong dala ng bagyong aking kinamumuhian.
Oras na ng klase, oras na rin ng pag-uwi ng biglang nag anunsyo ang aming paaralan tungkol sa pagsuspinde ngayong ika 23 ng Oktubre. Sa aking sarili hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mag-aalala dahil sa pagsuspinde nito, ngunit sa mga mukha ng aking mga kaklase ay kitang-kita ko ang mga naghahalong mga emosyon, ang iba ay natutuwa, naiinis, nalulungkot at nag-aalala dahil walang dalang mga payong. Sa aking paglalakad palabas ng silid aralan rinig ko naman ang mga hinahing sa kanila, "Hala! Wala akong payong!" "paano ako uuwi nito?, ang biglaan!" kaliwa't kanan kong naririnig tuwing may biglaang anunsyo – bagyo. Sa aking pag-uwi kasangga ang aking payong, paglakad ko sa kanto papunta sa aking bahay, kitang-kita ng dalawa kong maga ang mala dagat ang baha papunta sa aming bahay. Sa ganitong mga sitwasyon, iniisip ko kung sasakay pa ba ako o lulusong sa baha dahil malapit nalamang ang aking bahay doon na siyang akong ikinababahala tuwing may bagyo.
Pagkarating ko sa bahay ng basang-basa pati ang aking gamit, saktong nanonood sila ng balita tungkol sa pag-anunsyo tungkol sa Bagyong Kristine, na may lakas na kilometro 85 kilometro kada oras at kumikilos pahilagang kanluran sa bilis na 10 kilometro bawat oras. Laking gulat ko na ganito kabilis ang bagyong Kristine na ating kinakaharap. Sobrang lakas ng hangin, malalakas na ulan, at mga kidlat ang aking nasaksihan. Sa mga ganitong oras, ang National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ang kaagapay ko sa bagyong Kristine. Sila ang ahensya na malaki ang tulong lalo na sa paghahanda at pagpaplano upang maging ligtas at mabawasan ang mga apektado. Dagdag pa rito ang Quezon City Government na nagbibigay ng anunsyo kung suspendido ba ang mga klase sa oras ng bagyo.
Makalipas ang ilang oras na ginugol, anunsyo naman na nakalabas na ng Philippines Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Kristine na siyang ngpakalma sa akin. Pagkalabas ko ng bahay, nakita ko ang kinalabasan ng bagyong aming kinaharap, baha, pagkasira ng ilang bahay, pagkasira ng puno sa kalsada, mga nasawi, at mga residenteng basang basa ng ulan. Bagong simula nanaman ng buhay, bagong pag-ahon naman sa delubyo ang aking haharapin. Sa aking pagsisimula hindi ko alam kung ano ang aking uunahin, "saan ako makakatulog ulit?" "Saan ko ilalagay ang aking mga gamit?". Sa paglipas, ang aming barangay naman ang naghatid ng munting tulong para sa bagyong kristine na gumuho sa maraming mga tahanan, isa na ang aming tirahan.
Sa evacuation center na aking pinaglipasan ng araw upang makabagon, napagtanto kong maraming aral ang aking natutunan mula sa bagyong ito. Tulad ng paghahanda sa sakuna tulad ng Go Bag na ang laman ay mga importanteng mga papel, de-lata, flashlight, first aid kit, tubig, at marami pang iba. Kinakailangan din na laging maging handa sa mga ganitong sakuna, dahil hindi natin kayang pigilan ang mga kalamidad na tulad nito. "Bagyo" isang salita pero malaking problema, “Hangin” kalmado o agresibo, ‘yan ang aking kinatatakutan, “Mata” tahimik at mahiwaga, ngunit kung lumagpas ay siyang delubyo.
Sa pagtatapos ng Bagyong Kristine, dulot nito ang bunga ng paghihirap. Sa mga bagyong paparating, ang kahandaan ay aking magiging kasangga. Ang may alam ay siyang may kalamangan. Ika nga ni kuya Kim, “Ang buhay ay weather weather lang” hindi mo mahuhulaan ngunit kaya mong mapag handaan.
Rihanna Kirsten Perez | Ang Matuwid
Init naman! Masusunog na naman 'tong balat ko sa init ng panahon, mabuti nalang ako ay nakapaglagay ng pinagkatitiwalaan kong sunscreen. Naka-ready rin ang payong kong makulay, panangga sa sikat ng araw na nakatatamlay. Hindi biro ang tama ng init, kaya’t mahalaga ang ganitong proteksyon sa araw-araw. Kahit papaano, ito ang magsisilbing panangga sa mapaminsalang sikat ng araw na kayang magdulot ng sunburn at iba pang problema sa balat.
Aba, siyempre hindi rin mawawala ang aking malupit na sunglasses, proteksiyon sa aking maririkit na mga mata. Gayunpaman pabago-bago ang klima na nararanasan ng ating bansa, kaya naman sakuna ay hindi rin maiwasan. Ang sunglass na ito ang nagbibigay lilim sa aking mga mata laban sa matinding liwanag ng araw. Sa bawat hakbang, dala-dala ko ang aking proteksiyon, hindi lang sa mata kundi sa buong katawan, laban sa init at sakuna.
Mapanganib na mga bagyo, tunay na nakatatakot. Dinagdagan pa ng mga lindol, tsunami, pagbaha, sunog, at tagtuyot. Ang mga ito ay tila di natin inaasahan subalit patuloy na nangyayari sa ating paligid. Kaya’t mahalaga ang pagiging handa upang masiguradong ligtas ang bawat isa. Mabuti na lang at sinunod ko ang bilin ni ina, "Maging handa sa lahat ng oras! We, you, I am ready!" iyan kasi palagi ang sambit ng aking ina. Maging alerto saan man magtungo, upang pangamba sa panganib ay maiwasan. Ang bilin ng aking ina ay nagsisilbing gabay ko sa bawat araw. Sa anumang pagkakataon, palagi kong baon ang kanyang paalala para sa aking kaligtasan.
Radyo, telebisyon, at online news, inaabang-abangan ko. Mga impormasyong hindi magpapahuli para sa kaligtasan ng nakararami. Mahalaga ang pagsubaybay sa balita upang magkaroon ng sapat na kaalaman sa mga nagaganap. Sa ganitong paraan, mas napapanatili kong nakahanda ang aking sarili at pamilya sa anumang maaaring mangyari.
Evacuation centers sa aming bayan hindi rin mawawala, inaalam ko kung saan ang mga karatig na lugar na ligtas at mayroong evacuation centers upang makalikas ang mamamayan. Kadalasan ito yung mga lugar na mayroong medikal na tulong, ligtas, kumportableng pasilidad, pinangangasiwaan ng sanggunian, at seguridad. Sa panahon ng sakuna, mahalaga ang may tiyak na lugar na mapupuntahan. Sa evacuation centers, may kaagapay at kasiguruhan ng proteksyon ang bawat isa.
Akin ding ihahanda ang aking siksik sa mapakikinabangan gamit ang aking go bag. Go bag, check! - flashlight, whistle, canned goods, damit, kumot, tuwalya, medisina/first-aid kit, sanitary napkins, tubig, mahahalagang dokumento, multi-tools, bibliya, cellphone, powerbank, at cash, check! Kumpleto para tiyak na magiging resourceful kahit na sa panahon ng sakuna. Mahalagang kumpleto at abot-kamay ang mga gamit na ito para sa kaligtasan. Sa oras ng sakuna, ang go bag na ito ang aking magiging kakampi sa pagharap sa mga hamon.
Dalangin ko rin sa Panginoon ay hindi mawawala. Kaligtasan ng lahat ay aking ipagdarasal, lakasan lamang ang loob at magtiwala sa Diyos na maaayos din ang lahat. Sa kabila ng anumang panganib, panalangin ang pinakamabisang sandata para sa proteksyon at gabay. Ang pagtitiwala sa Diyos ang nagbibigay lakas at pag-asa sa bawat pagsubok na ating kinakaharap.
Yapak ng pag-asa ay ating kinakailangan, tiwala sa ating sarili ay atin ding pagyamanin. Sa panahon ng sakuna, tanging sarili lamang natin ang ating aasahan sapagkat kaligtasan din ng iba ang kanilang pakay. Gayunpaman, ang bayanihan ng bawat isa ay hindi rin mawawala sa lipunan, pagtutulungan ng mga Pilipino sa panahon ng sakuna ay iyo pa ring masisilayan.
Rhian Kate Gatan | Ang Matuwid
Sabado, iyan ang araw ng aming pag-eensayo. Isa sa mga araw na inaabangan ko, sa bawat pag hampas at bawat pag lagapak ng bola sa aking mga palad kasabay nito'y sakit sa bawat galugod ng aking katawan.
Ako si Isko L. Yosis, isang atleta sa paaralan ng Judge Feliciano Belmonte Sr. High School (JFBSHS). Sa aking bawat galaw, tila ba may naka saksak sa aking kalibutan. Isang sakit na napakahirap gawan ng solusyon para sa isang atletang kagaya ko. Sakit na hindi ko naman ginusto, isang sakit na nagpapawindang at nagpapayanig sa bawat sistema't dugo at lamang nananalaytay sa aking buong katawan at bumubuo sa aking katauhan, parang isang panukat na maaari mong ma ikot-ikot ang bawat parte ng katawan. Isang munting linya na kung titignan ay mas masahol pa sa linyang gawa ng isang batang nasa isang taong gulang palamang.
Sa bawat bayong na aking isinasampa at dinadala sa aking likuran, tila ba'y pasan-pasan ko ang bawat problema sa aking kapaligiran. Kagaya ni Quasimodo sa nobelang ang Kuba ng Notre Dame ang tingin ko sa aking sarili ay isang lalaking pangit ang pangangatawan. Sa bawat pag-akyat at bawat hakbang ko sa pasilyo ng aming ikalawang tahanan, tila dumudoble ang dala kong mga kagamitan. Postura roon, postura rito, iyan ang araw-araw na tumutulong sa akin sa bawat pag-eensayo. Sa bawat araw na ako'y dumidilat at nagkakaroon ng muwang, isang hiling ang nais kong sana ay mapagbigyan.
Inayos ko na ang mga kasangga ko sa aking pag-aaral, isang bolpen, kwaderno at syempre hindi magpapatalo ang aking aparato. Habang ako'y naglalakad papauwi sa aming tahanan, nakita ko si ina na tila’y nakapansin sa kakaiba kong tindig at lakad sa bawat araw at taon na lumipas. Sa kanyang mala agilang mata ay kitang kita ko ang pangamba. Habang ako'y papalapit sa kanya, ang kanyang matang agila ay unti unting pumupungay at nawawalan ng kulay. Sa kabila ng kanyang maliwanag na buhay at masisiglang kulay, kitang-kita ko ang pagkabahala at takot sa kanyang nagiging mala kristal na mga mata, ang mala abong kulay ng balintataw niya ay sadyang pumapatay sa aking mga negatibong pag-iisip, ang mga bulong sa aking isip.
Pagdaan ko sa harap ng salamin, kitang-kita ng aking dalawang paningin. Isang lalaking puno ng sigla, katawang puno ng hiya. Sa bawat araw na lumipas, tindig ko'y unti-unting kumukupas. Iyan ang paulit-ulit na sumasampal sa aking buong pagkatao, hindi lamang ito nakakaapekto sa aking tindig ngunit ito rin ay nakakaapekto sa aking bawat galaw, hataw at pagsabay sa agos ng pang araw-araw na buhay. Sa pagharap ko sa isang monitor ng isang kompyuter na kung tawagin ay eksrey, tanaw na tanaw ko ang isang tanawing kasing gulo at hindi pagkakapantay ng mundo, Tindig ko'y tila isang bula, unti-unting nawawala. Kasabay ng pag putok sa bawat bula, mundo ko'y unti unting gumuho't nawawala.
Scoliosis, scoliosis, scoliosis ng dahil sa iyo'y hindi ko magawa ang aking mga ninanais. Naisin ko mang humampas at maglakad ng matuwid, tila'y isa kang matinding balakid. Isang balakid na may pagkakahawig sa isang kumunoy, isang parte ng lupa na kung saan ay uunti-untiin at mas pipiliing pahirapan ka kaysa sa tulungan at pakawalan ka. Hindi ko na magawa ang bawat pag hampas at pag landas ng mga bola sa aking mga palad, ng dahil sayo'y nagiging aparato na ang aking hawak. Isang aparataong papalit sa aking nais, bagong kasangga tungo sa matuwid na aking magiging tanglaw na mag hahatid saakin sa mas maayos na kinabukasan. Braces, braces, braces. Isa na namang bagong kasangkapan tungo sa aking matuwid na kinabukasan. Kagaya ng mga linya at kableng nasa kalsada, ninanais ko rin maging isang lalaking may maayos, matuwid at magandang pangangatawan.
Habang ako'y nag sasaliksik para sa aking pag-aaral ay napunta ako sa pahinarya ng ritemed. Isang pahinang puno ng gamot, solusyon at mga payong nag mumula sa mga registration at mapagkakatiwalaang pahayagan at botika. Ayon sa ritemed, ang scoliosis ay ang pagkakaroon ng hindi karaniwang pagtagilid ng kurbada ng back bone o spine. Isang sakit na maaring ma resolba sa pamamagitan ng isang aparato na nagngangalang braces, isang kasangkapan tungo sa isang matuwid na kinabukasan.
Ikaw ang aking solusyon braces! Ng dahil sa iyo ay unti-unti na akong nakakapagpagaling at nabibigyang lunas ang matagal at madalas kong hinanakit sa aking kalibutan. Sa bawat araw at minutong kasama ka, unti-unti akong naliliwanagan na may pag asa. Sa iyong presensiya, mundo ko ngayon ay puno ng sigla. Tunay nga na ang lahat ng problema ay may solusyon, minsan ito'y nasa ating paligid lamang. Tingin doon, tingin dito. Hanap doon, hanap dito. Iyan ang maipapayo ko, isko nga pala, dalawang pantig apat na letra. Ngunit tiyak na tiyak kong hindi mo makakalimutan, isa sa magiging tanglaw niyo upang hindi mawalan ng pag-asa. Katulad ng apoy, patuloy na magpapainit at magpapayanig sa inyong mga likod. Hagod doon, hagod dito. Iyan ang buhay ko.
Aha! Kaya pala! Sa bawat paggalaw ko'y tila nakabaon sa akin ang isang bagay na hindi ko mawari, sa isang hindi malamang kadahilanan ako'y napatawa sapagkat nakita ko ang isang kataga na "I'm not sick, Im twisted.” Halata sa bawat ngiti ni ina ang saya, isa na akong scoliosis free! matuwid at tila walang pinagdaanang matinding balakid. Sa tulong mo braces, buhay ko'y napa embraces! Isang patunay na ang lahat ng problema ay iyong malalampasan. Sa bawat pagtitiyaga ay tiyak kong may kaakibat at kahahantungan ang paghihirap na iyong kinakaharap, wala sa likod wala sa harap. Iyan si isko L. Yosis, isang atletang ngayon ay nagbabalik upang maghatid at magbigay sa inyo ng mga larong hinding-hindi mo makikita sa iba, isang larong nagpapatunay na ang bawat pagdapa ay nag-iiwan ng mga ala-ala. Hindi na ako ang kuba ng Notre Dame, ang aking katawan ngayon ay tila ba isang perpektong wangis na ng aking pinapangarap na katawan. Iyan ang sigaw ko kasabay ang paghampas at paglapat ng bola sa aking mga palad na nag-iiwan ng ngiti sa madla.
Larzen Santos | Ang Matuwid
"Napakadaling sabihin, ngunit napakahirap gawin"
Gawain dito, gawain doon, gawain sa tahanan, at gawain sa eskwelahan. Mabilis ang takbo ng buhay ng bawat isa, lalo na bilang estudyante na abala sa aking mga gawaing nakakapagtuyo ng aking tubig. Madalas ay hindi na napagtutuunan ng pansin kung nakakainom pa ba ako ng tubig. Ang hirap kumompleto ng walong basong tubig kada-araw, nakababahala! Dahil sa hindi pag-inom ng tubig, ito ay maaaring magdulot ng dehydration, o ang kawalan ng sapat na likido sa katawan. Na ang akala ko ay simple o hindi malalang kondisyon, ngunit may malaking epekto sa aking kalusugan.
Isang kondisyon ang dehydration na nangyayari kapag mas maraming tubig ang nawawala sa katawan. Ang katawan ay binubuo ng mahigit 60% tubig, kaya para sa tamang pagganap ng bawat sistema sa katawan, mahalaga ang balanseng dami nito. Kaya kung kulang ay paano gagana ang aking isipan? Paano na ang mga gampanin na dapat gampanan? Mga takdang aralin na nalalapit na ang pasahan ngunit ako nama’y naghihingalong habulin ang pasahang ito.
Ayon kay Doctor, Regina Victoria Boyles isang pediatrician, Iba't ibang salik ang maaaring maging sanhi ng dehydration, isang kondisyon na dapat ay hindi isawalang-bahala bagkus ay dapat aksiyonan. Isa sa mga pangunahing dahilan nito ay ang kakulangan sa regular na pag-inom ng tubig, lalo na sa ilalim ng nag-aalab na init ng araw o kapag ang katawan ay nakasubsob sa mga pisikal na gawain. Sa bawat patak ng pawis na pumapatak mula sa init ng panahon o tindi ng gawain, unti-unting nauubos ang mahalagang tubig na bumubuhay sa aking katawan. Sa pag-ahon ko, tila’y ang tubig sa aking katawan ay wala na.
Dagdag pa niya, ang isang epektibong paraan upang bantayan ang antas ng tubig sa katawan ay sa pamamagitan ng pagmamasid sa kulay ng ating ihi. Ang mapusyaw at malabnaw na kulay nito ay tanda ng sapat na likido sa ating sistema. Ang madilim at matingkad na kulay naman ay nagpapakita na nangangailangan ng dagdag na tubig ang ating katawan upang patuloy na umalab ang ating kalusugan at sigla. Na akala ko’y normal lamang na matingkad ang aking inilalabas ngunit sa likod ng tingkad na ito ay siyang nakakabahala.
Tuyong bibig, pagkauhaw, at pagkatuyo ng balat. Iyan ang mga ilang sintomas ng dehydration. Kapag malala na ay mas nagiging malubha pa na maaaring makaranas ng panghihina, pagkahilo, mabilis na tibok ng puso at paglubog ng mga mata. Kung hindi maaksiyonan, maaaring humantong pa ito sa heatstroke. Kaya't dapat hindi na humantong sa ganito. Pag-inom ng tubig ay gawing libangan.
Panganib ang nakaamba sa kakulangan ng tubig sa ating katawan, madali lamang itong maagapan. Kailangan lamang ng walong basong tubig upang maiwasan. Hindi nangangailangan ng gamot dahil tubig lang ang kailangan. Sa aking pagtuklas, tiyak na mapapasabi ako na “Tubig is Life!”.
Sa konklusiyon, huwag hahayaang humantong pa sa dehydration. Sa simpleng hakbang tulad ng pag-inom ng sapat na dami ng tubig at pagkonsumo ng mga pagkain na sagana sa likido, maaari nating maiwasan ang mga panganib na dulot nito. Katawan ay huwag pabayaan, panatilihing matatag ito sa bawat laban. Kapag papasok sa paaralan, payong ay buksan, isipan ay lawakan, at tubig ay huwag kalimutan.
Kent Eugene Paras | Ang Matuwid
Unang Gabi: Ang Pagsasama-sama ng mga Bad Habits
Sa unang gabi sa isang bahay na puno ng katangiang mapanlinlang, nakilala natin ang iba't ibang mga bad habits. Nariyan si Vaping Victor, ang cool na bad habit na may makukulay na vape pero kung 'di mo sya titigilan, naku! It's too late. Kasama niya si Drew Ga, ang masalimuot na bisyo na laging may dala-dalang mga pinagdaraanan, perwisyo sa buhay kahit sa mga taumbayan. At syempre, nariyan din si Procrastination Patty na palaging nagsasabing,“Bukas na lang yan!” kulelat kaya sa botohan?Alam nilang isang eviction night na ang paparating.
Ikalawang Gabi: Ang Pagdating ng mga Housemates
Nang magsimula ang ikalawang gabi, sa isang sulok ng bahay, dumating ang mga housemates na handang labanan ang mga bad habits. Nandiyan si Healthy Frugie, ang TEEneeg ng kalusugan ng GenSan na nagdadala ng sariwang prutas at gulay, at si Fitness Cise na laging nag-eehersisyo, sa masa patok ang sakit na panlaban dito . Sila ang mga housemates na gustong baguhin ang takbo ng buhay sa loob ng bahay.
Healthy Frugie : Kailangan natin i-evict ang mga bad habits na ito.
Fitness Cise : Sang-ayon ako, dahil ang ating kalusugan ang nakataya!
Healthy Frugie : Tama! Labanan natin sila at ipakita ang tunay na lifestyle!
Ikatlong Gabi: Ang Unang Weekly Task
Dumating ang unang hamon at pinamagatang “The Healthy Choices Rap Battle Challenge." Dito, kailangang gumawa ng berso patungkol sa kung bakit hindi sila nararapat na ma-evict. Sa simula, nagpakitang gilas ang mga bad habits. “Mas masarap ang buhay na may vape!” sigaw ni Vaping Victor, habang patuloy na nagpa-puff ng makukulay na usok, pakiramdam mo'y hindi kanino man mapupusok!Pero hindi nagpadaig si Healthy Frugie, “Mas masarap ang pakiramdam kapag malusog ka, Wala kang sakit, healthy kapa! At sa huli, dahil sa tamang pagkain at determinasyon ng mga housemates, napagtagumpayan nila ang challenge at umiyak si Drew Ga, “Nawawala na ako sa sarili kong mundo!”
Ikaapat na Gabi: Ang Hamon sa Sarili
Habang tumatagal, lumalala ang tensyon sa bahay. Nagkakaroon ng mga alitan at sigawan, at ang mga bad habits ay nagsisimulang
magtalo.
Vaping Victor : Bakit ang saya niyo kahit na ang boring ng healthy lifestyle?
Fitness Cise : Dahil masaya kaming maging malusog.
Dito, nagpasya si Procrastination Patty na huwag makialam, ngunit sa likod ng kanyang ngiti, may takot na nag-aabang. Isang pangamba ang umabot sa kanyang isip: “Baka nga ako ang unang ma-evict!”
Ikalimang Gabi: Ang Ultimatum
Dumating ang eviction night. Ang mga housemates ay nagtipun-tipon at nagbigay ng kanilang mga opinyon tungkol sa mga bad habits. “Kailangan na nating tanggalin si Drew Ga,” sabi ni Healthy Frugie.“Dahil kahit anong gawin natin, lagi siyang bumabalik sa kanyang masamang bisyo.”dagdag pa niya. Sa mga halinghing ng suporta mula sa iba, unti-unting nabuo ang desisyon. Nagsimula nang manginig si Drew Ga at ang kanyang mga mata ay namumuo ng luha. “Tama na, tama na! Gusto ko nang magbago! Ayokong mapahamak!
Ikaanim na Gabi: Ang Eviction
Dumating ang host at inihayag ang desisyon ng mga housemates. “Sa gabing ito, ang ating eviction ay para kay Drew Ga!” Napuno ng sigawan ang bahay, pero sa likod nito, may lungkot at dalamhati. “Minsan, kailangan nating mawala sa ating comfort zone para sa ikabubuti natin. Salamat sa mga alaala, pero kailangan mo nang umalis.” sabi ni Healthy Frugie. Umiiyak si Drew Ga habang unti-unting umalis sa bahay. “Paalam, mga kaibigan, magbabago na ako.”
Ikapitong Gabi: Bagong Simula
Matapos ang eviction, ang mga housemates ay nagtipon-tipon upang ipagdiwang ang kanilang tagumpay. Hindi nagtagal napagtanto nilang hindi lang si Drew Ga ang kailangan nilang baguhin. Sina Vaping Victor at Procrastination Patty ay nasa peligro rin.
Fitness Cise : Kailangan nating simulan ang pagbabago sa ating sarili.
Healthy Frugie : Kailangan nating ipagpatuloy ang laban para sa mas malusog na kinabukasan.
Nagsimula silang magplano ng mga bagong activities at challenges para sa kanilang sarili, habang sinimulan ang kanilang bagong simula sa bahay, isang tahanan na puno ng positibong pagbabago at mas malusog na habits.
Sa huli, natutuhan ng lahat na ang tunay na laban ay hindi lamang sa pag-evict ng mga bad habits kundi sa pagtanggap at pagbabago ng kanilang sarili para sa mas malusog at magandang bukas. Ang bawat karanasan sa bahay ay naging hakbang patungo sa isang mas maliwanag na kinabukasan, kung saan ang mga housemates ay nagtagumpay hindi lamang laban sa bisyo kundi para sa kanilang mga pangarap.
Charls Vergara | Ang Matuwid
Kailan makakamit, walong oras para sa paghimlay?
KAILAN MAKAKAMIT, WALONG ORAS PARA SA PAGHIMLAY?
“Bugtong-bugtong, mata sa mata, walang kurapan, paligsahan ng titigan, hanggang sa tuyong mata’t walang sigla, ‘pag pumikit, ay siyang talo.” Ano ito? Naisip mo na ba ang sagot? Kung oo, ay masasabi kong kahanga-hanga, ngunit kung hindi naman halika't alamin kung ano ito.
Kakulangan sa tulog o ‘sleep deprivation’ sa Ingles, isang kalagayan na tila normal na sa buong mundo o sa buhay ng isang mag-aaral. Ito ay ang kakulangan sa tulog na isang kondisyon kung saan hindi pagkakaroon ng sapat o kalidad na tulog sa isang araw. Nagdudulot ito ng pagbagsak sa ating pagka-alerto, pagganap sa mga gawain, at sa kalusugan kung hindi maititigil. Maaaring makaapekto ito sa ating pang araw-araw na gawi kung magiging normal na ito sa ating pamumuhay.
Ilang araw na akong walang tulog dahil sa gawaing aking hindi matapos-tapos. Kaagapay ang aking kape para lamang hindi pumikit ang aking mata nang tuluyan. Sa paglipas ng oras, ang katawan at kalusugan ko naman ang kapalit na tila ay nanghihina at wala nang maramdaman sa sarili. Iidlip ngunit parang pumikit lang ng sandali ang pagod kong mga mata. Pagmulat ko, selpon agad ang aking kinuha, bungad ang notipikasyong paalala, “Ayon sa pag-aaral ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC), ang kailangan na tulog ng katawan ng isang tao ay pito hanggang siyam na oras upang suportahan ang ating katawan”.
Oras na ng pasukan, at tanong ko sa sarili “Kakayanin ko ba? o itutulog ko nalang 'to” ngunit hindi ako maaaring lumiban dahil may mga kailangang ipasa sa paaralan. Sa eskuwelahan, ang paksa namin ay tungkol sa kalusugan at epekto ng pagpupuyat. Ngunit saglit lamang ay nakatulog na lamang ako dahil sa sobrang pagod, sakit ng aking ulo at tila'y wala na akong maintindihan sa mga itinuturo ng aking guro, senyales ng mga epekto ng kakulangan sa tulog na aking ikinababahala.
Ayon kay Dr. Nick Villalobos, MD isang ABMS board certified internist, pulmonologist, and clinical assistant professor, kung ang kakulangan sa tulog ay nagpatuloy, maraming negatibong epekto ito sa ating katawan at isipan. Tulad na lamang ng pagkawala ng memorya, problema sa pag-iisip at konsentrasyon, pabago-bagong emosyon, mataas na presyon ng dugo, problema sa balanse, sakit sa puso, at mahinang immune system, at marami pang malalang epekto. Katulad na lamang ng impulsive behavior, anxiety, depression, at suicidal thoughts na nakakabahala kung mangyayari. Lahat ng ito ay bunga lamang ng kakulangan sa pagtulog na may matinding epekto sa ating kalusugan.
Ngayong alam ko na ang epekto nito sa aking kalusugan at pag-aaral, tiyak akin ng pangangalagaan ko na ang sarili ko. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng plano sa aking iskedyul upang hindi ako matambakan ng gawain, pag-eehersisyo araw-araw, at ang pinaka importante sa lahat ay ang mag kakaroon ng oras para sa pagtulog. Dahil dito, napagtanto ko kung saan galing lahat ng aking panghihina. Dahil lamang sa kakulangan sa tulog apektado na nito ang aking buong araw, tiyak na ito ay pambihirang kondisyong nakakabahala.
Ngayon, masasagot ko na ang bugtong na aking narinig at anong mga kondisyon ang pwedeng mangyayari. Sa bawat araw, ang pagtulog ay importante at napagtanto ko na ang aking katawan ay hindi pangmatagalan. Ngayong alam ko na ang kahihinatnan nito, ang pitong oras na tulog ay sapat na upang bigyan ako ng lakas sa isang araw para manatiling aktibo at matatag. Ika nga, ang buhay ay maikli, kaya pangangalagaan ko na ang aking sarili laban sa kakulangan sa pagtulog.
Rhian Kate Gatan | Ang Matuwid
"Tagu-taguan sa ilalim ng pook paaralan."
Mga Felicianong nangangamba, totoo nga ba ang mga balita't sabi-sabi na may nakapasok na nagpositibo sa sakit na Monkeypox virus o Mpox sa ating ikalawang tahanan?
Wala sa likod, wala sa harap. Pagbilang kong tatlo nakatago na kayo. Isa, dalawa, tatlo, iyan ang chismis at usaping naririnig ko. Mga chismis na mas mainit pa sa mga nagbabagang balita, mga chismis na walang kasiguraduhan, usap-usapan na umaaligid sa ating eskwelahan. Mpox, mpox, mpox, habang ako'y nag lalakad sa bawat pasilyo ng ating paaralan, bumabalik sa akin ang bawat pangyayari at sabi-sabi sa ikaapat na palapag ng ating ikalawang tahanan.
Apat, lima, anim, sa ikaapat na palapag ng aming gusali, doon nagsimula ang mga usapin ng Mpox na naghahasik ng lagim. Sa bawat pag tapak at pag-akyat ko sa bawat baitang ng aming gusali, nariyan palagi si kamatayan. Tila ba nagbabanta't nakasunod sa bawat galaw at bawat liko ng aking katawan. Kamatayan iyan ang mga katagang nagpapa-tindig ng bawat balahibo at nag papayanig sa bawat sistema ng aking katawan. Kamatayan, apat na pantig ngunit libo-libo't daan-daan ang napapatid. Sa bawat pag takbo at bawat pag-iwas ko sa sakit na ito, unti-unti akong nalilinawan sa bawat katagang binitawan ng ating mga tagapag payo.
"Ang Mpox, isang sakit na nagmula sa unggoy na kumakalat at naipapasa sa iba sa pamamagitan ng matagal na pisikal o intimate na pakikipag-ugnayan sa isang nahawaang tao. Ang mga sintomas nito ay ang lagnat, pagiging maginawin, pananakit ng lalamunan, at ang pagkakaroon ng mga pantal-pantal sa katawan.” Iyan ang tumatak sa akin na sinabi ng aming guro na si Ginang Jaide E. Caca, guro sa ika- sampung baitang at nagtuturo sa asignaturang Music, Arts, Physical Education, at Health (MAPEH). Isa sa mga nagpapatunay na ang sakit na mpox ay hindi dapat balewalain at hindi rin basta-basta sa usaping patungkol sa mga nakakaalarmang sakit.
Tila ba'y mga aninong kasanggang dikit ko sa bawat pamamalagi sa mundo. Lakad takbo, iyan ang araw-araw na gawain ko. Simula ng may kumalat na chismis na may nakapasok sa ating silid aralan na positibo sa naturang bagong katatakutan, nag simula ng mangamba at namulat ang karamihan. Dapat nga bang katakutan? Ma'am! Sir! Ma'am! tawag ko sa aming mga gurong makakapag bigay at makakasagot sa aking mga katanungang hindi madadaig ng bawat sabi-sabi na aking nauulinigan sa apat na sulok at kanto ng paaralan.
Pito, walo, siyam at sampu! Lumabas ako sa yungib na aking pinagtataguan, kinuha ko ang aking talas-sarili ng sa gayon ay makapunta na ako sa silid ng aming guro na si Ginang Jaide. “Taya!” Masiglang bati ko, muli akong tumingin sa aking kuwaderno at binasa sa harap niya ang aking mga naitala. Kagaya na lamang ng ang “Ma'am totoo po ba na may kumakalat at may nakapasok na nagpostibo sa sakit na mpox sa ating ikalawang tahanan?” Sa bawat pagbigkas at bawat pagbitiw ko ng mga letra, unti-unti ring nagiging buo ang mga butil ng pawis sa aking noo at ang pagtagaktak nito sa aking pisngingi't pagtulo sa aking hawak na talaan.
Tila ba'y ang bawat pag takbo at pag ikot ng bawat galamay ng orasan ay kasing bilis ng pagdagundong at pag pintig ng aking bawat kalamnan, nanlalamig kong inabangan ang sasabihin ni Ma'am.
Ayon kay Ginang Jaide at ayon na rin sa bawat sangay ng aming paaralan, ang estudyanteng talamak at mabenta sa usapan ng bawat Felicians ay walang katotohanan. Sapagkat ang estudyanteng pumasok ay mayroong ibang sakit at nasa lahi na nila ang sakit na mayroon siya. Isa itong sakit na namana niya sa kanyang pamilya at ang kanyang sakit ay papagaling naman na kung kayat siya ay pumasok nang muli sa paaralan. Kagaya ng ating mga naunang bayrus ay tila ba ang kanyang sakit ay unti-unti nang humuhupa at nabibigyang lunas. Isang sakit na nagpapatunay na ang lahat ng nangyayari ay isang problemang may lunas at solusyon
Kung kaya't ang mga chismis, sabi-sabi at mga hinuha ay hindi dapat natin agad na paniwalaan. Sapagkat ang mga ito ay isang kuwentong barbero lamang, ugaliing paniwalaan ang mga kinauukulan ng sa gayon ay hindi mabudol at mabiktima ng chismis na nasa paligid lamang. Ating tandaan na ang tanging paniniwalaan lamang ay ang kinauukulan at sangay na mapagkakatiwalaan, sa tulong nila'y tiyak kong hindi ka mapupunta at maliligaw sa landas na iyong tatahakin na mas mataas at mas masukal pa sa gubat na mapanglaw.
“Saveee!!” masiglang sigaw ng aking mga kamag-aral. Nakahinga ako ng maluwag, sa wakas! hindi na mangangamba ang bawat isa sa kaligtasan ng ating kalusugan at ganin na rin ang ating mga pamilya sa bawat araw, segundo at oras na tayo ay nasa silid-aralan. Sa bawat pag akyat at pagtahak ko sa pasilyo't mga hagdan sa paaralan, tiyak kong ligtas at malulusog ang aking mga nakakasalamuha sa araw-araw na pamamalagi sa labas ng tahanan. Sa bawat pagdaan at pagtingin ko sa ikaapat na palapag, tiyak ko na ligtas sa Mpox ang aming paaralan. Sa tulong ng mga maaasahang sangay ng aming paaralan, unti-unting nasusugpo ang mga tsismis at usaping nagpapayanig sa mundo't araw ng bawat uri ng nilalang.
Charls Vergara | Ang Matuwid
“Ka’y gandang heogropiya sa mapanlinlang niyang dala-dala”
“Ring of fire?” Kasama ang Pilipinas diyan! Mga bansang napalilibutan ng mga nagkukumpulang aktibong bulkan. Isa riyan ang Bundok Kanlaon na tanyag sa Pilipinas sa Hilaga at gitnang bahagi ng Visayas. Ito ay may lapad na 20 milya (32 kilometro) at may taas naman ng 8,086 talampakan (2,646 metro) na pinakamataas na tuktok sa rehiyon ng Visayas.
Bundok Kanlaon o tinatawag ding bulkang Kanlaon ay isang aktibong bulkang gumagambala sa pang araw-araw na buhay ng mga taga Visayas. Nitong kasalukuyang taon lamang, malakas na pagsabog ang natamo ng mga taga Visayas dulot ng Mt. Kanlaon. Isang delubyong ‘di inaasahan ng aming sambayanan. Sabay naman nito ang ala-alang hele ng aking nanay “huwag kang mangamba… hindi kita iiwan…”.
Ayon sa pag-aaral ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong ikatlo ng Enero, taong kasalukuyan ang Bulkang Kanlaon ay sumabog muli na may ikatlong alerto at 27 na pagyanig ng lupa. Isang mataas na alerto’t gambala para sa bulkang alertong kinatatakutan ng Pilipinas (ng mga Pilipino) Ika ng aking ina, ang Kanlaon ay may 30 dokumentadong pagsabog na mula pa noong ika-19 na siglo. Sa aking pagtanda, akin ding nasilayan ang kagandahan at madilim na bahagi ng Kanlaong ito.
Marami rin itong masamang epekto sa ating kalusugan dulot ng abo ng bulkan. Tulad na lamang ng iritasyon sa mga mata, lalamunan, respiratory tract, pati iritasyon sa balat. Kaya’t sa oras ng pagbibigay alerto ng mga organisasyon at rescuer, ay dapat agad natin itong sundin. Paghandaan kung tawagin, sa oras ng delubyong mapanganib, sarili ang ating kakampi.
Sa katapusan, sa Kanlaong mapangtukso sa ganda ay dulot nito’y kagimbalaan. Sa pagtaguyod ng pangalang Laon, tila’y napamahal na ako sa aking sinilangan. Kanlaon, bakit ngayon pa? Salubong sa aking bagong taon na tila’y sa pagtatapos ng mga paputok ay pagsabog naman ng Kanlaon ang tanging naririnig ko lamang.
Jhana Cortez | Ang Matuwid
Sa dulot ng sabay-sabay na sandamakmak na problema, gaya ng pasahan ng mga proyekto sa iba't ibang asignatura at sunod-sunod na pagbibigay ng mga takdang aralin. Dahil din sa maraming kabataan ang nalululong sa online games at social media. Pati na rin ang hindi pagkain sa tamang oras dahil mas inuuna ang mga takdang aralin–stress ang puno't dulo niyan.
Ayon sa World Health Organization (WHO) ang stress ay tension sa ating pag-iisip. Normal na sa mga tao ang pangambang ito na banta sa ating kalusugan. Minsan ang stress ay nakakatulong sa atin na maging aktibo, ngunit kung sobra-sobra ay problema na sa ating pisikal at mentalidad na kalusugan. Natural na nga lang ba sa isang mag-aaral ito o pangamba na para sa kanilang pag-aaral?
Maraming dahilan kung bakit nararanasan ng ilang mga mag-aaral ang stress. Isa na riyan ang pagpupuyat, hindi pagkain sa tamang oras, at hindi ginagawa agad ang mga gawain. Isa ito sa mga pangunahing mga dahilan kung saan nagsisimula ang stress. Stress nga ba ang dahilan o ang pag-uugali ng isang mag-aaral?
Una na ang sabay-sabay na pagbibigay ng mga takdang aralin. Isa ito sa mga dahilan kung bakit naiistress ang mga estudyante. Hindi natin maiiwasan na maraming mag-aaral ang nagrereklamo dahil sa napakaraming gawain. Dagdag pa rito ang kanilang responsibilidad bilang anak sa gawain sa kani-kanilang tahanan.
Isa pa ay masyadong minamadali ang lahat. Dahil sa mga sabay-sabay na gawain, ang ibang mag-aaral ay napipilitan na madaliin ang paggawa ng proyekto na nagdudulot ng stress. Hindi pa tapos sa isa ay iniisip na agad ang susunod na gawain, kahit na ang iba ay malayo pa ang pasahan. Patok din ngayon sa mga kabataan ang "cramming" o ang hindi paggawa sa tamang oras ng mga gawain. Dahilan pa ng mga mag-aaral dito ay mas gugustuhin pa nilang magpuyat kesa gawin ng maaga ang mga gawain.
Kasunod nito ay ang paglalaro ng online games at masyadong paggamit ng social media. Dahil sa umiigting na kagustuhan sa paglalaro at paggamit ng social media ay nagagawa nila ang magpuyat. Ito ang dahilan kung bakit hindi nila nagagawa sa tamang oras ang kanilang mga takdang aralin. Ayon sa mga espesyalista, may tyansa na lumabo ang ating mga mata kapag tayo ay nasosobrahan sa paggamit ng gadget, ngunit hindi natin maiiwasan na sa ilang mga mag-aaral na hindi mapigilan sa paggamit ng gadget. Dahil ang gadget ay ang isa sa pangunahing kinakailangan ngayon sa pag-aaral, kung tama ang paggamit nito.
Mas pinipili nilang tapusin ang kanilang mga takdang aralin dahil sa deadline nito na kailangan agad ipasa kaya’t nauunsyami ang kanilang pagkain sa tamang oras.; kaya ang ibang mag-aaral ay hindi maabala sa kani-kanilang gawain. Isa ito sa mga dahilan kung bakit naiistress ang mga estudyante, dahil dito ay hindi nagiging handa ang katawan ng isang mag-aaral para sa kanilang kalusugan.
Maaaring maiwasan ng isang mag-aaral ang stress sa maraming paraan: ayon sa Department of Health (DOH), mas mainam kung ang mga mag-aaral ay gagawa ng kani-kanilang sariling iskedyul, maari nilang gawin ito upang mabalanse nila ang kanilang oras at upang maiwasan ang paghahabol sa mga gawain; Kumain sa tamang oras, upang maiwasan ang pagkakasakit at upang magkaroon ng sigla; Mag ehersisyo at magkaroon ng sapat na tulog, upang magkaroon ng sigla ang katawan at para magawa natin ng maayos ang ating mga kailangang gawin.
Sa kabuuan, talaga nga namang maraming epekto ang stress sa buhay ng isang mag-aaral. Ang sabay-sabay na pagbibigay ng takdang aralin, paglalaro ng online games at paggamit ng social media, at hindi nakakakain sa tamang oras ang iilang mag-aaral. Sa ganitong mga sitwasyon, hindi na normal sa isang mag-aaral ang pag-uugaling ito dahil kalusugan ang isusukli sa kanila kung hindi mapipigilan. Stress, isang salita at dalawang pantig ngunit isang salita upang buhay ay manganib.
Lara Cosip | Ang Matuwid
Isa sa mga kasiyahan ng Pet lovers ang makitang malusog, makulit at maamo ang kanilang mga alagang hayop. Nakabuntot ang mga ito sa kung anong bagay ang ating gagawin o mapa tulog man. Ngunit nakasisiguro ba tayo na ligtas ang ating mga alaga sa anumang sakit at ligtas ba tayo sa mga oras na sakaling tayo ay makalmot o makagat ng mga ito?
Mahalagang may kaalaman tayo pagdating sa ganitong paksa, kung saan maari tayong makakuha ng Rabies mula sa ating mga alaga kung sakaling sila ay ay nahawaan o mayroong rabies at tayo'y nakalmot o nakagat ng mga ito.
Ang rabies ay isang malubhang sakit na pwedeng mag resulta sa kamatayan. Ang rabies virus ay nakakaimpeksyon sa central nervous system. Ang mga tao ay maaaring makakuha ng rabies kung sila
ay madikit sa laway ng isang naimpeksyong hayop, halimbawa sa pamamagitan ng kagat o kalmot, at hindi nakakatanggap ng kaagarang medikal o bakuna para sa rabies. Ang mga sintomas ng Rabies ay ang mga pagkalito, kakaibang pag-uugali, guni-guni, hirap sa pagtulog at pagkatakot sa tubig.
Inihayag ng Department of Health na malaki ang itinaas ng kaso ng rabies ngayong taong 2024, kung saan nakapagtala sila ng nasa 169 cases noong buwan ng Mayo, mas mataas kaysa sa mga naitalang impeksyon noong parehong buwan, taong 2023. Ayon sa pahayag ng DOH, ang kabuuang naitalang kaso ng rabies sa mga tao mula Enero hanggang Mayo 2024 ay 13% na mas mataas kaysa sa 150 na mga kaso na naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Nakababahala ang kaso ng Rabies na naitala ngayong taon. Dapat pagtuonan ng pansin ang pagbibigay ng mga bakuna, lalo na sa mga kapos-palad na hindi kayang maipabakuna ang kanilang mga alaga at gayun na rin sa mga stray cats and dogs.
Mga posibleng solusyon sa pagsugpo ng Rabies ay katulad na lamang ng pagbabahagi ng kamalayan at edukasyon ukol sa rabies at pangangampanya. Mahalaga ang patuloy na edukasyon at kampanya hinggil sa kahalagahan ng pagpapabakuna laban sa rabies sa mga alagang hayop. Dapat magkaroon ng mga programa o aktibidad na naglalayong magbigay ng impormasyon sa mga pet owners hinggil sa sakit na ito at kung paano maiiwasan. Dapat din ay maglaan ang pamahaalan ng sapat na pondo na maaaring makapagpatayo ng mga libreng klinika para sa pagbabakuna laban sa rabies upang matulungan ang mga kapos-palad na hindi kayang magbayad para sa bakuna ng kanilang mga alaga.
Sa pamamagitan ng tamang kaalaman at pagtutok sa pagsugpo ng rabies, maaari nating mapanatili ang kalusugan at kaligtasan ng ating mga alagang hayop at pati na rin ang ating sarili. Mahalaga ang pagtutulungan ng bawat isa sa pagpapalaganap ng impormasyon at pagbibigay ng suporta sa mga hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng rabies. Sa ganitong paraan, maaari nating mapanatiling ligtas at malusog ang ating mga alaga at ang ating komunidad.