Dindo Sargento | Ang Matuwid
Mahigpit na ipinatupad ng JFBSHS ang patakaran ng 'No ID, No Entry' noong Oktubre 7, 2024, sa pangunguna ni Gng. Maria Gina Rocena, upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng mag-aaral sa loob ng paaralan. Kuha ni Christian Cargo, Ang Matuwid.
Pinangunahan ni Gng. Maria Gina Rocena, punongguro ng Judge Feliciano Belmonte Sr. High School (JFBSHS), ang pagpapatupad ng polisiyang "No ID, No Entry" na sinimulan din sa nasabing paaralan noong ikapitong araw ng Oktubre, 2024.
Inilunsad ang patakaran na ito upang mabigyan ng proteksyon ang bawat mag-aaral at bigyan dangal ang paaralan alang-alang sa kaligtasan kanilang laban sa mga magtatangkang pumasok sa paaralan nang walang permiso.
Inaksyunan naman ng mga guwardiya na tagapamahala ng seguridad ang bagong polisiya na ipinatupad sa pagsisigurong mayroong suot na I.D ang bawat mag-aaral kung wala naman ay ipinahihinto nila ito.
Gayunpaman, hinihiling ng kagawaran paaralan na sana ay mabilis pa na lumaganap ito sa iba't ibang paaralan sa bansa nang maproteksiyonan at mahuli na ang mga pumapasok sa paaralan nang walang dahilan at walang permiso na nagdudulot ng kaguluhan sa ibang paaralan.
Samantala, Ayon sa Kagawaran ng Edukasyon sa nasabing memorandum na mapabilis pa na maipalaganap ito para magkaroon ng ligtas at payapang mga paaralan ang ating bansa.
Dindo Sargento I Ang Matuwid
Kinoronahan bilang kampeon si Kent Eugene B. Paras ng JFBSHS sa On-the-Spot Oratorical Speech sa Batasan Hills National High School noong Oktubre 15, 2024, sa temang 'Comprehensive Sexuality Education,' na nagdala ng karangalan sa paaralan.
Itinanghal na kampeon ang pambato ng Judge Feliciano Belmonte Sr. High School (JFBSHS) na si Kent Eugene B. Paras ng 10-Diamond sa On-the-Spot Oratorical Speech na may temang "Comprehensive Sexuality Education" na ginanap sa Batasan Hills National High School (BHNHS) nitong ika-15 ng Oktubre, 2024.
Bumida ang naging kinatawan ng paaralan matapos masungkit ang unang pwesto sa On-the-Spot Oratorical Speech laban sa anim na paaralang lumahok din sa nasabing patimpalak.
Sa isinagawang interview kay Paras, inamin niyang naging mapanghamon ang pagsisikap na maabot ang pagkapanalo dahil nagkasabay-sabay ang kaniyang iskedyul bago pa maganap ang patimpalak.
"[Nagsabay-sabay na schedule], yung training ko rin sa nalalapit na Press Conference sa Journalism sa November 16 [at] yung sa mga skills na kailangan kong i-enhance pa sa performance ko sa araw ng Oratorical Contest,” aniya.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Paras sa tulong ng kaniyang gurong tagapagsanay na si Gng. Loime Jornadal, gayundin sa mga taong nagbigay ng tiwala sa kanyang kakayahan na sina Gng. Melda C. Medina, puno ng kagawaran ng Araling Panlipunan, at Ginang Maria Gina Rocena, punongguro sa JFBSHS.
"Sobrang honored [ko] lalo na sa mga nag-train at sumuporta sa akin. Maraming salamat sa opportunity na binigay sa akin ng school, especially ni Ma'am Loime na naging coach at trainer kopo,” dagdag pa niya.
Punong-puno naman ng pasasalamat at kagalakan ang iniwang pahayag ni Gng. Jornadal.
"Syempre masaya [siya]. Actually, kabado ako kasi ’yung isa sa naging kalaban niya is yung dating champion. Actually, hindi ko pa nakikita sa kanya na mananalo siya pero dahil nakikinig naman siya [at] nadaan [din] sa practice, na-perfect.”
Ani pa niya, "Masaya ako para kay Kent. Nagpapasalamat [din] ako kasi nagdala siya ng karangalan sa school pero hindi pa natatapos [dito] dahil may Division Contest pa."
Samantala, aabante naman si Paras para sa Division Oratorical Contest na gaganapin sa Quezon City High School (QCHS) nitong ika-16 ng Nobyembre.
Dindo Sargento | Ang Matuwid
Sofiah Miel Cortezo ng Judge Feliciano Belmonte Sr. High School (JFBSHS) ay nag-uwi ng ikatlong pwesto sa Sulat-Bigkas ng Talumpati sa District Festival of Talents: Read-a-Thon, na ginanap sa Justice Cecilia Muñoz Palma High School noong Oktubre 15, 2024. Sa kanyang tagumpay ay bunga ng walang sawang suporta mula sa kanyang guro na si Ginoong Jheric Bautista at ang pamunuan ng Kagawaran ng Filipino.
Nag-uwi ng karangalan si Sofiah Miel Cortezo mula 10-Diamond na pambato ng Judge Feliciano Belmonte Sr. High School (JFBSHS) matapos umarangkada sa ikatlong pwesto sa Sulat-Bigkas ng Talumpati sa District Festival of Talents: Read-a-Thon na ginanap sa Justice Cecilia Muñoz Palma High School (JCMPHS) noong ika-15 ng Oktubre, 2024
Napagtagumpayan ng pambato ng hukom na makakuha ng pwesto sa Sulat-Bigkas ng Talumpati matapos mailuklok sa Ikatlong pwesto sa kompetisyon.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Cortezo sa Tulong ng Gurong tagapagsanay na si Ginoong Jheric Bautista, Guro sa Filipino. Gayundin kay Binibining Pamela O. Descartin, Puno ng Kagawaran ng Filipino.
"I'm so thankful kasi sobrang supportive ni sir Jeric. Napaka-patient niya with me and helped my potential grow. Kahit sobrang gahol ng time and sobrang biglaan ng competition, tinulungan niya ako throughout the whole journey." saad nito
Dagdag pa nito,"Especially kay ma'am Pamela O. Descartin, Puno ng Kagawaran ng Filipino na naroon din sa kompetisyon upang suportahan ang pambato ng paaralan."
Ayon naman kay Ginoong Jheric Bautista, guro sa Filipino, masaya ito dahil sa naging tagumpay ng kalahok dahil sa tyaga at determinasyon sa hirap ng proseso ng pinagdaan makamit lang ang inaasam asam na parangal.
"Masaya ako kay Sofiah dahil nagbunga lahat ng paghihirap, sa kabila ng hirap ng proseso ng pinagdaanan niya at dahil hindi madali makakuha ng ikatlong pwesto." ani nito
Kinapos man sa oras na naging balakid sa pag-eensayo sa nasabing patimpalak buong talas pa rin ng isipan, galing sa pagsulat at husay sa pagbigkas ang ipinamalas ng kinatawan sa kompetisyon.
Aniya pa ni G. Bautista,"Kinapos kami ng oras dahil i-aanounce sa amin itong patimpalak gabi ng Thursday. So Friday na-meet ko si Sofia nag briefing kami. Sunday nag Training sa Messenger thru [voice message] vm yun yung struggle talaga."
Samantala, ang paaralan naman ng Batasan Hills National High School ang aabante sa division.
Bigo man umabante sa Division sa Sulat bigkas talumpati aarangkada naman muli sa panibagong patimpalak ang naging kinatawan ng hukom sa naturang kompetisyon.
Dindo Sargento | Ang Matuwid
Nagpatupad ng patakaran ng Judge Felicano Belmonte Senior High School (JFBSHS) para sa mag-aaral mula Junior High School (JHS) hanggang Senior High School (SHS) sa daan papasok at pag-uwi ng mga ito na maisasakatuparan simula sa Lunes, ika-23 ng Setyembre, 2024.
Alinsunod sa patakaran, ang mga mag-aaral mula sa SHS ay kinakailangang dumaan sa likod ng gate tuwing oras ng pasukan at uwian.
Samantala, sa harap ng gate lalabas at papasok ang mga mag aaral mula sa JHS.
Layunin ng nasabing patakaran na mapanatili ang kaayusan at mabawasan ang siksikan sa paglabas at pasok ng mga mag-aaral.
Sa pamamagitan nito, luluwag at maiiwasan ang siksikan sa mga daan mapananatili ang kaayusan sa nasabing paaralan.
Bukod dito, ipinagbabawal na ang pagbili o pagpapabili ng pagkain sa labas, pati na rin ang pagpapa-deliver ng pagkain sa mga delivery riders.
Dindo Sargento | Ang Matuwid
Nagsagawa ng Anti-Bullying Campaign ang Judge Feliciano Belmonte Senior High School (JFBSHS) na pinangunahan ng mga guro sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) nitong Agosto 2024 para sa mga estudyante dahil sa nakababahalang pagtaas ng kaso ng bullying.
Simula pa lamang ng klase noong unang araw ng Agosto ay nagsagawa na ng kampanya at oryentasyon ang JFBSHS para sa kaalaman ng mga estudyante patungkol sa bullying.
Layunin nitong maiwasan ang kaso ng bullying sa paaralan at magbigay-kaalaman kung ano ang tamang pag-aasal.
Ayon sa mga guro, ipapaalam nila ito kaagad sa mga magulang at magsasagawa sila ng behavioral contract para sa mga estudyante kung may maitalang kaso ng bullying.
Mula sa Department of Education (DepEd) Learner Rights and Protection Office, mahigit 170 estudyante ang naitalang nabu-bully sa loob lamang ng isang buwan at dalawang linggo.
Kasabay nito ay ipinag-utos naman ni DepEd Secretary Edgardo “Sonny” Angara na kailangang maging mahigpit ang mga eskwelahan at maipatupad ang mga alintuntunin para sa Anti-Bullying.
Dindo Sargento I Ang Matuwid
Nagkamit ng karangalan ang mga dating mag-aaral ng Judge Feliciano Belmonte Sr. High School (JFBSHS) sa isinagawang Joy of Public Service and Academic Achievement Awards na ginanap sa Risen Garden, Quezon City (QC) Hall noong ika-17 ng Agosto taong kasalukuyan.
Bumida si Euryle Vivien Ang mula sa Accountancy Business and Management (ABM) matapos masungkit ang Top 1 Overall - Joy of Academic Excellence Award.
Nakasungkit din ng parangal si Akisha Mikhel Flores, mula sa Humanity and Social Science (HUMSS) matapos niyang sungkiting ang Top 2 Overall - Joy of Academic Excellence Award and Joy of Public Service Awardee.
Hindi rin nagpahuli si Jonela Erro, mula sa Accountancy Business and Management (ABM) nang masungkit niya ang Top 3 Overall - Joy of Academic Excellence Awardee.
Pinangunahan naman ito nina ma'am Carleen Sedilla, School Division Superintendent at iba pang opisyales ng QC kabilang si Mayor Joy Belmonte.
Pinasinayaan ang naturang kaganapan sa maikling programa at talumpati ng mga opisyales ng QC.
Kabilang sa pagtitipon ang lahat ng paaralan ng QC sa naganap na parangal mula Baitang 6 hanggang Baitang 12.
Binigyang parangal ang mga ito dahil sa kanilang kasipagan at buong pusong pagseserbisyo.
"To be honest, I didn't expect naman to have the Joy of Public Service Award since for me ang purpose ko as a leader is to inspire and to serve but I'm very thankful and happy since nagkaroon ng recognition para sa mga serbisyo at sakripisyo ng mga lider estudyante na katulad ko,” ani ni Akisha Mikhel Flores, dating presidente ng Supreme Student Learners Government (SSLG).
Dagdag pa niya, "Isang karangalan para sa akin ang makatanggap ng ganitong pagkilala dahil 'di lang naman ito para sa akin kundi para sa mga kapwa ko Felicians na naniwala at sumuporta sa aking termino, and also sa mga guro na nagtiwala sa kakayahan ko bilang lider.”
Dindo Sargento I Ang Matuwid
Puspusan na ang paghahanda ng mga batang manunulat sa Judge Feliciano Belmonte Sr. High School (JFBSHS) para sa nalalapit na District Secondary Schools Press Conference (DSSPC) sa pamamagitan ng kanilang aktibong pagsasanay mula Lunes hanggang Sabado.
Nakikibahagi sa pagsasanay ang mga batang manunulat sa ilalim ni Gng. Ronelyn Austria, gurong tagapayo ng pamamahayag ng publikasyon ng Ang Matuwid, sa mga workshop at training sessions upang higit pang sanayin ang kanilang abilidad at kakayahan sa pamamahayag.
Hangarin ng naturang aktibidad na paunlarin at ipinalaganap ang kasanayan sa pamamahayag ng mga Felicians.
Kasunod nito, ang bawat kalahok ay masigasig na naghahanda upang matagumpay na mapasakamay ang panalo na sa nalalapit na DSSPC.
Ayon naman kay Triza Loureyn Cadimas, mag-aaral na kalahok sa kompetisyon, “As long as my body can handle it—I
push through, kasi marami akong natutunan sa training, marami akong nade-develop na skills through training.”
Dagdag pa niya, “Knowing that all of us are going through the same experience and hardship, knowing that I am not alone, it’s comforting.”
Samantala, aabot naman sa siyam na paaralan sa Ikalawang Distrito ng Quezon City ang siyang makipagtagisan ng galing sa pamamahayag at aabante sa Division level.
Dindo Sargento | Ang Matuwid
“Tayong mga lider na estudyante ay tumatanggap ng isang tungkulin — isang tungkuling hindi nasusukat sa kapangyarihang ating tangan, kundi sa bigat na responsibilidad na ating pasan,”
Ito ang binigyang diin ni Neil Brylle P. Garcia, Pangulo ng Supreme Secondary Learner Goverment (SSLG) matapos pormal na nanumpa ang bawat kasapi ng mga organisasyon sa naganap Mass Oath-Taking sa Judge Feliciano Belmonte Sr. High School (JFBSHS) noong ika-27 ng Setyembre, taong kasalukuyan.
Isinagawa ang panunumpang ito sa pangunguna ng mga miyembro ng SSLG kung saan iniluluklok ang mga bagong lider at miyembro ng iba’t ibang organisasyon sa paaralan.
Pinasimulan ang naturang seremonya sa pagbibigay ng pahayag ng mga nanunungkulan sa paaralan kabilang na sina Gng. Maria Gina M. Rocena, punongguro ng JFBSHS, at G. David Montales, ikalawang punongguro sa paaralan.
Kaalinsabay nito, idinagdag pa ni Garcia sa kanyang talumpati ang patungkol sa pagiging isang mapanagutang namumuno at sa pagkakaroon ng malawak na pag-unawa sa ipinaglalaban bilang pinuno.
“Ang tunay na namumuno ay hindi natutukoy sa dami ng kanyang sinabi, kundi sa lalim ng kanyang naiintindihan at sa lawak ng kanyang naipaglaban.” wika nito.
Isinakatuparan naman ng panunumpang ito ay gampanan nang maayos ang kanilang tungkulin at responsibilidad bilang mga lider at miyembro — tungo sa pagkakaisa, pananagutan, at pagpapatibay ng dedikasyon sa larangan ng paglilingkod.
Dumalo sa pagpupulong ang naging kinatawan ng Judge Feliciano Belmonte Sr. High School (JFBSHS) na miyembro ng Supreme Secondary Learners Government (SSLG) sa Multiply-Ed Local Learning Exchange na ginanap sa Ibis Styles Manila Araneta, Quezon City noong ika-31 ng Agosto hanggang ikaunang araw ng Setyembre, 2024.
Nakiisa si John Paul Nataño na miyembro SSLG, kasama ang mga iba pang lider-estudyante, advocates, educators na galing sa iba't ibang paaralan sa naturang pagtitipon.
Tinalakay rito ang isa sa naging usapin tungkol sa pagbibigay pananaw at inspirasyon sa sexual orientation, gender identity, and expression o (SOGIE).
Hangarin ng nasabing Multiply-Ed na kinabibilangan ng mga lider-estudyante ang 8 reform agenda na kung saan isinusulong ang pagkakaroon ng kalidad at malayang edukasyon para sa mag-aaral.
Kabilang sa nilalaman ng 8 reform agenda
Ang mga sumusunod: Increase the education budget and ensure accountability in its spending and utilization to address learning gaps, Expand psychosocial support and social welfare programs, and Improve the efficiency of the procurement process of infrastructure and educational materials, especially in geographically- isolated and disadvantaged areas (gida).
Kasunod nito, Strengthen the information systems in education governance and support the urgent passage of the freedom of information (foi) bill, Ensure an inclusive learning environment for students, Ensure spaces for transparent, participatory, and accountable education governance, effective, equitable, and learner-centric education, and build a resilient and crisis-responsive education system.
Ipinunto rin sa nasabing pagpupulong ng mga lider-estudyante sa isinagawang seminar ang layunin nitong ipinalaganap pa ang naturang agenda sa iba't ibang paaralan sa bansa.
Ayon naman kay Nataño, binibigyang pondo ng organisasyong Multiply-Ed ang paaralan kasapi rito at upang magamit ng paaralan, hindi man ganoon kalakihan ngunit mapapakinabangan.
"Ang multiply-ed ay nagbibigay ng pondo upang magamit ng paaralan. Hindi man kalakihan ngunit nakatutulong. Last year during the term former Pres. Akisha, nabigyan ang school ng 5k mula sa multiply ed."
Samantala, naging matagumpay naman ang naging talakayan ng mga lider-estudyante sa nasabing Workshop na magiging matibay na pundasyon sa pagsulong ng Kalidad na Edukasyon
Inimplementa ng Judge Feliciano Belmonte Sr. High School (JFBSHS) ang alituntuning dalawang seksyon sa isang klasrum upang tugunan ang kakulangan ng pasilidad sa naturang paaralan.
Pinagtuunan pansin ng JFBSHS ang kakulangan nito sa mga pasilidad kaya naman napagkasunduan pagsamahin ang dalawang seksyon sa isang klassrum para masigurong lahat ng mag-aaral ay mabibigay-tugon sa libreng edukasyon.
Ibinahagi naman ni Bb. Jemelyn Devota sa isang interbyu, guro sa JFBSHS, ang tungkol sa pagsasama ng dalawang seksyon sa isang klasrum sa kadahilanang ng kakulangan sa pasilidad na mahirap na pamahalaan kung maraming mag-aaral.
"Kukulangin ng classroom kaya need na silang dalawang magsama, hindi naman pwede isang section maraming estudyante dahil mahihirapan ang mga guro," ani Bb. Devota.
Dagdag pa nito, maayos naman ang sistemang ito para sa mga guro, bagaman mahihirapan lamang kung walang kaagapay na ibang guro sa isang pasilidad.
"Sa part ng guro, ayos naman ang implementasyon. Medyo mahirap [lang] sa part ng teacher kapag walang kasama."
Sa kabilang bahagi, nagbigay naman ng kaniyang karanasan si Liz Bolaños na nakararanas ng sistemang ito bilang estudyante.
"Masaya and medyo hassle. Masaya dahil makakapag-interact at magkakaroon ng bagong friends from other section, then hassle naman kapag may hindi pagkakaunawaan kasi lahat nadadamay."
Sa kabilang banda, sinisiguro nitong implementasyon na matutugunan ng paaralan ang kakulangan sa pasilidad at kagamitan kaalinsabay din ng pagsubok na kahaharapin ng nga guro at mag-aaral.
Nagpatupad ng "BE A BUDDY, NOT A BULLY" campaign ang Supreme Secondary Learner Government (SSLG) sa paaralang Judge Feliciano Belmonte Sr. High School (JFBSHS) upang bigyang kamalayan ang mga kapwa kamag-aral, at pagpapanatili ng kaayusan sa paaralan, nitong Setyembre, 2024.
Kaagapay ng nasabing programa ang mga Opisyales ng SSLG sa pag sugpo at pagpapakalat ng kamalayan sa paaralan.
Inihayag naman ni SSLG President na si Neil Brylle P. Garcia ang naging dahilan ng pagsusulong at pag papatupad ng naturang programa sa paaralan.
"We all know po kase na ang abuse ay naka root sa bullying, specially po sa loob ng pamantasan na makikita namin na talagang talamak maging sa iba ang different variants of bullying noh na dapat talagang ma address upang bigyang solusyon ang lumulobong kaso ng bullying." ani niya
Dagdag pa nito, kagaya na lamang ng data na nakalap sa guidance office, kaya, mahalaga ang awareness o kamalayan baka maging kaso tayo at nagiging pangunahing sangkot rito o baka manapa'y tayo pa ang nag uudyo sa mga bagay na ito. Kaya kinakampanya namin ang programang ito upang atleast mabawasan or totally mawala ang bullying related cases sa academic.
Bumuhos naman ang suporta at pasasalamat ng ibang mag aaral dahil nakatutulong ito upang mabawasan ang bullying cases sa nasabing paaralan.
"nakatulong siya for me kasi it lessen bullying cases throughout the school year and upcoming years, it also helps to create a bond towards classmates rather than being a hater or a bully" -ani ni Justin Partolan mag-aaral mula sa JFBSHS.
Bagama't naging matagumpay ang paglulunsad ng nasabing programa hinihimok pa rin ng kagawaran ng paaralan na sundin at hikayatin ang mga mag-aaral na ipagpatuloy pa rin ang kaayusan sa paaralan.
Samantala, tuloy-tuloy pa rin ang pagpapalawig ng kamalayan sa mga mag-aaral at progresibong pagtataguyod ng nasabing programa.
Isinasagawa ang programang pang-edukasyon na Alternative Learning System (ALS) sa Judge Feliciano Belmonte Sr. High School (JFBSHS) tuwing araw ng Lunes, Huwebes, at Sabado simula 9:00 AM hanggang 4:00 PM.
Layunin ng programang ito na mabigyan ng kalidad na edukasyon ang mga taong huminto na sa kanilang pag-aaral.
Itinuturo rito ang lahat ng asignaturang pinag-aaralan ng mga estudyante mula ika-7 hanggang ika-10 baitang.
Kasabay nito, ipinapabasa at ipinasusulat din ang mga mag-aaral ng programang ito upang malaman kung hanggang saan ang alam at kayang gawin ng isang mag-aaral matapos huminto sa pag-aaral.
Nakatulong ang ALS sa mga mag-aaral ng JFBSHS sapagkat nagkaroon pa sila ng pagkakataon upang matuto at magkaroon pa ng mga bagong kasanayan at kaalaman.
"[Noong] una [ay] naninibago [ako], and mas masaya naman kasi bumabalik [na] ako sa dati na laging active [sa klase],” ani ni Johnpaul Marquez, isang mag-aaral mula sa ALS.
"[Ang] experience ko sa ALS ay support lagi [ang] mga teacher ko kasi habang nagtatrabaho ako [ay] nag-aaral [din] ako. At the same time, may time [pa] ako para gawin [ang] mga kailangan ko [gawin]. At hindi lang ’yun kasi meron ding mas matanda sakin na tinutulungan ako," ani ni Johncris Erfe, isa ring mag-aaral mula rito.
Gayunpaman, maari na silang kumuha ng Accreditation and Equivalency Test kapag natapos na sila mag-aral sa ALS upang magkaroon sila ng katumbas na baitang na nakabase sa kanilang mga edad.
Bilang tugon sa pagbangon at pagtulong sa mga apektado ng bagyong Carina, idinaos ang ikalawang wave ng Oplan Damayan sa Judge Feliciano Belmonte Sr. High School (JFBSHS) noong ika-31 ng Agosto 2024, kung saan 500 benepisyaryo ang nakatanggap ng relief goods.
Kasama ang Barangay Holy Spirit sa limang barangay mula sa Quezon City na tumanggap ng tulong dahil sa pananalasa ng bagyo.
Nakatanggap naman ang bawat pamilya ng limang kilong bigas na maayos na ipinamigay ng mga kawani ng barangay upang masiguro ang maayos na distribusyon.
Naisakatuparan ang Oplan Damayan sa pakikibahagi ng mga tagapangasiwa ng nasabing paaralan at sa tulong ng mga donasyon mula kay Mikey Belmonte at iba pang pribadong organisasyon.
Tinatayang aabot sa 2,500 benepisyaryo mula sa buong ikalawang distrito ang makakatanggap ng tulong, kabilang ang mga barangay ng Bagong Silangan, Commonwealth, Batasan Hills, at Payatas.
Samantala, noong ika-3 ng Agosto, isinagawa ang unang wave ng programa ng Oplan Damayan sa Bagong Silangan kung saan 900 benepisyaryo ang nakatanggap ng tulong.
Kaalinsabay nito, dahil sa mapaminsalang dulot ng kalamidad, inaasahang magpapatuloy ang programa kung may mga donasyon mula sa mga pribadong organisasyon at iba pa.
Ipinagdiwang ng mga Felician sa Judge Feliciano Belmonte Sr. High School (JFBSHS) ang Hangeul day sa pamamagitan ng pagsasagawa ng iba't ibang aktibidad na nagtatampok ng kultura at wika ng bansang Korea nitong ika-9 ng Oktubre, 2024.
Isinagawa ang pagbibigay-pugay para kay Sejong the Great na kilala na tagapagtaguyod ng alpabetong Koreano.
Pinangunahan ang programa ng kawani ng paaralan kabilang na ang mga guro mula sa Special Program Foreign Language na si Bb. Joan Soriano at Bb. Karen Bayucan, tagapangasiwa ng naturang kaganapan.
Nagpamalas ng talento ang mga Felician at mga guro sa pamamagitan ng pagsasayaw, pagkanta at pagpaparada habang ibinibida nila ang kanilang mga kasuotan na tinatawag na hanbok na tradisyonal na kasuotan sa Korea.
Nilinaw ni Bb. Joan Soriano na hindi naman obligado na bumili nito at nagbigay ng maikling mensahe kung paano nila inihanda ang mga lalahok.
“You have to remind them first kung ano yung kailangan nilang gawin all thoughout from the very first day,” aniya.
Dagdag pa nito, “Second, you have to inform them it's not obligatory to buy one. If gusto naman nila, edi go and if not, okay lang din.”
Sa kabilang banda, ayon naman sa naging panayam kay Bb. Bayucan, ipinaliwanag nito kung bakit ipinagdiwang ang ganitong mga programa na kaalinsabay rin ng Buwan ng Pagbasa.
"We celebrate the Hangeul Day to give tribute to King Sejong the Great, the great who created the Korean alphabet, and at the same time to exercise the language competencies of the students and to showcase Korean culture," ani ni Ma'am Joan Soriano.
Itinaguyod ang aktibidad sa tulong ng kooperasyon ng mga guro at estudyante na may layuning palalimin at sanayin ang kakayahan at kaalaman ng mga mag-aaral sa wika at itaguyod ang kulturang Koreano.
Sumabak ang ilang miyembro iskawt sa Judge Feliciano Belmonte Sr. High School (JFBSHS) sa Emergency Service Training Course (ESTC) na isinagawa noong ika-13 hanggang ika-15 ng Septyembre at ipagpatuloy naman noong ika-26 hanggang ika-27 Septyembre 2024 sa Makiling National Scout Reservation.
Isinagawa ang naturang training upang mapaigting ang kanilang kaalaman sa first-aid at mahubog ang kanilang kasanayan sa pagliligtas at pagresponde sa mga sakuna.
Lumahok sa ESTC ang 11 miyembro ng scout na sina Maria Arizala, Venturer scout, 12-Del Pilar, Jerald Linga, Venturer scout, 11-Hernandez, Chris Pilande ; Venturer scout, 11-Amorsolo, Christian Dacanay ; Venturer scout, 10-Topaz, Vince Albay ; Venturer scout, 12-Amber, Franklie Abaja ;Venturer scout, 9-Abundance.
Kabilang din sumabak sa training sina John Altubar ; Venturer scout, 10-Aquamarine, Rain Hillis ; Outdoorsman, 9-Respect, Sainry Purisma ; Outdoorsman scout, 9-Modest, Cairo Castro ; Outdoorsman scout, 8-Rose, Jowee Colina ; Outdoorsman, 9-Tolerance.
Ayon naman sa kay Rain Hillis isang Felician scout sa JFBSHS, naging mahirap at pagod sa pag eensayo ang kanilang naranasan ngunit, masaya pa rin ang naging karasanan nila sa nasabing training.
“Mahirap talaga yung ESTC. Hindi biro yung pagod at training, pero masaya kasi nakapag halubilo kami sa ibang scouts na galing ibang paaralan.”aniya.
Upang makasali sa Emergency Service Training (ESTC) nararapat lamang na nasa rangong Outdoorsman, Venturer at Eagle Scout ang mga scout na nagnanaiis na makasali sa Emergency Service Training (ESTC). Kinakailangan din ang pagsangayon ng mga magulang ng mga scouts na sasali sa Emergency Service Training (ESTC).
Nagsagawa ng National Learning Camp (NLC) ang Judge Feliciano Belmonte Senior High School (JFBSHS) sa loob ng tatlong linggo, nagsimula ito mula ika-2 hanggang ika-20 ng Setyembre, 202
May tatlong learning camps na nakapaloob sa NLC na naayon sa iba't ibang antas ng mga mag-aaral ngunit dalawa lamang sa uri na ito ang ipinatupad ng paaralan — ang Consolidation at Intervation Camp.
Sa ilalim ng Consolidation Camp, dito pinapalalim ang kaalaman ng mga estudyante at magbigay ng dagdag na suporta upang mapabuti ang kanilang pangkalahatang pagganap sa akademiko.
Habang ang Intervation Camp ay may adhikain na tulungan ang mga estudyanteng nangangailangan ng karagdagang tulong sa iba't ibang asignatura, lalo na ang Mathematics, English at Science.
Mayroong 599 na estudyante ang lumahok sa Consolidation Camp habang 196 naman ang boluntaryong lumahok sa Intervention Camp.
Gayundin, ang mga guro ay boluntaryong nakilahok upang turuan ang mga estyudante at magbigay ng mga aktibidad na naglalayong palalimin ang kanilang pag-unawa, magbigay ng motibasyon sa pagpasok at higit pang palawigin ang kanilang kaalaman.
Ayon kay Ginoong Julius Pellero, isang guro mula sa asignaturang English, “Every different classes, 40 mins ’yung turo na may 3 sessions sila. Nando’n na ’yung volunteer teacher para maturo ang mga concepts na kailangan nila malaman.”
Dagdag pa niya, “After no’n, syempre may interactive activities, ito na ’yung mga out of the box. This activity is to encourage students na umattend ng kanilang klase at makilahok sa games, collaboration at higit pa.”
Sa pagsisimula ng taon, layunin ng JFBSHS na mapunan ang nawalang kaalaman ng mga estudyante dahil sa pandemya tungo sa makabuluhan at maayos na pag-unlad ng edukasyon maging sa susunod pang mga taon.