Paras, kampeon sa District II On-the-Spot Oratorical Contest
Paras, kampeon sa District II On-the-Spot Oratorical Contest
Kinoronahan bilang kampeon si Kent Eugene B. Paras ng JFBSHS sa On-the-Spot Oratorical Speech sa Batasan Hills National High School noong Oktubre 15, 2024, sa temang 'Comprehensive Sexuality Education,' na nagdala ng karangalan sa paaralan.
Paras, kampeon sa District II On-the-Spot Oratorical Contest
Dindo Sargento I Ang Matuwid
Itinanghal na kampeon ang pambato ng Judge Feliciano Belmonte Sr. High School (JFBSHS) na si Kent Eugene B. Paras ng 10-Diamond sa On-the-Spot Oratorical Speech na may temang "Comprehensive Sexuality Education" na ginanap sa Batasan Hills National High School (BHNHS) nitong ika-15 ng Oktubre, 2024.
Bumida ang naging kinatawan ng paaralan matapos masungkit ang unang pwesto sa On-the-Spot Oratorical Speech laban sa anim na paaralang lumahok din sa nasabing patimpalak.
Sa isinagawang interview kay Paras, inamin niyang naging mapanghamon ang pagsisikap na maabot ang pagkapanalo dahil nagkasabay-sabay ang kaniyang iskedyul bago pa maganap ang patimpalak.
"[Nagsabay-sabay na schedule], yung training ko rin sa nalalapit na Press Conference sa Journalism sa November 16 [at] yung sa mga skills na kailangan kong i-enhance pa sa performance ko sa araw ng Oratorical Contest,” aniya.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Paras sa tulong ng kaniyang gurong tagapagsanay na si Gng. Loime Jornadal, gayundin sa mga taong nagbigay ng tiwala sa kanyang kakayahan na sina Gng. Melda C. Medina, puno ng kagawaran ng Araling Panlipunan, at Ginang Maria Gina Rocena, punongguro sa JFBSHS.
"Sobrang honored [ko] lalo na sa mga nag-train at sumuporta sa akin. Maraming salamat sa opportunity na binigay sa akin ng school, especially ni Ma'am Loime na naging coach at trainer kopo,” dagdag pa niya.
Punong-puno naman ng pasasalamat at kagalakan ang iniwang pahayag ni Gng. Jornadal.
"Syempre masaya [siya]. Actually, kabado ako kasi ’yung isa sa naging kalaban niya is yung dating champion. Actually, hindi ko pa nakikita sa kanya na mananalo siya pero dahil nakikinig naman siya [at] nadaan [din] sa practice, na-perfect.”
Ani pa niya, "Masaya ako para kay Kent. Nagpapasalamat [din] ako kasi nagdala siya ng karangalan sa school pero hindi pa natatapos [dito] dahil may Division Contest pa."
Samantala, aabante naman si Paras para sa Division Oratorical Contest na gaganapin sa Quezon City High School (QCHS) nitong ika-16 ng Nobyembre.