Search this site
Embedded Files
Ang Matuwid
  • Home
  • Balita
    • No I.D No Entry, ipinatupad sa JFBSHS
    • Paras, kampeon sa District II On-the-Spot Oratorical Contest
    • Cortezo, Umarangkada sa Ikatlong Pwesto sa Sulat-Bigkas ng Talumpati
    • JFBSHS, kaayusan at seguridad sa daan — pinaigting!
    • Felicians, nakiisa sa Anti-Bullying Campaign
    • Flores, Ang, Erro humakot ng parangal sa Joy of Public Service and Academic
    • Mass Oath-taking, isinagawa sa JFBSHS
    • SSLG, Nakiisa sa Multiply-Ed local Learning Exchange; Nataño, Kinatawan ng
    • KAKULANGAN SA KLASRUM, TINUGUNAN: Isang silid sa dalawang pangkat, inimplem
    • Awareness Campaign sa JFBSHS, ipinatupad ng SSLG officers
    • Relief Goods, Ipinamahagi sa 500 Pamilya Hatid ng Oplan Damayan
    • Hangeul Day, ipinagdiwang ng Felicians
    • 11 Felicians scout, Sumabak sa ESTC!
    • JFBSHS, nagsagawa ng NLC
    • Mahihinang kasanayan , tinugunan; recovery classes tinutukan
  • Lathalain
    • Grado ng dulong ng buhay ko
    • Kendispirasyon
    • Qucci Bag: Pasan ng bawat Felician
    • Parada ng mga Numero, Kamot sa aking Ulo
    • Nutri-TATAG
    • Hindi lamang utak ang nilalagyan ng laman, kung hindi ang ating tiyan din.
    • FELICIAN, MATATAG INSIDE OUT?
    • Ginintuang lunggati
  • Opinyon
    • Kalupitan sa Ngalan ng Katarungan
    • Balakid sa Katarungan
    • Isang kaibigan o isang katiwalian?
    • Boses ng mga Biktima
    • Isang Hakbang Tungo sa Kaayusan
    • Dugo ng Katotohanan
    • Higit pa sa Numerong Nakasulat
    • Isang Panloloko sa Bayan?
    • “Mag-aral ay ‘Di Biro, Maghapong Nakayuko”
    • Pagkatuto nang Walang Limitasyon
    • Matatag sa MATATAG pero Titibag
    • Maging mata sa mga bulag
    • HAMON SA UNOS
    • Pagsilip sa Pag-asa
    • Pangakong Hindi Na Mapapako
    • Papel ng Kabataan
    • Tulungan o Mas Lalong Pahirapan?
  • Agham
    • Teenage Pregnancy, Pumalo ng 35% sa Pilipinas
    • JFBSHS Kaisa sa Bakuna Eskwela
    • Nag-aapoy na Pugad
    • Sierra Madre : Maasahan, Katulong ng Sambayanan!
    • BAbala, Gambala, kalbarYO
    • I am Ready!
    • "Isko" parato
    • Ginintuang Likidong Isang Patak Isang Katutak
    • Vape and Drugs : Eviction Night ng mga Bad Habits
    • Kailan makakamit, walong oras para sa paghimlay?
    • Kita kita
    • Halinghing ng aking ina para sa puso ng Negros
    • Pagmamahal ko sayo'y bigong-bigo; AI aking sinta
    • STRESS: Nakakaapekto nga ba ang stress sa mga mag-aaral?
    • Gastos sa bulsa o ligtas sa pangamba?
  • Isports
    • Felician Smashers, Nakipagsagupaan sa District Athletic Meet 2024
    • Felicians, wagi sa Athletics Congressional District 2 Meet 2024
    • JFBSHS Chess players, Todo-ensayo para sa District Meet!
    • Sports section, inilunsad na; mga atletang mag-aaral hahasain pa!
    • Men's Volleyball Try-outs, Pinatunayan ng mga Spiker!
    • MalaKI ANg Pinaghuhugutan
    • Sapatos
  • Patnugutan
Ang Matuwid

Grado ng dulong ng buhay ko  

"Gusto kong ibigay ang buhay na gusto mo…"



    Bawat araw ay siyang tibas ng aking buhok na tila'y walang humpas na halos buong buhay ito na ang alay. Sa aking paghihirap at alay kong dugo't pawis, makakamit ko pa ba ang ekspektasyon ng iba na tunay na nakatatangis? Ano ako kung wala ang gradong pasok para lamang magka-medalya? Para saan pa ang aking inilalaban kung ang pluma ko'y tuyo't lantay na.


    Tuwing hating gabi kasama ang aking bolpen at papel ay kasangga para maipasa ang mga asignatura't awtput. Kaantabay ang aking kape para lamang magising ang aking diwa. Gahol na ang aking oras, may panahon pabang matulog? Ano ang aking uunahin para sa medalya't sertipikong aking hinahangad.


    Kinabukasan, sa bawat bigkas at paalala ng aming mga guro ng grado, tibok naman ng puso ko ang umaalab. Paano kung ako 'yon? Ano ang aking gagawin? Gulong-gulo na ang aking isip kung kakayanin pa ba tungo sa karangalan.


    Habang papalakad hindi na mawari kung ano ang nangyayari. Iniisip kung kakayanin pa ba at makaka-usad pa sa patutunguhan. Nililibang ko na lang ang aking sarili para hindi na isipin ito, ngunit kahit anong gawin hindi mataktak sa aking isipin. Kay hirap kalimutan ang aking narinig na tila'y guguho na ang aking pagkatao.


    Malapit na ang inaabangan ng iba, ngunit ako naman ay takot na takot na tila'y nasasakal na. Hindi makahinga at makatayo sa aking higaan. Magmumukmok nalang ako maghapon sa aking kuwarto para matahimik ang aking isip kahit ngayon lang ngunit bawat lagabag ng yapak papunta sa aking kuwarto ay gayun din ang tibok ng aking puso.


    Sa pagbukas ng pinto, tila'y hindi masilayan ang na sa harapan ko. Hindi ko na marinig ang mga nangyayari at ang aking grado! "Pagbati aking anak!", huling bigkas ng aking narinig ngunit para saan pa? Tila 'tong pluma kong ipinagmamalaki ay lantay na kasama sa aking pagtumba.



Kendispirasyon

Sa isang silid-aralan sa Judge Feliciano Belmonte Senior High School (JFBSHS), may isang guro na hindi lang aralin ang tinuturo kundi pati na rin ang mga halaga at prinsipyo sa buhay. Siya ay nagbibigay inspirasyon at humuhubog sa mga kabataan, tumutulong siyang abutin ang pinakamatagumpay na bersyon ng kanilang mga sarili. Siya ang itinuturing na "Kendisipirasyon" ng mga mag-aaral—isang guro na tumatak sa kanilang puso at isipan. Siya si Ginang Ronelyn Austria, guro sa Filipino at tagapayo ng publikasyong "Ang Matuwid".


    Si Gng. Austria ay mayroong karanasan sa pahayagan dahil siya ay nagsimulang mag-aral nito noong siya ay 13 taong gulang pa lamang. Mula pagkabata, hangad niya na ang maging isang guro ngunit pinangarap niya ring maging isang mamamahayag kagaya ni Kara David. Sa pagsusumikap, nakamtan niya ang kaniyang mithiin, ang pagiging isang ganap na guro. Sa kasalukuyan, siya ay nagtuturo ng Filipino at Pamamahayag sa mga kabataan sa sekondarya.


    Bagaman siya ay nagtuturo ng asignaturang Filipino kasabay ng Pamamahayag, siya ay hindi tumatanggap ng karagdagang sahod. Ang pagbibigay niya ng dobleng pagsusumikap ay parte pa rin ng kaniyang tungkulin bilang isang guro sa sekondarya. Ayon sa kaniya, ang bawat kaguruan ay mayroong nakatalagang lima hanggang anim na kargada o gampanin sa loob ng paaralan.


    Kilala si Gng. Austria sa pagiging masiyahin at mabait na guro, mayroon siyang mabuting ugnayan sa kaniyang mga estudyante dahil siya ay tunay na madaling kapalagayan ng loob. Sa kabila ng kanyang makulay na personalidad, siya ay mayroong paninindigan at prinsipyong pinangangalagaan. Siya ay naniniwala na hindi dapat natin husgahan ang isang bagay sa kung paano siya husgahan ng ibang tao. Kaugnay pa niyan, hangad niyang maiwaksi ang maling pag-iisip ng mga Pilipino. Partikular ang hindi pantay na pagtingin ng tao sa kanilang kapwa at pagbibigay ng patas na pagpapahalaga sa bawat isa.


    Ang taglay niyang katangian ay parang isang kendi—matamis na sa unang kagat ay tila walang kapantay, ngunit may taglay na tibay na kayang sumabay sa kahit anong pagsubok sa buhay. Siya ay may pusong kasing lambot ng bulak, ngunit ang kanyang mga paninindigan ay parang bato—hindi kailanman magigiba. Sa kanyang klase, ang bawat aralin ay hindi lamang nagiging kaalaman kundi nagiging isang paglalakbay.


 Parang isang sining, binubuo ni Gng. Austria ang kaniyang mga turo na may kulay at damdamin, kung saan ang bawat mag-aaral ay may pagkakataong ipahayag ang kanilang boses at ideya. Sa bawat talakayan, nagiging buhay ang mga ideya at ang silid-aralan ay tila isang entablado kung saan ang mga mag-aaral ay nagsasayaw ng kanilang mga pangarap, natututo mula sa isa’t isa at lumalago bilang mga indibidwal.


    Siya ang ilaw at gabay ng mga kabataan, isang huwaran na hindi lang nagtuturo kundi humuhubog ng mga mag-aaral ng JFBSHS upang maging matatag, marangal at handang harapin ang kahit anong hamon ng buhay. Tunay ngang si Gng. Austria ay hindi lamang guro—siya ay isang inspirasyong buhay na patuloy na nag-aalab sa puso ng bawat estudyante.


Qucci Bag: Pasan ng bawat Felician

Plantsadong uniporme, check! Mga baong takdang-aralin, check! Burok sa pisnging pak na pak, check! Isang mag-aaral sa Judge Feliciano Belmonte Senior  High School (JFBSHS), handa na pumasok! Oops, s'yempre hindi makalilimutan ang backpack na tangan—ang QC bags na pasan ng bawat Felician. Ito ang laban ng bawat Felician sa mga mamahaling bag. Hindi man mahal ang presyo, mahal naman ng mga Feliciano.


    Kinang ng mga dilaw at asul na uniporme ang bumabalot sa kalye ng Holy Spirit sa tuwing klase ay magbubukas. Ang matingkad na uniporme ay sinamahan pa ng pulang-pula na regalo mula kay mayor Joy Belmonte. Forda rampa ang daan-daang mga Felician na hawak ang kanilang QC bags. Ito'y kalaunang binansagang Qucci bags na tila itatapat sa Gucci bags! Hindi man gawa sa mamahaling materyales gaya ng Gucci, tangan naman nito ang pag-asang susi sa maayos na edukasyon.


    Qucci here, Qucci there, Qucci everywhere! Pulang kinang ng mga  backpack ay tunay na bagay sa asul at dilaw na uniporme ng mga mag-aaral sa JFBSHS. Nakapaloob dito ang pangarap na bitbit ng bawat estudyante.


    “I’m so grateful na they took actions to distribute these school supplies especially naman na not everyone is privileged to buy school supplies. Nakakatanggal na rin siya sa pasanin sa mga students na kapos-palad.” Iyan ang bulalas ng mga labi ni Triza Cadimas, isang mag-aaral mula JFBSHS na nakatanggap ng QC bag. 


    Hindi maipinta ang bawat ngiting nasa mga labi ng mga mag-aaral matapos makatanggap ng biyayang bag. Ipinagmamalaki nilang bitbitin ang isang simbolo ng kanilang pagkakakilanlan bilang isang batang kyusi na naglalakbay patungo sa libo-libong pangarap. Ang pulang backpack na ito ay isang hakbang patungo sa kalayaan--patungo sa tunay na kaalaman. 


    Plantsadong uniporme, check! Mga baong takdang-aralin, check! Burok sa pisnging pak na pak, check! Isang mag-aaral sa JFBSHS, handa na pumasok tangan ang baong pangarap na nakakubli sa loob sa aking pasan na Qucci bag. Pasan man sa mga balikat ang bigat, regalo naman itong maituturing na sa bawat isa ay mag-aangat.


Parada ng mga Numero, Kamot sa aking Ulo

Tanghaling tapat ako'y gumagawa ng aming takdang-aralin, kausap ang aking kuwaderno na pilit inuunawa ang mga numero sa sipnayang ako'y gulong-gulo. Tangan ko ang kaibigan kong bolpen at kasangga kong papel sa gilid ng aking lamesa. Apat na pahina pa ang sasagutan ko, matatapos ko kaya ito? gayong ngayong araw lamang ito binigay at kinabukasan ang pasahan? 


       Kamot sa ulo, buntong hininga ang maririnig mo sa aking kuwarto. Lumalalim na ang gabi, hindi pa rin ako nakakausad. Nasa ikalawang bilang pa lang ako, ''Ano ba 'to x plus Five squared?'' Bakit ba kasi may ganito pang mga pa-andar ang DepEd? Dahil ba sa tayong mga Pilipino ay mahina sa mga lohikal na pagresolba ng mga simpleng numero? o gusto lang nilang umusad tayo sa resulta ng Programme for International Student Assesment (PISA) na nasa dulong ranggo na ang ating bansa? 


    Ah! basta matutulog na'ko kanina pa ako nagsasagot dito sasapit na ang madaling araw ni hindi pa nagpapahinga ang aking mga pagod na kalumatang kanina pa nakikipagtitigan sa mga  numerong hindi mag resolba ng kanilang mga problema. Nilagay ko na ang mga kaibigan kong papel at bolpen sa kanilang bahay silid upang ako'y makapagpahinga na at makapag-ipon ng lakas sa panibagong pakikibaka na naman sa bawat asignatura.


      Sinag ng araw at arangkada ng mga sasakyan ang nagsilbi kong panggising sa tulog kong diwa. Kumain at naghanda na ako sa aking pagpasok. Nga pala, yung mga sasagutan ko pa sa sipnayan tungkol sa programang National Mathematics Program (NMP) ng DepEd hindi ko pa natatapos! 


      Pumasok na ako sa aming silid, gayundin ipinapasa na ang aming kuwaderno sa NMP, 

pagkatapos magwasto ay wala pa sa kalahati ang aking naging iskor kaya naman malaki ang epekto nito sa aking magiging performance sa school. Ipinahayag at Ipinaliwanag sa amin ng aming guro kung bakit at para saan ang aming ginagawa at kung bakit nga ba kami naglalaan ng ilang minuto kada uwian para sa gawaing ito. Ang nasabing programa pala ay inimplenta ng DepEd sa lahat ng paaralan at mag-aaral sa ating bansa, dahil ito sa datos na inilabas ng PISA 

ngayong taon. 


    Ayon sa aming guro, ang PISA ay isang pandaigdigang pag-aaral ng Organization for Economic Co-operation and Development sa mga kasapi at di-kasapi na bansa upang suriin ang mga sistema ng edukasyon sa pamamagitan ng pagsukat ng kasanayan at kakayahan sa matematika, agham at pagbabasa ng mga 15-taong-gulang na mag-aaral sa paaralan.Ang ating bansa ay nasa dulo na ng listahan kaya't isinagawa ito upang tumaas ang ating ranggo at hindi na madagdagan ang mga pilipinong nagtatapos ng pag-aaral nang hindi kayang mag sagot ng simpleng katanungan tungkol sa mga numero. Muling sumisigaw at nabuhay ang mga tinig at boses sa aking isipan. Agad akong napatanong na ''Dito lamang ba binabase ng DepEd ang kakayahan at kasanayang nating mga Pilipino? Paano namang ang iba na sadyang kahinaan ang sipnayan at magaling naman sa mga dalubhasang pangkabuhayan? Nakakalungkot lamang kung tutuusin na maraming Pilipino na hirap sa ganitong mga sitwasyon.


    Layunin man ito ng kagawaran ng ating edukasyon na palawakin, ngunit sana’y lahat ng kabataan ay natututukan nang maigi at laging nasusubaybayan upang umusad tayo sa ranggo kahit papaano. Mapagkalooban sana ang mga kabataan na tulad ko ng kakayahan at kasanayan sa larangan ng Matematika at magamit namin ito balang araw sa pag-abot ng aming mga pangarap.


      Umuwi na ako pagkatapos ng mahabang araw ng talakayan, naalala ko na lagi na pala kaming may ganitong gawain kada linggo kaya naman dapat ko nang gawin ang mga gawain upang hindi ako matambakan at magsabay-sabay ang pagpapasa ng mga gawain sa itinakdang araw. Pagkatapos mag balik-aral ay iniligpit ko lang ang mga gamit ko at kasangga sa araw-araw sa eskwelahan upang muli na namang makipagsapalaran sa panibagong paksa na pag-aaralan namin Bukas. Kahit nagpapakamot ng ulo ko ang Nmp ay wala naman akong magagawa kundi sundin ang ibinigay ng aming paaralan. Humiga na ako sa lugar ng aking imahinasyon at ipinahinga ang pagod kong diwa. ‘’Nmp, Nmp, bakit ka ginawa, parada mo sa kwaderno’y nakayayamot, kamot ka sa aking ulo!’’.


Nutri-TATAG 

Kalbaryo ni Felice


    Pagod, puyat at gutom ang mga pangunahing danas ni Felice dahil sa walang katapusang mga gawain. Dagdag pa nito ang tanong sa sarili na "Paano kung bumagsak ang aking grado sa iba't ibang asignatura?" Sa sunod-sunod na mga aktibidad na ipinapagawa ng kaniyang mga guro ay hindi na niya alam kung ano ang uunahin, sumabay pa rito ang samu't saring utos ng kaniyang ina at mga responsibilidad na kailangang gawin sa loob ng bahay. Ang tanging katanungan na lamang niya sa mga panahong iyon ay "Maging lantang gulay kaya ako at tuyot na dahon? O kaya naman ay maging sariwang gulay at prutas?" Ni wala man lang siyang sapat na tulog dahil kailangan niyang tapusin ang mga gawain sa walong asignatura. Umaga't gabi ay sadsad ang katawan, walang katapusang pagsulat, pag-eensayo at pagmememorya para sa darating na pagsusulit. Ang paaralan na ang nagsisilbing tahanan at bakasyunan na lamang kung ituring ang kanilang bahay.


    Sa kabila nito, ang tanging pinagkukuhanan ni Felice ng lakas at pahinga ay ang pagkain ng paborito niyang sinabawang gulay, sa unang paghigop pa lamang ay ramdam niya na ang kasiyahan at kaluwagan sa kaniyang puso. Ang mga ito kasi ay nagtataglay ng Go foods na pampasigla, Grow foods na pagkaing pampatangkad at Glow foods na pananggalang sa sakit. Kaya hindi nakakapagtaka na kahit sunod-sunod ang mga gawain ay nakakayanan niya pa rin. Tunay na makulay ang buhay kung may sinabawang gulay! Pero naisip mo rin ba na kung paano kung walang gulay? Ano na lamang ang magsusuplay ng bitamina at mineral na kailangan para sa kalusugan? Tuluyan na kayang magiging lantang gulay si Felice?  


    “Malusog na kinabukasan ay siyang dulot ng edukasyon at kalusugan." Ito ay isa sa mga pundasyon sa matatag na nutrisyon. Bilang estudyante tulad ni Felice na walang sawang nakikipagsapalaran sa madugong labanan na tagisan ng katalinuhan at pagpupursigi para sa pangarap, ang nutrisyon ay mahalaga. Ang mga gulay at prutas ay bukod tanging nagbibigay sustansiya at bitamina sa katawan upang maging malakas at matatag. Nutrisyon ang nagsisilbing sandata’t panlaban mula sa mga sakit. 


    Pagod, puyat at kulang man sa tulog, ang gulay at prutas naman ang siyang umaalalay at sumusuporta dahil pinupuna nito ang kakulangan sa ating kalusugan. Mahirap ang magkasakit dahil ito ay humahadlang na makapag-aral nang mabuti at nakakasagabal ang mag-aral kung walang laman ang tiyan dahil sumasalamin ito na walang papasok sa iyong utak dahil hindi ito makakapagproseso nang maayos. Kaya naman, "Pagkain ng tama ang solusyon, wastong nutrisyon ay isulong."


    Paminsan-minsan mang hindi maipinta ang mukha ni Felice ay mas madalas naman na siyang masigla dahil sa dulot ng gulay. Ito ay mataas sa bitamina na makatutulong sa ugat na nakababawas sa stress. Hindi sapat ang pag-aaral lang, kinakailangan ding kumain para mapanatiling malusog,masigla at malakas. Ika nga nila "Life is food, food is life" pero kailangan na ang pagkain ay masusustansya tulad ng gulay, isda, karne at prutas dahil ito ay nakatutulong sa pag-unalad ng sariling kalusugan at sa edukasyon. Kaya naman, ang pagkain mo ba ay tama? Ito ba'y masustansiya?


    Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong pangunahing kinakain? Ito ba ay Milk tea, Pancit Canton, Tsitsirya at Softdrinks? Alam mo ba na ang mga ito ay maaring maging sanhi sa pagkasira ng iyong kalusugan at hindi makatutulong sa iyong pag-aaral. Ang mga ito ay may mataas na calories mula sa sugar o fat at nagtataglay ng mababang components with nutritional value, tulad ng dietary fiber, protina, bitamina at mineral. Kung saan ito ay pumipigil sa katawan mula sa pag-absorb ng mga mahahalagang sustansya na tumutulong sa pag-function nito.

Maaari rin itong magdulot ng mga problema sa kalusugan na p'wedeng magresulta sa ilang malalang sakit sa hinaharap. Nutrisyon ang nagsisilbing sandata at panlaban sa sakit. Kaya naman, mahalaga na ang NUTRISYON ay isaisip upang EDUKASYON ay bumuti na siyang susi sa tagumpay. 


    Sa pagsasabuhay ng nutrisyon hindi lamang mapapabuti ang pisikal na kalusugan, kundi pati na rin ang ating mental na kakayahan. Magkakaroon ng mas mataas na konsentrasyon, mas mahusay na memorya at mas matatag na emosyon. Lahat ng ito ay magbibigay-daan na harapin ang mga hamon sa pag-aaral at makamit ang mga pangarap. Sama-samang magsikap na bumuo ng isang matatag na henerasyon, isang henerasyon na malusog, edukado at handa na harapin ang hinaharap. Kumain ng gulay para sa matatag at makulay na buhay! 



Hindi lamang utak ang nilalagyan ng laman, kung hindi ang ating tiyan din

Sa pagtapak sa loob ng paaralan, alam nating naroon tayo upang magkaroon ng makabagong kaalaman. Ang pakikinig sa bawat asignatura upang matuto ay sadya namang nakakapagod at nakakagutom. Hindi dapat hinahayaan ang kumukulong tiyan kaya nama'y nariyan ang kantina ng paaralan para sa iyong kagustuhan.


Isa rin sina Melody A. Atillano at Angel Aquino sa mag-aaral ng Judge Feliciano Belmonte Senior High School (JFBSHS) o mas kilala rin bilang "Hukom". Magmula nang sila'y nasa ikapitong baitang ay narito na sila sa paaralan. Kanilang nasilayan ang unti-unting pag-unlad ng paaralan sa paglipas ng mga taon.


Isa sa mga nagbago sa paaralan ay ang kantina. Wala silang araw na pinalagpas sa kanilang pagpunta rito nang magkasama kaya nama'y tinagurian na silang "cantwins" sapagkat kailanma'y di sila mapaghihiwalay. Wala ang mainit at masikip na espasyo sa loob ng kantina-ang tanging nasa isip nila ay ang masarap na pagkain na tinitinda. Handang makipagbakbakan sa tila mo'y giyera para lamang makuha ang premyo na sa kanila ay tiyak na makapagpapasaya.


Sa kantina, masisilayan ang mga bagong hain na tiyak na makakapagpagana sa mga mag-aaral ngunit tatlo ang pinakatumatak sa mga estudyante — ang palabok, carbonara, at kalamares. Kitang-kita ang palabok na may kasamang itlog na nagbibigay sa atin ng lakas upang magpatuloy pa sa buhay. Nariyan din ang bago nilang carbonara na handang samahan ka sa tuwing ika'y may problema. Hindi rin magpapatalo ang kalamares na nakakapagpasaya lalo na kapag may kasamang kachikahan na tropa. 


Ang mga pagkain na ito ay masasabing pak na pak! Unang kagat at malalasap mo ang tunay na sarap. Ika'y magiging busog lusog para magpakabog sa mga hamon sa ating buhay. Kaya naman i-push mo lang nang i-push at makakamit mo rin ang iyong mga pangarap.



FELICIAN, MATATAG INSIDE OUT?

Do you ever look at someone and wonder—what is going on inside their head?

Lunes na naman, panibagong araw na naman sa skwela—dahilan ng umaapaw na emosyon sa Headquarters ng utak ng isang Felician, isang mag-aaral mula sa Judge Feliciano Belmonte Sr. High School. Ngunit teka, dahil iba ang taong panuruang ito kumpara sa mga nagdaan. Di gaya ng noon na K-12, may bagong aarangkadang kurikulum—ang Matatag Curriculum. At dahil may new curriculum, new emotions are in the air!


“This is Joy, coming from you live in Felician's mind! And we are expecting a new curriculum today in Judge Feliciano Belmonte Sr. High School! Felician’s in! Get up on your feet and MAKE SOME NOISE!” 


Meet Joy, isa sa mga pinakaunang emosyon ni Felician. Umaapaw sa tuwa at hindi na makapaghintay na maranasan ang pag-aaral sa bagong kurikulum! Hindi mapawi ang kaniyang ngiti sa mga pangakong sambit ng Matatag Curriculum. Binawasan ang mga asignatura na nagbigay-daan upang makatuon sa saligan ng pagkatuto sa pagbasa, siyensya at matematika. Sabik si Joy dahil para sa kaniya, ito ang kailangan ng ating bansang lugmok sa akademiko at laging kolelat sa pandaigdigang ranggo. Para sa kaniya, ang panibagong kurikulum na ito ang pag-asa ng mga kabataan na pundasyon ng bayan.


“That’s Anger, he cares very deeply about the past curriculum.” 


“That’s how you’re gonna play it, old man?!” 


Meet Anger, pulang-pula sa galit! Sa mata ng marami, ang Matatag Curriculum ay tila isang estruktura ng progreso—matayog, maayos, at puno ng pangako. Ngunit sa puso ni Anger na nasisilayan ang mga estudyanteng araw-araw hinaharap ang bagong sistema, ito’y isang dingding ng pagkabigo. Ang galit nila ay hindi simpleng bugso ng damdamin; ito’y alingawngaw ng pagkadismaya sa isang sistemang tila baga'y hindi isinasaalang-alang ang kanilang kakayahan at pangangailangan. Sa bawat gabing nagkukubli sila sa ilalim ng ilaw ng lampara, binubuno ang mga leksyon na tila pilit na pinipiga mula sa kanilang oras at lakas, tumitindi ang tanong: “May magbabago pa ba sa bulok na sistema?!”

 

“Who made the console orange?” 

“AAAAHHH!” 


“Hello! Oh my gosh, I’m Anxiety. Where can I put my stuff?” 


Meet Anxiety, a new emotion unlocked! Sa kabila ng kaniyang matingkad na balat na kulay kahel, balisa naman ang isip sa pangambang hatid ng panibagong kurikulum. Sa ilalim ng Matatag Curriculum, ang bawat pahina ng module ay mayroong napakaraming posibilidad na taglay—malalim, malawak, at minsan, nakakalunod. Walang tigil ang pagkabalisa ni Anxiety, hatid ng tanong na bumabagabag sa kaniyang diwa: Kaya ba ni Felician na makasabay sa bagong kurikulum?! Ang dating komportableng ritmo ay naputol, pinalitan ng bagong sistema na nangangakong mas maikli ngunit mas matalim sa hamon. Sa huli, ang matatag ay hindi lamang tungkol sa kaalaman, kundi sa lakas ng loob na harapin ang sariling takot sa pagbabago.


Sa kabila ng umaapapaaw na halo-halong emosyon, isa pa rin ang patuloy na dama ng bawat isa—pag-asa. Layunin nitong bawasan ang dating 15,000 competencies ng K-12 patungong 5,000 upang bigyang-diin ang lalim kaysa sa lawak ng kaalaman. Dito nakaangkla ang pag-asa na makamit ang mas makabuluhang edukasyon—isang pagkakataong maunawaan hindi lamang ang mga sagot, kundi ang kwento sa likod ng bawat tanong. Sa kabila ng hamon ng iba’t ibang hamon at emosyong may iba’t ibang perspektibo, pangarap patungo sa tagumpay ang tanging nagdidikit sa mga pilipinong tunay na matatag at ‘di titibag.

Ginintuang lunggati

Kring! Kring! Kring! Iyan ang mga boses at tila hagulgol ng mga kampana sa aming paaralan, recess na! Oras na upang magpahinga! Ang oras na hinihintay at inabangan ng bawat mag-aaral sa Hukom. Sa loob ng paaralang Judge Feliciano Belmonte Sr. High School (JFBSHS), sa bawat panig at sulok ng aming ikalawang tahanan saan man pumaling at lumiko ang iyong katawan ay tiyak akong hinding hindi mo pagsisisihan! Magmula sa mga masisigasig at tila mga diyamanteng nagkikinangang kasuotan dahil sa tingkad ng mga unipormeng nakapulupot sa katawan ng bawat Feliciano, mga nagsisitaasang gusali at ang mga silid na puno ng halakhak at hagikhik ng bawat mag-aaral na tila ba mga sinag ng araw na nagbibigay ng liwanag at gabay sa bawat pangarap ng bawat isa, sinabayan pa at ginagabayan ng mga guro na walang sawang nagtuturo at tila mga nagsisilbing tulay papalabas sa madilim na yungib ng kahirapan.


    “Bugtong-bugtong, may dahon ay ‘di halaman, maraming mukha'y walang buhay, ngunit ang laman ay punong-puno ng karunungan.”  Pass! Iyan nalamang ang lumabas na mga kataga sa aking bibig ng matapos na bigkasin ni Felice A. Na, ang bugtong na bumagabag sa aking kaisipan, ang kaniyang binitawang salita ay tila ba’y mga liriko sa isang awiting paulit-ulit na tumutugtog at umaalingawngaw sa likod ng aking isipan. Ang isang bugtong na nagpatindig at nagpayanig sa aking mga kalamnan, ang bugtong na unti-unting nasisindihan sa aking pusong Felician.


    Sa likod ng mga ngiti, hagikgik at mga masisigasig na Feliciano kitang kita ko ang mga pagod at puyat sa mga matang kumikinang sa bawat mag-aaral na nakakasalubong ko. Isa na ay ang sa kadahilanang nagbago na ang kurikulum, ang pag-implimenta ng patok na patok at pinag-uusapang balita na mas mainit pa sa kumukulong mantika, ang DepEd Matatag Curriculum. Isang programa na kung saan ay mas tinututukan ang paghubog ng kakayahan at ang pagbabawas ng aralin sa isang asignatura, ngunit sa likod ng programang ito na dapat sana'y makatulong sa iba, tila ba'y ito pa ang unti-unting sumisira sa pangarap ng iba.


    Sa loob ng isang taon na pag-implimenta ng naturang programa, unti-unti ring lumabas ang mga balakid at mga negatibong epekto nito sa bawat isa. Hindi lamang para sa mga guro ngunit lalong lalo na para sa mga mag-aaral, ang mga mag-aaral sa Hukom ay tila ba mga gintong unti-unting natutunaw sa dami at bigat ng mga gawain. Gawa rito gawa riyan, sulat dito sulat diyan at basa rito basa riyan. Iyan ang mga gawaing tila sirkulasyon lamang sa buhay ng bawat isa, kagaya ng ginto sa bawat pagdaan at paragasa man ng problema ay hinding hindi natitibag ang kakayahan at katatagan ng bawat Feliciano, kagaya ng isang ginto na kung tumagal ay mas tumataas ang halaga. Sa pagtagal ng panahon, unti-unti ring nahuhubog ang bawat kakayahan at kaalamang bumubuo sa pagkatao ng bawat isa.


    Kagaya ng isang kadenang hindi matitibag, isang lubid na kung saan ay kayang kaya ka panghawakan ng matagal. Isang kagamitang sumasalamin sa katatagan ng bawat Felician, sa bawat pagsubok na kinakaharap ng bawat Felicano'y tiyak kong may mala tanglaw ang mangingibabaw sa gulo. Isang diyamanteng kulay dilaw at bughaw, ganiyan ko inilalarawan ang aking kapaligiran. Sa bawat paghakbang at yabag ng aking mga paana'y kitang kita ko ang determinasyon at ang mga nag-aapoy na pangarap at pagnanasang abutin ang matamis na tagumpay.


    “Bugtong-bugtong, may dahon ay ‘di halaman, maraming mukha'y walang buhay, ngunit ang laman ay punong-puno ng karunungan.” Aha! Iyan ay aklat! Ang aklat na gumagabay at pagbubukas sa puso't isipan ng mga mag-aaral. Isang maliit na bagay ngunit may malaking impluwensya't kakayanang maipabatid, magbukas ng isip at gumabay sa bawat isa. Isang aklat na mag-aangat at ang nagiging pundasyon upang maging isang Felicianong kasing tigas ng diyamanteng nagliliwanag at ginto na kahit kailan man ay hinding hindi matutupok ng nagliliyab na pagsubok at pagmamalabis ng mundong kasing pait ng kapeng robusta kung umasta.



ANG MATUWID

YouTube

Youtube

KURO-KURO ● KATWIRAN ● KATOTOHANAN 

Facebook

Facebook

Report abuse
Page details
Page updated
Report abuse