Bilang tugon sa lumalalang krisis sa edukasyon dulot ng nagdaang pandemya, sumasailalim ngayon sa mas pinaigting na recovery class ang mga piling mag-aaral ng Judge Feliciano Belmonte Sr. High School (JFBSHS) alinsunod sa DepEd Memorandum No. 13, s. 2023 upang mapagpatibay ang pagkatuto at mapunan ang kakulangan ng kaalaman ng mga mag-aaral.
Layunin ng programa na bigyan ang mga piling mag-aaral ng kinakailangang tulong at gabay sa kanilang pagkatuto sa pagbabasa, pag-unawa sa binasa, kritikal na pag-iisip, at matematika para sa ikapito at ikawalong baitang.
Kabilang sa mga nilinang na kakayahan ay ang pagpapantig ng mga letra o phonics, pangunahing mga operasyon sa Matematika tulad ng pagdaragdag, pagbabawas, pagpaparami, at paghahati.
Sinimulan ng JFBSHS ang recovery class noong taong panuruan 2023-2024. Ayon kay Binibining Armina Jane Baltores, gurong tagapayo ng ikapitong baitang pangkat Agoho - isa sa walong recovery classes, kailangang maihiwalay mula sa regular na pangkat ang mga nahihirapang matutong magaaral sa recovery classes dahil mas mabibigyan ng pansin ang kanilang pangangailangan sa programang ito.
“Para matutukan sila dahil ‘yung iba sa kanila [ay] mahina sa reading at basic math. Syempre parapagsasanay at pagsusulit para sa mga estudyante bago simulan ang kanilang minamarkahang eksaminasyon. “So bago sila mag-exam, hindi tulad sa regular class na mag-eexam agad, sa kanila [ay] nag-drill muna. ‘Yung mga nakalagay sa exam ay iniisa-isa namin hanggang sa okay ‘yung score nila. Doon na namin sila pag-e-examin,” aniya.
Pinaliwanag din ni Bb. Baltores na nakikita nila sa paraang ito kung tumataas ba ang kanilang marka at nalalaman din nila kung anong bahagi ng pagsusulit nahihirapan ang mga mag-aaral upang muling ituro ang mga ito. Inaasahan niya rin na patuloy na matututo ang mga Felicians na nasa ilalim ng recovery class at maging isang halimbawa sa kanilang kapwa mag-aaral.
Kabilang sa nasabing programa ang 205 Felicians na binubuo ng 107 estudyante mula sa ikapitong baitang, at 98 sa ikawalong baitang makapag-focus sila, hiniwalay sila kasi kailangan talaga nilang tutukan, ” ani Bb. Baltores.
Aniya pa, may mga estudyante rin na mahirap turuan dahil sa kanilang pag-uugali. “Mahirap. Iba-iba ‘yung ugali, mapapasubo ka talaga. Kailangan talaga ng mahabang pasensya [rito],” sambit pa ng guro. Nilahad din niya ang kanilang paraan ng pagtuturo na kung saan nagsasagawa muna sila ng mga Pinamamahalaan nila Bb. Baltores (7-Agoho), Gng. Nerizza N. Ramos (7-Almaciga), Gng. Christina Teodoro (7-Alagas), at G. Ferdinand Bansil (7-Almond) ang mga pangkat na kasapi ng recovery class sa ikapitong baitang. Habang sila Gng. Mariel L. Toreno (8-Adelfa), Gng. LC Bejo (8-Aster), Gng. Abegail Clariz Nining (8-Bougainvillea), at Bb. Jessica Dacles (8-Callalily) naman ang mga gurong tumitingin sa mga mag-aaral na nasa ilalim ng programa sa ikawalong baitang. Sa ngayon, patuloy pa rin ang paglinang sa kaakayahan ng mga mag-aaral sa naturang programa kung saan ang mga makakaalpas dito ay maililipat sa regular na klase sa susunod na taong panuruan.