PAROL SA MAY BINTANA

Disyembre na naman.

Tumulo ang luha sa mga mata ni Julia. Nakita niya ang nakasabit na parol sa sulok ng kanilang bahay. Gawa iyon ng kanilang ama. Nilagyan niya ng ilaw ang parol at isinabit ito sa may bintana.

Kay ganda ng parol! Tumayo si Julia at hinawakan ang parol. Tandang-tanda niya pa ang kasiyahan nilang mag-anak noong nakaraang Pasko.

“Huwag kayong malulungkot,” sabi ng kanyang ama. “Aalis ako upang mabigyan kayo ng magandang kinabukasan.”

“Ingatan ninyo ang parol. Magsisilbi itong gabay sa inyong mga gagawin,” paliwanag ng ama noong bago umalis sa kanilang bahay.

“Tama si Itay. Kahit nasa malayo siya, ang parol na ito ang magpapaalala sa amin sa kanya at sa kanyang mga pangaral.”

Parang napawi ang lungkot ni Julia, napangiti siya sabay kuha sa parol.