LARUANG DYIP

Araw na ng Sabado. Kausap ni Romy ang kaibigang si Bert. Gusto nilang maglaro, pero pareho silang walang dalang laruan.


“Alam ko na! Gumawa tayo ng laruang dyip,” naisip ni Rom.


“Paano?” tanong ni Bert.


“Ihanda muna natin ang mga takip ng bote o tansan para sa gulong. Pagkatapos, kailangan nating maghanap ng kahon ng posporo para sa katawan. Manghingi naman tayo ng kapirasong tela kay Nanay para sa upuan,” paliwanag ni Rom.


“Paano kaya ito tatakbo, kahit walang baterya?” tanong ni Bert.


“E, di talian natin at hilahin,” sagot ni Romy.