ISANG PANGARAP

Kasama si Jamil, isang batang Muslim, sa sumalubong sa pagdating ng kanyang tiyuhin.

“Tito Abdul, saan po ba kayo galing?” tanong ni Jamil.

“Galing ako sa Mecca, ang banal na sambahan nating mga Muslim. Bawat isa sa atin ay nangangarap na makapunta roon. Mapalad ako dahil narating ko iyon.”

“Bakit ngayon po kayo nagpunta roon?”

“Kasi, isinasagawa natin ngayon ang Ramadan, ang pinakabanal na gawain ng mga Muslim. Pag-alala ito sa ating banal na aklat na tinatawag na Koran. Doon ipinahayag na sugo ni Allah si Mohammed.”

“Alam ko po ang Ramadan. Nag-aayuno tayo at hindi kumakain mula sa pagsikat ng araw hanggang hapon.”

“Oo. Isang paraan kasi natin ito upang ipakita ang pagsisisi sa nagawa nating kasalanan.”

“Pangarap ko rin pong makapunta sa Mecca,” sabi ni Jamil.