PAPASOK NA SI NILO

Araw ng Lunes. Maagang gumising si Nilo.

Matapos maihanda ang sarili, nagpaalam siyang papasok na.

“Sandali lang, Nilo. Sumilip ka kaya muna sa salamin.

Masdan mo ang buo mong kasuotan,” utos ng ate.

“Naku, marumi pala ang aking sapatos,” wika ni Nilo.

Kumuha siya ng basahan at pinunasan ang sapatos.

“Ate, aalis na po ako,” paalam ni Nilo.

“O sige, mag-ingat ka,” tugon ng ate.