SABADO NA NAMAN

Isang Sabado, maagang gumising si Pamela.


“Sabado na naman! Ah, tutulungan ko ang nanay sa mga gawaing bahay. Marami pa naman siyang ginagawa kapag galing sa palengke,” sabi ni Pamela.


Pagkakain ng almusal, naglinis mabuti ng bahay si Pamela. Mabilis niyang iniligpit ang nakakalat na mga laruan sa sala. Maingat niyang pinunasan ang mga bintana at sahig, saka siya nagwalis. Pagkatapos maglinis ay kinuha niya ang kanyang manika. Masigla siyang lumabas ng bahay.


“Halika, Rosela, maglaro na tayo!,” masayang bati ni Pamela sa kanyang kaibigan.


Masayang naglaro sina Pamela at Rosela.