ANG MANGGA

May punong mangga sa bakuran nina Ani.

Marami itong bunga, malalaki, at mabibilog pa. Kulay dilaw ang hinog nito.

Kulay berde naman kapag hilaw pa.

Kay gandang pagmasdan ng puno ng mangga.

Isang araw, pumitas ng mga mangga ang mga kalaro ni Ani. Maraming napitas sina Dan, Nica at Alan.

“Masarap at matamis ang hinog na mga mangga,” sabi ni Ani.

“Maasim naman ang mga hilaw,” sabi ni Dan.