ANG ASONG GUBAT

“Kaibigan, marami akong alam na hindi mo alam,” pagmamalaki ng asong gubat sa pusa.


“Ang husay ko nga! Napakarami kong paraan para makalusot sa kaaway. Madali ko silang maliligaw.”


“Mabuti ka pa,” sagot ng pusa. “Ako, iisa lang ang alam kong paraan.”


Dumating ang isang pangkat ng mga mangagaso. Mabilis na umakyat sa puno ang pusa. Ang asong gubat naman ay nag-iisip pa kung ano ang gagawin niya.


Nakarating na ang mga mangangaso ay natataranta pa sa pagtakas ang asong gubat. Nahuli tuloy siya. Hinila siya patungo sa kanyang kamatayan.