ANG KAKAIBANG MUNDO

Nakasisilaw na liwanag ang hindi inaasahang bumulaga sa akin. Tumambad sa harap ko ang isang lugar na di ko pa nararating. Hindi mabilang ang malalaki at maliliit na mga robot na kumikilos tulad ng mga tao. May makukulay na mga sasakyang panghimpapawid na animo saranggolang nakasabit sa langit. Marami ang mga sasakyang hindi ko malaman kung kotse o dyip.

Iginala ko pa ang aking paningin. Malinis ang paligid, abala ang mga tao. Matiwasay at masayang namumuhay ang komunidad.

Napadako ako sa malawak na hardin. May kakaibang hugis at laki ang mga gulay at prutas. Makikita rin ang iba’t ibang uri ng hayop, matataba at malulusog, malalaki at maliit. Tunay na kakaiba ang mundong ito!

“Ahhh, ano naman kaya ang makikita sa gawi roon?”

“Anak, gising na! Bangon na!,” marahang tapik ni Ina.