MAGPALIPAD TAYO NG SARANGGOLA

Maganda ang panahon. Gustong maglaro ni Niko. Niyaya ni Niko na maglaro ang kakambal na si Noli. Pumunta ang kambal sa labas. May dala silang mga saranggola. Makukulay ang mga saranggola ng kambal.


Pinalipad agad nila ang mga saranggola. Mataas ang lipad ng saranggola ni Niko.


Napansin ni Niko si Noli. Malungkot ang mukha ni Noli habang nakatingin kay Niko.


“Halika, tuturuan kita kung paano paliparin ang saranggola.” sabi ni Niko.


Tumingin si Noli. Ipinakita ni Niko kay Noli kung paano magpalipad. Ilang saglit pa, nakangiti na si Noli.


“Salamat, Niko,” wika niya.