BAKASYON NI HEBER

Isinama si Heber ng kanyang Tito Mar sa Rizal upang makapag-bakasyon. Masayang-masaya siya dahil nakita niya sa unang pagkakataon ang Pista ng mga Higantes. Ang pistang ito ay naganap kahapon, ika-23 ng Nobyembre. Ginugunita sa pistang ito ang patron ng mga mangingisda na si San Clemente.

Pinakatampok sa pista ang matatangkad na tau-tauhang yari sa papel. Dinamitan at nilagyan ng makukulay na palamuti upang mas maging kaakit-akit sa manonood. Ang mga higante ay karaniwang may taas na apat hanggang limang talampakan o sampu hanggang labindalawang talampakan. Ang mga deboto naman ay nakasuot ng damit-mangingisda.

Hiniram ni Heber ang camera ni Tito Mar at kumuha siya ng maraming litrato. Gusto niyang ipakita ang mga litrato sa kanyang mga magulang. Ipakikita rin niya ang mga ito sa kanyang mga kaibigan at kaklase. Hinding hindi niya makalilimutan ang araw na ito.