SI DILIS AT SI PATING

Sa dagat nakatira si Dilis. Kalaro niya ang mga maliliit na isda. Sila ay masaya.

Nasa dagat din si Pating. Malaki at mabangis ito. Takot si Dilis at ang mga kalaro niyang isda kay Pating.

Minsan, hindi kaagad nakita ni Dilis si Pating. Gutom na gutom na si Pating.

Mabilis si Dilis. Nagtago siya sa ilalim ng korales. Hindi siya nakain ni Pating. Matalino talaga si Dilis.

Dapat maging matalino para matulungan ang sarili.